Chapter 29
"Excuse me?"
"Yes Ms?"
"Nandito ba si Mr. Pangilinan?" Tanong ko sa babaeng tingin ko'y sekretarya niya.
"Yes po Ma'am kayo po ba si Ms. Gutierrez?" Matamis ang pagkakangiti nito sakin.
"Yeah"
"Dito po Ma'am" nagtataka ko siyang sinundan.
"Wait-"
"Dalawa po ang opisina ni Sir" sagot agad nito. "Pasok po Ma'am mauna na po ako" paalam agad nito matapos akong ihatid sa tapat ng pinto.
Nagdadalawang isip man ay tumuloy pa din ako. Naabutan ko siyang nakatingala ngunit pikit ang mga mata may suot ding eye glasses bakit imbis na magmukang matanda ay lalo siyang mukang bumabata?
"E-ehem" kunwaring samid ko. Mapupungay pa ang mata niya ng nagmulat at tumingin sa gawi ko.
"Sit down" he said huskily. Naiilang naman akong nag iwas ng tingin.
"San tayo?" Usal niya na ipinagtaka ko. Hindi niya kita ang salubong kong kilay dahil abala siya sa pag aayos ng gamit niya.
"A-anong san tayo?" Utal kong pang tanong. Kunot noo naman ang noo niya ng lumingon sakin.
"Ang usapan natin kapag pumunta ka dito ay tayo na" walang emosyon niyang saad.
"Ha!" Peke akong tumawa.
"Ikaw lang ang gumawa ng haka hakang yan" ngisi ko sakanya.
"Kung ganon ay umalis ka na sinasayang mo ang oras ko" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ganyan ba siya kabastos?.
"Nababaliw ka na ba?"
"Oo" nawala na ang ngisi ko sa sagot niya.
"Ilang buwan nakong nababaliw mula ng basta ka nalang umalis" malamig niya pang dagdag.
"Ano bang sinasabi-"
"Wag ka nang magpanggap na hindi mo alam. Ako mismong psychiatrist ay hindi kayang tulungan ang sarili"
"Aiden-"
"Parang gusto ko tuloy sabihing ako mismong psychiatrist baliw na kakaisip sa babaeng hindi man lang nag abalang magpaalam matapos ang maraming pinagsamahan" walang tigil niyang usal ramdam na ramdam ang lungkot sa boses. Maging ako ay nakaramdam ng sakit kahit sinasabi niya lang naman iyon
Kung alam mo lang
"Tapos basta ka nalang babalik? Aba magaling!" Basag na ang boses niya sa huling sinabi. Mabilis akong tumalikod sa gawi niya nang magtuloy tuloy ang pagpatak ng luha.
"Sige" mahina kong usal nang mahimasmasan. Nang salubungin ko na ang tingin niya ay hindi pa din nawawala ang lungkot na mababasa sa mga mata niya.
"Tayo na" dagdag ko saka tumalikod.
"Bukas nalang uli tayo magkita" walang emosyon kong usal saka umalis.
Hindi na naman siya sumunod. Hindi na naman siya nagpaliwanag. Kelan ba niya marerealize na paliwanag niya lang sapat.
"Oy Sav" pagtawag ni Aixen sakin. Nandito kami ngayon sa cafe na lagi niyang pinupuntahan noon.
"Ha?"
"Kanina pa kita kinakausap" seryoso niyang usal. "May problema ba?" Dagdag niya pa.
"W-wala" pagsisinungaling ko dito.
"Mamatay na sinungaling!" Bulong niya saka humarap sa laptop niya.
"Hoy!" Turo ko sakanya.
"Ano?" Painosente niya pang tanong. Mabilis ko siyang binatukan.
"Pag namatay talaga ko!" Pagbabanta ko dito na kinalaki ng mata niya. Mabilis din akong niyakap at hinaplos ang ulo tinampal ko naman siya.
"Tsk anong trip mo?" Singhal ko dito.
"Nabibiro lang naman ako" nakanguso niyang sambit.
"Kung anong naririnig ng Diyos sa langit ay ginagawa niya kaya ayusin mo yang buhay mo" irap ko dito. Kitang kita naman ang dumaang takot sa mata niya. Natawa ako dito.
"Hindi ba uso ang pagsisimba sayo?" Tanong ko.
"B-busy ako sa business" nauutal niya pang saad hindi na naalis ang pangamba.
"Galing sa Diyos lahat ng bagay dito pag hindi mo siya binigyan ng sapat na oras ay pwede niyang bawiin lahat ng meron ka ngayon-" nagtataka ko siyang tinignan ng nagmamadali siyang tumayo.
"Why?" Tanong ko sakanya.
"Magsisimba"
"Pfft"
"May nakakatawa ba?" Seryoso niya pang dagdag.
"Sa sunday papakilala kita kay Pastor Garcia"
"Sino yun? Tsaka pano mo nakilala?"
"Nainvite lang din ako"
"Bakit hindi ko alam?"
"Malay ko sayo"
"Tsk pero alam kong may problema ka" hindi pa din niya talaga nakakalimutan.
"Wala nga"
"May sasabihin akong sikreto pero may sasabihin ka din?" Malalim akong bumuntong hininga.
"Satin lang muna to okay?"
"Naman!" Magiliw pa niyang usal.
"Kami na ni Aiden" seryoso kong sambit pero hindi ako nakatanggap ng sagot sakanya. Nakatitig lang siya sakin.
"Oy" tawag ko pa nang hindi pa din siya magsalita
"Pano?" Kunot noo niyang tanong.
"Mahabang storya"
"Marupok talaga" pilit siyang ngumiti. Napipilitan din akong ngumiti sakanya
"Anong sikreto mo naman?"
"Sikreto ko?"
"Oo"
"Ang sikreto ko ay."
"Ay?"
"Ay sobrang gwapo ko"
BINABASA MO ANG
Till Your Heartache Ends
RomantizmKate Saviona Gutierrez.... Adopted daughter of a well-known Business Man who experience harrasment. People didn't expect that the suspect is that human.... it's unexpected. Saviona is also known as stubborn but a smart one until he met someone...
