Chapter 24

2 0 0
                                    

Chapter 24

Hindi ko alam kung saan pupunta basta patuloy lang ako sa pagmamaneho. Mahigit isang oras at kalahati ata akong nagmaneho pero pabalik balik lang naman.

Hindi ang kamay ko ang pagod sa pagmamaneho kundi ang mata dahil sa pag iyak at puso sa paulit ulit na sakit.

"Minsan nakakatangang magtiwala" pagkausap ko sa sarili habang walang tigil pa din ang pag iyak.

"Minsan nakakabobong umasa"

"Minsan ang sarap nalang maging mag isa" nahinto ako nang tuluyang walang nakita dahil sa luhang humaharang binuksan ko na ang cellphone sabay sabay din ang pag vibrate non dahil sa dami ng text message. Pinakamarami ang kay Aiden sumunod ang kay mommy at Aixen. Magbabasa palang ako nang mag vibrate iyon.

"Hello Saviona!"

"Mom?"

"Where the hell are you?" Ramdam ang pagiging istrikta niya sa pananalita.

"Why? May nangyari ba?"

"Dala mo ang kotse mo?"

"Yes why-"

"Dumiretso ka na ditonsa Airport" nabigla ako sa sinabi niya.

"Airport?"

"Basta bilisan mo!"

"But why-" pinatay niya na ang tawag sa kabila ng pagtataka ay sumunod ako. Dinial ko ang no. Ni mommy pero ganon nalang ang pagkainis ko ng magshutdown iyon. Doble ang bilis ng pag papaandar ko kumpara sa natural na bilis non.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko sila sa loob.

"Mom!"

"Nag alala ako sayo kanina ka pa namin tinatawagan" salubong ang kilay ko nang makita ang maleta ko doon.

"What's happening?"

"Halika na! Kaninang kanina pa" saad ni Daddy.

"Mom?" Bumuntong hininga siya. Saka hinawakan ang magkabila kong balikat.

"Nacancel daw kase ang byahe bukas. Ngayon ang huli papuntang canada nagawan ng paraan ng tito mo"

"How about my things?"

"Nang hindi kita macontact ay pinaayos ko nalang kay elsa" pagtukoy niya sa isang kasambahay. Dali dali akong lumapit sa maleta ko.

"What about the car i used?" Abala kung paano bubuksan ang maleta. Pinatong ko ang hawak na phone sa bench doon.

"Kukuhanin ng tito mo dito. Sa ngayon ay kailangan na nating sumakay." Pinigilan na niya ko sa tuluyang pagbubukas.

"What now!" Sigaw ni daddy dahilan para pagtinginan kami. Mabilis na kumilos si mommy para masarhan ang maleta saka iyon hinila. Nang maiayos iyon ay pumwesto na kami.

Nakalapag nalang kami pero malalim pa din ang iniisip ko. Pati sarili ko ay hindi ko na maintindihan dahil nga lowbat ang phone ay nanghiram ako kay Mommy saka dinial ang no. Ni Aixen nasa Van na kami ngayon na pag mamay ari din ni tito.

"Hello tita?"

"Si Sav to"

"Oh sav? Ang aga mo naman yatang napatawag?"

"Nasa canada kami"

"What!?" Halata sa boses niya ang pagkabigla.

"Bakit ambilis? Papunta palang sana ako dahil ngayong umaga ang alis niyo pero bakit andan agad kayo?"

"Nagkaemergency kaya kinailangan kagabi"

"Sana ay nagsabi ka para naihatid ko kayo"

"It's alright Aixen. I have a favor"

Till Your Heartache EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon