Chapter 25

2 0 0
                                    

Chapter 25

Sa ilang araw namin dito ay hindi kami nahirapan na mag adjust. Nakahanap ng trabaho si Mommy. Hanga ako sakanya dahil sa kabila nang pagiging maarte niya ay nagawa niya lahat para samin. Hindi nagtrabaho si daddy lagi niya lang bukambibig ay kung ayos na ang business namin. Ang lagi lang naman sagot ni Mommy ay si tito na ang bahala. Hindi ako nahirapan sa pagkakaroon ng kaibigan kumpara sa pilipinas. Napanatili ko naman ang matataas kong grades.

Pang apat na buwan na namin dito nang umuwi si tito para ibalitang ayos na ang lahat. Tuwang tuwa kami lalo na si daddy. Sabi niya pa'y uuwi na siyang pilipinas. Pinagplanuhan agad nila iyon wala naman daw problema kay tito dahil masaya siya sa ginagawa. Uuwi na din daw siyang malaysia dahil namimiss na ang pamilya.

"Sa makalawa ay uuwi nakong pilipinas" walang paglagyan ang saya sa muka ni daddy. Maging ako ay nahahawa sa sobrang kasiyahan niya. Si mommy naman ay tipid lang ang ngiti.

"How about us Mom?" Baling ko kay Mommy.

"Maiwan na muna kayo dito kung gusto niyo" ngiti ni daddy samin.

"No, kung uuwi ka ay uuwi na din ako"

"Pano ang pag aaral ni Sav?" Tanong ni daddy. Labis ko iyong kinatuwa na sa matagal na panahon ay naramdaman kong may pakialam siya sakin. Nginitian ko siya saka nagsalita.

"Ilang buwan nalang po ay graduation ko na Mom"

"Ayos lang ba sayo na maiwan ka dito hanggang makapagtapos ka?" Nag aalalang tanong niya.

"Opo naman malaki na po ako" masaya naming tinapos ang hapunan. Uuwi sila mommy sa makalawa at ako naman ay maiiwan dito hanggang graduation uuwi din agad para makatulong sa business na napanatili ni tito na matatag.

Kinabukasan ay busy na sila Mommy sa pag aayos ng gamit nila pauwi bukas. Ako naman ay paalis na para sa pagpasok sa university.

"Take care honey"

"Thanks Mom"

"Mag iingat ka" nakangiting usal pa ni daddy lalo akong natuwa. Malaki talaga ang epekto sakanya ng kompanya.

"Kung ano talagang pinakanagpapahirap sayo ay yun din ang pinakanagpapasaya sayo" wika ko nang naglalakad nako sa hallway ng school.

"Saviona!" Tawag sakin ng isang kaibigang lalaki.

"Steve what's up"

"Meyron na ulit na trensfer sa Civil Engineer" masaya niyang balita. Kakaiba siya magsalita dahil purong pilipino siya dito lang tumira mula nang sanggol palang. Kwento niya'y nung nakaraang taon niya lang nalaman na isa siyang pilipino. Ampon lang pala siya ng magulang niya ngayon bagay na mas lalong naging dahilan para maging malapit kami. Mula nang nalaman niyang pilipino siya ay nag aral na siyang magtagalog.

Binalita naman niyang may engineer ay dahil nang maglaro kami at natanong sakin kung anong gusto ko sa lalaki sinabi kong Engineer. Sa ilang buwan ko kasi dito ay nakahiligan ko ang magbasa ng mga pocket book kung saan engineer ang mga leading man doon. Natatawa ko siyang hinarap.

"Name?" Nakangisi kong tanong.

"If i not mistaken it's Aiden?" Nahinto ako sa sinabi niya. Napatitig sa muka niya. Imposible? Nagtatrabaho na siya pero bakit pa siya mag aaral?. Alam ba niyang andito ako?

"What?"

"Mauna nako Steve"

"See you sa klase netin" kumaway lang ako. Wala akong sinayang na oras nagpunta agad ako sa building nila.

"Excuse me?"

"Yes?" Sagot ng isang babae.

"I heard Engineering have a transferee?"

Till Your Heartache EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon