Chapter 7

6 0 0
                                        

Chapter 7

"Pwede kang pumunta dito bukas kung may free time ka" usal nito na ipinagtaka ko. Saka rin nangiti sa loob loob. Posible ka yang crush niya na din ako?

"Hindi bat busy kang tao Doc?" Ngisi kong tanong.

"You can call me Aiden" utas niya saka sumulyap sakin nahuli niya ako may nanunuksong ngiti.

"Whatever you want to call me" bawi niya sa sinabi kanina.

"Eto na ba yung treatment ng mga baliw?" Tanong ko sakanya dahil mula nang umpisa akong pumunta dito ay wala siyang natanong na may kinalaman sa dahilan ng pagdala sakin ni Mommy dito.

"Kung ganto pala ang treatment gugustuhin ko nang mabaliw ng sobra hahahah" dagdag ko napapikit ng pitikin niya ang noo ko.

"If you feel that you're totally Okay then i will talk to Mrs. Gutierrez na hindi na kailangan ng treatment-"

"Ka-kailangan ko pa no!" Mabilis kong usal. Wala nakong dahilan sa pagpunta dito kung matatapos na ang treatment.

"Kung ano anong naririnig ko. Oo andaming sinasabi ng utak ko" tinaas taas ko pa ang kilay pilit siyang pinapaniwala.

"Lalo na ang puso ko Doc!" Pahabol ko pa tinasan niya ko ng kilay.

"Anong sinasabi ng puso mo? Doc? Crush kita?" Nakangisi nitong usal. Napangisi din ako.

"Hindi ko alam na may pagka assuming ka din Doc" saad ko na kinalukot ng muka niya.

"So sinong sinasabi ng puso mo?" Iwas tingin niyang usal.

"Di ba pwedeng anong sinasabi?"

"Just tell me!" Nauubos ang pasensya nitong sambit.

"Icrushback mo na daw ako!" Sigaw ko pabalik. Saka natawa dahil sa pagpula ng pisngi niya.

"Ilang taon ka na ba Doc?" Tanong ko na binaliwala niya saka tumayo at pumunta sa lamesa niya. Agad naman akong lumapit doon.

"Ilang taon ka na Doc?" Pangungulit ko. Malalim ang pagkakabuntong hininga niya animong nauubusan ng pasensya.

"23"

"19, 20,21,22,23," pagbilang ko na kinalingon niya at binigyan ako ng nagtatakang tingin.

"5 yrs lang naman pla Doc eh malapit nako mag 20!" Saad ko na lalo niyang ipinagtaka.

Masaya akong umuwi samin ng araw na yun. Maligayang maligayang sinalubong ang panibagong araw. Maging ang buong maghapon ko ay naging payapa kahit may mga langaw na nakakarindi.

Nginingitian ang lahat ng madadaanan sa hallway.

"Bakit imbes na gumaling siya ay lalo siyang lumala?"

"Ang creepy niya" bulungan ng madadaanan ko ngunit panay pa din ang pag ngiti ko.

Pasakay na sana akong sasakyan ng tawagin ako ni Aixen.

"Ano sine?" Aya nito sakin.

"May sched ako ngayon sa-"

"Alam mo kaya hindi mamatay matay ang usapan tungkol sayo ay dahil pinapanindigan mo ang pagiging baliw." Malakas ko siyang hinampas sa braso.

"Hindi naman ako mamamatay sa mga usap usapan no!" Usal ko saka siya tinalikuran. "Next time nalang!" Pahabol ko pa saka tuluyang pumasok sa sasakyan.

Walang kasing ganda ang ngiti ko nang pumasok ako sa opisina ni Aiden. Naupo ako sa swivel chair niya at nagpa ikot ikot doon. Nang makuntento ay nagtingin tingin nang mga papel doon. Nang buksan ko ang drawer ay nakita ko ang isang litrato doon. Siya kasama ang isang babae. Medyo bata pa siya sa picture na iyon. Nagmadali ko iyong ibalik nang marinig ang pagbukas ng pinto at niluwa siya niyon.

"Kanina ka pa?" Tanong nito na hindi binigyan pansin kung bakit ako nakaupo sa swivel chair niya. Umiling lamang ako. Saka umupo at dumiretso sa sofa. Dun din siya naupo.

"Mag aral ka na lang dan" wika nito na kinalito ko.

"Nag aaral naman ako sa bahay"

"Dito ka na mag aral at magpahinga ka nalang pag uwi mo"

"Wala ba tayong gagawin?" Tanong ko.

"Ano bang gusto mong gawin natin?" Balik na tanong nito.

"Walang mali sayo. You're maybe crazy over me but you're not crazy" saad nito saka tumayo at may kinuha sa lamesa nito maging ang coat niya at lumapit muli sakin.

"May imemeet lang ako. Saglit lang kung mainip ka ay pwede ka nang umuwi." Wika niya saka bahagyang hinaplos ang buhok ko na kinagulat ko. Natatawa niyang pinitik ang noo ko saka lumabas. What is that?! Omg! Don't tell me? Don't tell me? My ghad cassy! Nakakahaba ng pilik mata! Hahahah.

Sinunod ko nga ang sinabi niya doon ako nag aral. Hindi ko namalayang dalwang oras nakong nagbabasa nang makarinig ng pagkatok sa pinto. Mabilis akong tumayo saka masayang binuksan iyon ngunit awtomatikong nawala ng makita kung sinong nandon. Vriene. Tss. Degree palang ang meron ka pero mas maganda pa din ako sayo. Sigaw ko sa isip ko.

Maging siya ay nagulat nang makitang ako ang nagbukas ng pinto.

"Where's Aiden?" Maarte nitong tanong sakin. Agad nagsalubong ang kilay ko. Aiden? Wala man lang Doc?

"May imemeet daw siya-" nahinto ako nang itulak niya ang pinto bahagya akong mapaatras. Nagtuloy tuloy siya at naupo sa sofa. Pumunta din ako doon at mabilis na inayos ang mga gamit ko. Kunot noo ko siyang nilingon ng matunog siyang ngumisi.

"Ano ginawa mo na din bang tutor si Aiden?" Tanong nito na may nakakalokong ngiti. Hindi ko siya sinagot dahil baka magkagulo lang kami.

"Iisipin kong baliw ka ngang talaga pag sinabi mong may gusto ka kay Aiden" nagtataas baba na ang dibdib ko dahil sa sobrang pikon ngunit pinipili kong magpasensya.

"Masyado kang bata para sakanya. Hindi yun pumapatol sa mga baliw na katulad mo at isang bata at isip batang tulad mo-" mabilis akong tumayo at hinarap siya.

"Wag ka ngang bida bida. Mas baliw ka!" Sigaw ko sakanya.

"Tsaka para 4 na taon lang naman! Epal nato!" Pahabol kong sigaw saka nagmamadaling lumabas doon. Doon pumatak ang luha ko

"Epal na yun! Kala mo kagandahan. Badtrip. Bat sobrang emosyonal ko naman lately" punas ko sa pisngi kong luhaan.

"What happen?" Gulat akong napatingin kay Aiden. Mabilis akong umiling at nag ayos ng sarili.

"Hinahanap ako ni Mommy mauna nako"

"Ako nalang ang maghahatid sayo-"

"May driver naman" putol ko sa sinasabi niya.

"May sched ba ako bukas? May gagawin sana ako" habol ko. Kita ko ang pagtataka sa muka niya saka dahan dahang tumango. Tinalikuran ko din agad siya at lakad takbong pumuntang parking lot.

Till Your Heartache EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon