Chapter 60

3 0 0
                                        

Chapter 60

Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong saakin. Nakita ko agad si aixen na nag aabang.

"Nauna ka pa talaga sakin ah" biro ko

"Kate!!!" Yumakap agad ito.

"Ayos na yan, baka biglang dumating si aiden" natatawa kong usal.

"Nako, dami niyo nang bebe time, bestfriend naman dan!"

"Ewan ko sayo, tara na kay mommy"

As usual naiiyak uli si mommy ng magkita kami. Tutok na tutok naman si aixen sa bawat kwento ni mommy sa nangyari.

"You mean may kambal ka!?" Nanlalaki ang mata niyang tanong.

"Yeah"

"Mahabagin! May kambal ka! Ibig sabihin isang baliw madagdagan ng isa pa!?" Binato ko siya nang unan na nailagan niya naman

"Wala ka bang picture?"

"Muka ko din naman ang makikita mo"

"Nga pala anak hindi mo pa nasabi ang nangyari nung makuha ka ng lola mo" singit ni mommy.

Naalala ko kung pano ako nakuha ni lola. Sa isang resort ako napadpad, saktong nagbabakasyon si lola nang sabi niya na nakita niya ako sa pampang. Nakita niya daw agad ang muka ko kaya nagmadali siyang tumawag ng coastguard at sinabing apo niya ako at nalunod.

Tinulungan kami na madala sa hospital, lagi niya kong tinatawag na apo, savryna. Sa takot kong ibalik niya ko kay daddy na alam kong hindi ako hahayaang mabuhay hindi ko sinabi ang tungkol sakin maliban sa pangalan ko talaga. Sa kagustuhan ni lola na maramdaman uli si savryna ay inalagaan niya na din ako.

"Grabe ang daming ganap sa buhay mo" banat pa ni aixen.

"It's time for you to start again sav" nakangiting ani mommy. Sinuklian ko siya ng ngiti.

"Oo nga support ako!" Parang batang ani pa ni aixen. Sino kayang magpapatino dito sa isang to.

"Kahit anong maging desisyon mo sa buhay Sav, lagi akong nakasuporta. And ikaw ang pinakamagandang dumating sa buhay ko, lalo pang gumanda ng dumating din si savryna"

"Naman Mommy" sabay sabay kaming napatingin ng marinig namin iyon.

Nasa pinto si savryna akay si lola. May dalang isang bagahe. Matatamis ang ngiti at handang handa din sa bakasyon.

"Savryna!" Mabilis akong sumalubong sakanila.

"Lola!, i miss you po" yumakap ako sakanya

"Nako madaling madali nga yan si lola excited na" biro pa ni ryna.

"Kumusta kayo lola, tuloy po tayo" bati ni mommy.

Kamustahan ang naging laman ng kwento nang mapansin ko ang titig ni aixen kay Savryna, samantalang busy naman si savryna sa pakikinig sa usapan nila mommy. Pinanlakihan ko ng mata si aixen ng mapasulyap siya sakin. Namula ang pisngi at nag iwas ng tingin

"Ahm oo nga pala, Lola, Savryna si aixen nga pala bestfriend ko-" natatawa akong natigilan ng masamid si aixen sa iniinom niyang juice.

"Kamusta hijo" bati ni lola.

"A-ayos lang po" hindi naman nagawang bumati ni ryna dahil hindi naman sumulyap sakanya si Aixen.

Natatawa nalang akong pumuntang kusina. Gabi na ng matapos ang kwentuhan sa sala. Masaya kaming nagsalo salo ng gabihan. Nakakapagtaka lang talaga ang pananahimik ni aixen samantalang kahit wala namang nagtatanong ay nag kukwento siya.

Sabay sabay na din kaming nagpahinga. Kami ni ryna ang magkasama, si lola at mommy naman sa isang kwarto at si aixen naman ay solo niya.

Matagal na panahon din mula ng matulog ako ng ganitong kasaya.

Till Your Heartache EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon