Chapter 53

2 0 0
                                        

Chapter 53

Baka magwala lang ako doon sa inis kaya umuwi nalang ako. Hapon ng makabalik ako hindi pako tuluyang nakakaupo sa lamesa ng opisina ko ng biglang nagring ang phone ko.

"Hello?"

"H-hello?" Napatingin ako sa screen ng phone ng marinig iyon.

"Who's this?" Tanong ko kahit may ideya na.

"T-this is Sav s-si ahmm y-yung Mommy ni Sav... yung mommy niya!"

"What happen to Mrs. Gutierrez!?" Muli kong dinampot ang susi ng sasakyan at naglakad.

"N-nung sinubukan ko kase sabihin s-sakanya.. ahh actually nung sinabi ko na ano.. kase h-hindi siya n-nakahinga." Humikbi pa siya bago ko marinig ang mabibigat niyang paghinga.

"Nasan kayo?"

"S-sa Hospital, y-yung hospital na pinagpuntahan ko noon, h-hindi ko kasi alam"

"Papunta nako" wala akong naramdamang pagod, gutom. Ang importante ngayon ay unti unting naayos ang lahat.

Marami pa ring media sa labas ng Hospital ng makarating ako. Tulad ng inaasahan ay ang pag dagsa din sakin.

"Dr. Pangilinan kayo pa ba ng anak ni Mrs. Gutierrez?"

"Sir... sir! Nandito ba kayo para damayan-"

That's why i really hate business lalo na kapag malaking company ang hawak mo.

"Excuse me? San dito si Mrs. Gutierrez? Is she alright? May room na?"

"Sa ICU" sagot ng nurse. Tumango ako saka tumuloy doon. Sa labas ng ICU ay nakaupo sa isang bench sa tapat ng pinto si Sav- yeah Savryna.

"What happened?" Agad siyang napatayo ng marinig ako.

"A-ano kasi a-alam ko na ang pangalan ko p-pero kasi nung sinabi ko sakanya b-bigla nalang siyang na-nanahirapan kasi siyang huminga-"

"Anong nangyari pagkatapos non?"

"Tumawag ako ng emergency kaya natulungan ako" kadabong usal niya.

"Alam ba ni Mr. Gutierrez?"

"H-hindi pa ata wala siya sa bahay nung n-nangyari yun eh" balisang sagot niya.

"Wag...ka munang magpapaiwan mag isa kasama siya" nag iwas din ako ng tingin. Mamaya tuluyan ka non, hindi ako mapapatawad ni Saviona.

"B-bakit?"

"Posibleng may kinalaman siya sa pagkawala ni Saviona at iniisip ng lahat na ikaw si Sav"

"B-bakit pareho k-kami ng muka?" Kuryosong tanong niya. Ewan ko din sainyo. Hays.

"Posibleng Kambal kayo." Nanlaki ang mga mata niya, Tss. I miss you... Sav

"P-pano?"

"Ang dapat mong gawin ngayon ay wag maiwan mag isa kay Mr. Gutierrez"

"D-dito lang ako, ako naman ang may kasalanan kaya magbabantay ako."

"Sinabi mong may naaalala ka na? Ang pangalan mo?" Tumango tango siya.

"Jade Savryna Pascua ang pangalan ko, Si Albert Pascua ang Daddy ko at si Sarah Pascua ang Mommy ko a-at ang Lola ko lang ang naaalala ko, hindi ko alam kung bakit napunta ako kung saan saan" natulala ako. How this could be? This is how destiny play....

"I know k-kung saan ka nakatira" mabilis siyang lumingon sakin at napatitig.

"After what happen that night nag hire ako ng private investigator, kahit ang Detective na humawak sa kaso mo noon ay nakausap ko"

"Kaso ko?"

"Nakidnap ka last year at inakala ng pamilya mo na patay kana"

Alam ko ang ekspresyon sa muka niya... People define how life full of pain depends on their own experience. How much pain i feel when i lost my sister. And Im sure how much Saviona hurt on what happen and this girl is also in pain especially to know what happen to her life without remembering it. It feels like she's guesting what kind of pain she experienced in the hand of her kidnappers.

Wala siyang sinabi tanging luha ang naging sagot niya. Hindi ko ata kakayaning sa bibig ko manggaling ang panibagong magpapaluha sakanya.

Your father cheated while your mother is suffering.

Your mother Died while mourning for you.

That's Life...

Till Your Heartache EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon