Chapter 21

5 0 0
                                    

Chapter 21

"Doc! Doc! Hello there Doc!" Kumaway kaway ako sakanya pero hindi nabago ang ekspresyon nito sa halip ay lalong sumama ang muka niya.

"I-iinom ka din ba ng S-soju doc?"

"Bumaba ka diyan"

"Ma-masarap ang *hik* a-ang soju dito Doc"

"Pare pareho lang naman ang lasa ng soju kaya bumaba ka na dito" sabat ni boy singit.

"Manahimik ka nga boy singit!"

"B-boy what?! Anong sabi mo!"

"Boy singit hindi dahil kita singit mo kundi dahil ma-mahilig ka sumingit"

*hik*

"Kakaladkarin na talaga kita"

"Aiden ohh!" Para akong tangang nagsumbong dahil wala na siya sa dating kinatatayuan.

"Aiden? Asan na si aiden? Iniwan na niya ko?" Naluluha kong tanong sa babae malapit sa stage. May humawak sa braso ko. Pilit ko iyong inaalis pero mahigpit ang pagkakahawak.

"A-ano ba kase!" Napatili ako nang buhatin ako noon. Bridal style. Nanlalabo na ang paningin ko pero naging malinaw padin sakin kung ganon kagandang lalaki iyon. Buhat ako ni Aiden tinago ko ang muka sa dibdib niya dahil nito ko lang narealize kung ganong nakakahiya ang ginawa ko.

Napapahiya akong yumuko nang maisakay niya ko sa sasakyan.

"Y-yung kotse?"

"Papakuha ko nalang" kasing lamig ng yelo ang tono niya. Pakiramdam ko'y pati pakikitungo.

"Pa-pano mo nalamang nandito ako?" Wala siyang kibo.

"A-ahh exam namin bukas para sa sec sem pero kaya ko naman" pakiramdam ko'y nawala lahat ng lula at antok ngayong katabi ko siya

"I-ipeperfect ko  iyon" wala siyang sinabi hanggang makarating kami sa tapat ng bahay namin. Bumaba siya saka umikot sa pintuan sa passenger seat. Hindi ako lumabas. Mas nilawakan niya pa ang pagkakabukas niyon.

"Late na. Pumasok ka na sainyo" sa wakas ay nagsalita din siya. Ngumuso ako at tumingin sakanya. Nagpapaawa.

"Ayaw" bumuntong hininga siya hinawakan ako sa braso. Kumapit ako sa manibela para hindi mapalabas.

"Saviona!"

"Ayaw ko nga! Bakit ba pinipilit moko?!" Umiiyak kong saad sakanya. Hinilot niya ang sintido saka muling umikot papuntang driver seat. Walang kibong minaneho ang sasakyan.

Nahihiya man ay naglakas loob pa din akong magtanong kung saan kami pupunta pero kagaya ng inaasahan ay hindi siya nagsalita. Nakatulog nalang ako sa sobrang tahimik. Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar nang ilibot ko ang paningin sa kwarto ay humanga ako. Malaking kwarto iyon ang hinihigaan ko ay sa tingin ko'y master bedroom. May dalawang pinto doon. Dahan dahan akong tumayo. Inaalala ang huling nangyari.

"Nasa kwarto ba niya ko?" Lumapit ako sa isang pinto at nakitang walk in closet iyon. Lumapit naman ako sa isa pang pinto para buksan iyon. Matining ang tili ko nang makita si Aiden doon sa loob na nakatapis lang. Nasa muka ang dalawa kong kamay hinaharangan ang mga mata. Hindi ako makagalaw. Naramdaman ko nalang nang hawakan niya ko sa magkabilang balikat saka bahagyang itulak para makadaan siya. Unti unti kong inalis ang kamay sa muka. Nakita ko siyang pumasok sa walk in closet.

Naupo ako sa higaan niya. Nilibot ang paningin. Mayroon doong isang table na may mga papeles. May flat screen tv din doon. May mga magagandang portrait at may sariling veranda ang kwarto niya. Lumabas ako doon. Napapikit sa sumalubong na hangin malamig iyon dahil gabi na hindi man lang ako nakaramdam ng gutom.

Till Your Heartache EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon