Chapter 14

5 0 0
                                    

Chapter 14

Huling klase na ngayon nang bigla akong pinatawag sa faculty. Ineexpect ko nang nakaperfect ako kaya ako pinapunta.

"Goodafternoon Prof" magandang pagkakangiti ko dito. Ngunit nababasa ko sa mata niya na hindi maganda ang ibabalita niya.

"May problema po ba?" Nag aalalang tanong ko dito.

"Ms. Gutierrez. Alam kong hindi na katakataka kung maiperfect mo ang Exam" panimula nito kinabahan ako sa hindi malamang dahilan.

"Pero may nakapagsabi saakin na nagcheat ka daw. May nakakita daw sayong pumunta ka dito bago mag exam-"

"Prof, imposible po ang sinasabi niyo"

"I know. Sav but maging ang isa sa prof mo ay nagtaka kung bakit mo nagawang iperfect ang exam gayong ang dulong parte daw don ay hindi niya nagawang idiscuss sainyo? Plano niya sanang ibawas iyon sa total pero nagulat siya dahil nasagutan mo iyon"

"Prof! Nag aadvance reading ako kaya nabasa ko na ang mga nandon"

"Pero pano mo maipapaliwanag na may nakakita sayo na kinuha ang key to correction. Lahat kami dito ay nawalan ng kopya non"

"Prof? Pinagbibintangan niyo po ba ako?" Naluluha kong tanong. Hindi dahil naaawa ako sa sarili ko kundi sa sobrang inis. Panong nangyari iyon eh halos yun ang intindihin ko?

Malalim ang pagkakabuntong hininga niya.

"Dati ko na pong nagawang iperfect ang mga exams niyo dahil gusto ng parents ko pero bakit ngayon lang nangyari to?"

"Naiintindihan ko pero hindi ko pwedeng ipagsawalang bahala ito" nahinto lang kami nang may pumasok. Kaming dalawa lang ni prof sa faculty dahil ang iba ay may klase pa ang iba naman ay nauna na.

"Prof" nang lumingon ako ay nakita ko ang ilang kaklase sa ibang subject.

"Come in Ms. Rodriguez." Nang maupo ito ay hindi magawang tumingin sakin.

"Ang sabi mo ay ikaw ang nakakita na pumunta dito si Sav?" Nagugulat akong napatingin sakanilang dalawa saka masamang tumingin kay Michelle.

"A-ahh opo prof"

"Mich! Hindi nga ako pumunta dito kaya pano mokong nakita?" Nag iwas ito ng tingin saka yumuko.

"Pauwi napo ako non ng mapansin ko siyang nagpapalinga linga dan sa labas. Nagtaka ako dahil hindi naman niya ginagawa ang ganong bagay. Pumasok po siya dito. Sa tingin ko po'y mga tatlong minuto lang ang tinagal niya. Nagtago po ako sa takot na baka makita niya ko iniisip ng mga tao dito na baliw siya kaya natakot ako"

"Abnormal ka ba? O kulang ka sa aruga!" Nauubusan ng pasensya kong sigaw.

"Saviona please sitdown. Nandito tayo para isettle ito hindi para magkagulo kayo."

"Panong hahayaan ko nalang prof?! Naniniwala po ba kayong kaya ko iyong gawin?"

"Nagawa mo ngang mag commit ng suicide dito ms. Gutierrez ang gantong bagay pa kaya?" Doon ako tuluyang nawalan ng pag asa. Wala na talang natitirang tao dito na naniniwala at nag titiwala sakin.

"Ms. Rodriguez continue" nakayuko kong pinakinggan ang mga kasinungalingan niya.

"Nang lumabas po siya ay may hawak na siyang mga papel hindi ko po nakita ko ano iyon"

"Una sa lahat ay hindi ako pumunta dito, pangalawa hindi mo pala nakita pero bakit kung makapagsalita kayo ay parang sigurado kayo?"

"Hayaan muna natin siyang magsalita Sav may tiwala ako sayo. Parang anak na ang turing sa mga student ko-"

"Hindi halata Prof" walang emosyon kong saad dito

"Bukod don ay nakita kitang nilagay ang mga papel sa locker mo" binalot ng tawa ko ang buong faculty.

"Tanga ba kayo?! Eh hindi ko nga yon binubuksan. Edi tignan niyo!"

Malapit na kami sa locker ng makareceive ako ng text galing kay Aiden.

~Aiden~

Parking lot.

Naiyak ako pagkabasa ko dito. Siya pa ang susundo sakin. Pano ko tatakasan ang nonsense na pambibintang sakin.

"Open it" sambit ni Prof. No. ng birthday ko ang lock doon. Ako mismo ang nagbukas at nanlaki ang mata ko ng makakita ng mga papel doon. Isa isa ko iyong kinuha binasa saka sunod sunod na bumagsak ang luha. Imposible.

Till Your Heartache EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon