Chapter 32

3 0 0
                                        

Chapter 32

Ngayon ko lang naramdaman ang ganito kasakit. Pisikal na sakit iyon hindi ko magawang igalaw ang mga kamay at paa. Purong dilim lang ang nakikita. Naalala ko ang nangyari. Si daddy.

Naramdaman ko ang pagbukas ng sinasakyan. Van iyon base sa pagbukas.

"Tsk! Sayang iyon naflash lang!"

"Nakakaawa naman to kung hindi lang sana nangialam" usapan nila.

"Ang sabi siguraduhing hindu humihinga bago itapon" pigil hininga ako. Naiiyak sa mga naririnig. Hindi ko akalaing kayang ipagawa iyon ni daddy. Ganon na ba siya kaadik?

"Paano natin yan pupuruhan?"

"Ayokong hawakan yan may anak akong babae na ganyang edad din. Ginagawa ko lang to para may pang aral ang iba kong anak"

"Tsk bahala na tara na" hirap man ay nagawa kong pigilan ang paghikbi. Tuloy tuloy lang ang pagdaloy ng luha sa pisngi ko.
Hindi pako pwedeng mamatay.

"Mamaya na inom muna tayo dan! Mamayang madaling araw ay tiyak na wala nang makakakita satin pagtinapon natin yan"

Yun ang huling narinig ko bago magsara ang pinto ng sasakyan. Mabilis na ang paghinga ko. Sobrang liwanag sa pinuntahan nila kaya nagagawa kong maaninag iyon.

"Mom"

"Aiden!"

"Ha?" Nitikom ko ang bibig nang may nagsalita sa driver seat.

"Gising ka na pala" dagdag pa nito. Sandali at tatawagin ko lang sila"

"Please po"

"Wala eh utos lang" aniya. Hindi nagtagal ay narinig ko na ang pagsakay nila. Maging ang pag andar ng sinasakyan namin.

"Ano bang nagawa nan kay boss?"

"Nalaman atang nagtutulak siya-"

*bzzt* * bzzt*

Sabay sabay kaming nahinto ng marinig ang pag vibrate ng phone ko! Hindi ko naisip na nasa bulsa pa pala iyon ng jeans na suot ko.

"San yon?"

"Dito ata sa babae boss" sagot ng tingin ko'y nasa driver seat. Naramdaman ko ang paghawak sakin dahil sa pilit na pagkuha ng patuloy na nagvavibrate ba phone ko.

"Hmmp! Hhm" pilit kong piglas hindi makapagsalita dahil sa tali sa bibig.

"Ano ba!" Malakas na sigaw ng lalaki sa tabi ko. Napapikit ako dahil sa lakas ng pagsampal nito sakin. Nahilo ako dahil hindi lang sa pisngi ko tumama ang mabibigat niyang kamay. Bahagya din nung tinamaan ang kanang mata ko dahilan para lalo iyong magluha.

"Kalikot kilot mo ha!!" Dagdag sigaw niya pa. Hawak naman ngayon ang leeg ko at mahigpit iyong hinawakan. Hindi nako makahinga tanging butas lang ng ilong ang kuhanan ng hangin. Wala pang masyadong malanghap dahil sa nakataklob sa ulo ko.

"Ayaw ka na sana naming pahirapan pero sinusubukan mo ang pasensya ko!" Nanggagalaiti nitong bulong sakin. Kinilabutan ako nang may maramdamang malamig na bagay sa leeg ko sa mismong lalamunan. Dikit na dikit iyon.

Konting paggalaw lang ay tatama sa leeg ko ang nasisiguro kong patalim. Hindi ko magawang lumunok sa takot na madaplisan nun na maging dahilan ng agaran kong pagkamatay. Hindi ako matatapos sa ganto lang. Hindi ako mamamatay.

"Ba-bakit niyo ginawa ito?" Nahihirapan kong bulong. Hikbi ang naging kasunod nang ilipat niya sa pisngi ko ang patalim. Ang dulo nun ang nakatutok sa pisngi ko. May taklob man ang ulo ay ramdam ko ang tulis niyon.

"Sa pera, pag nagawa mong gawing doble ng sampong beses ang bayad baka magbagonang isip namin" walang halong pagbibiro nang sabihin niya iyon.

"Ang kaso eh hindi ka pa pala nakakapagsimulang magtrabaho, pera din ng daddy mo ang ginagamit mo ngayon huh!" Kasabay ng pagpatak ng luha ko ay ang pagtulo din ng dugo mula sa pisngi ko pababa sa leeg ko. Hindi iyon natapos sa pagdiin ng kutsilyo. Malakas na ungot ang nagawa ko nang iguhit niya iyon sa balat ko. Kakaiba ang pagkirot nang pisngi ko. Hilo at sakit ang lahat ng naramdaman ko.

Aiden.

Lord.. Save me. Alam kong hindi mo ako pababayaan.

Mom.

Aiden.

"Boss ayaw pa rin tumigil" usal ng lalaki.

"Sino ba yan?" Inis na tanong ng lalaki sa tabi ko

"Aiden boss"

Aalisin niya ko dito.

"Sino ba yang hayop na yan! Basagin mo"

Basagin mo

"Baka iniisip na ni Mrs. Gutierrez na nawawala ang anak niya baka nagpapahanap na yon sa mga pulis at ipadetect ang location nang telepono nang babaeng to" panong naisip ng isang kidnapper lang ang ganoong bagay?

"Oo nga" sagot pa ng isa.

"Hoy! Hoy!" Hipa niya sa paa ko.

"Hanggang kamatayan mo dilim lang ang makikita mo" bulong nito sakin saka mabilis na binaon ang kutsilyo sa tagiliran ko.

"A-ahh hmmm!" Ungot ko.

"Baba!" Malakas na sigaw nito. Hindi ko magawang ikilos ang mga paa ko. Bumagsak ako sa lupa nang buksan nila ang pinto sa gilid ko. Kapos na kapos na ko sa hininga.

Walang tigil ang pagpatak ng luha ko nang maramdaman ko ang pagtama ng kahoy sa hita ko. Nasundan pa yun paulit ulit. Maging sa balikat at ulo ko ay tumama iyon. Walang natirang lakas sakin. Ultimo paglunok ay nanghihina ako. Pikit ang mga mata ko pero gising na gising ako. Alam ko ang namgyayari sa paligid ko pero hindi ko magawang ikilos kahit ano sa katawan ko.

"Hindi nato magtatagal boss tara na mag aalas kwatro na maya maya lang ay magliliwanag na" yun ang huli kong narinig bago ko maramdam ang paghila mula sa paa ko. Halos mapangiwi ako kapag tumatama sa kung anong bato ang balat ko.

Parang huminto ang paghinga ko nang maramdaman ko ang pagkahulog ko. Maging ang pagbagsak ko sa tubig. Hindi man lang naalis ang taklob sa ulo ko dahilan para mabilis akong mawalan ng malay.

Till Your Heartache EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon