Chapter 43
I never thought na may boyfriend ako? Ano bang buhay ang meron ako noon, pakiramdam ko'y nag gagalawan ang mga braincells ko kakaisip.
"Pero hija don't think too much okay? You don't need to rush para makaalala, you being here is too much" kahit anong pagsabi niya na wag ko masyadong isipin ay hindi na ata talaga mawawala yun sa isip ko
"We're here" anunsyo niya, hindi ko man lang namalayan dahil tulala ako the whole time. Pagbaba palang ng Van ay may nakita nakong isang lalaki, probably my father, He standing straight while his in cross arm, tanaw ko ang pagkakakunot ng noo, actually if this women did'nt tell me about my father i will tell her that this man in front of me rightnow is scary. So scary.
"Hon, aren't you happy, our daughter is finally here" may galak sa pagkakasabi niya noon, tinitigan ko ang lalaki, kitang kita ko kung panong mabilisan at alanganin siyang ngumiti.
"H-hindi la-lang ako makapaniwala, oo hindi ko lang inaasahan" matamis ang pagkakangiti nito sakin pero wala akong makitang sincerity doon o dahil hinusgahan ko lang talaga siya sa isip ko?.
"Pasensya na anak kung hindi kita nailigtas" babaan man niya ang boses ay nakakaramdam ako ng kakaiba.
"W-wala ka ba talagang naaalala?" Tanong nito, mula nang dumating ako ay hindi ko man lang nasuklian ang mga ngiti nito
Dahan dahan akong tumango.
Hindi ko alam kung ako lang ba pero mas doon nadepina ang totoong saya sa mga mata niya.
"Pasok kayo, pasok" masigla na ang pananalita nito nang magyaya.
Hindi din kami nagtagal sa hapag, kaunti lang din ang nakain ko dahil kakaiba ang mga nakahain doon. Nang ituro ni Mommy ang kwarto ko ay ganon nalang ang paghanga ko.
"Goodnight" alangan pa nitong paalam, mukang ayaw pako iwan mag isa. Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto, malawak iyon dalawang kwarto nila russel ang katumbas nito.
Dahan dahan ako nahiga
"Ang lambot" nangingiti kong usal. Hindi ko maisip na ganto ang buhay ko noon.
Hindi nagtagal ay nakatulugan ko iyon.
Nagising ako sa isang haplos.
"Im sorry nagising ba kita?" Mahinag usal ni Mommy? Im still not comfortable calling her Mommy.
Ngumiti lang ako sakanya saka kinusot ang mga mata. Nagtataka ko naman siyang tinignan nang hindi maalis ang titig niya sakin, kunot ang noo.
"I..I didn't know na may B-balat ka pala dan sa may bandang tiyan mo" napasulyap ako sa tagiliran ko, nagtataka naman akong lumingon sakanya saka tumango, medyo tumaas kase ang suot kong pang taas ng mag unat.
Hindi din kami nagtagal doon at bumaba para mag breakfast, nanataling tahimik naman siya mula pag kababa.
"N-nasan po ang Daddy?" Nahihiya kong usal.
"He's Working" nakangiti niyang usal.
Hindi na nasundan ang usapan, base kahapon ay mukang maingay naman si mommy kaya nagtataka talaga ko ngayon. Mabilis lumipas ang oras. Hapon na ng nagtungo muli ako papuntang kusina.
"She's alright hijo, Send my regard to Mr. Pangilinan, Yes, Bye" nahinto siya nang nalingunan ako.
"Are you hungry? Meryenda?"
"B-busog pa po" mukang hindi naman siya sa kusina tatambay kaya inunahan ko na siyang maglakad palabas ng kitchen. Napasulyap ako sa mga nakaframe na picture don. Natitigan ko ang muka ko suot ang itim na toga.
May biglang sumagi sa isip ko! I... i remember my graduation!
"I....I think I remember something" nanlalaki ang mata ni Mommy ng lingunin niya ako.
"What is it?" Aniya.
"Im with girl, probably you walking with me po para kunin ang diploma" nangilid pa ang luha ko nang hindi man malinaw ang muka ay may navivisualize naman ako. Nang harapin ko siya ay mas nanlaki ang mata niya at lumipad pa ang kamay sa bibig animong gulat na gulat.
"A-are you alright po?" Hindi makapaniwalang ganon ang epekto sakanya ng sinabi ko.
Umiling iling siya.
"B-but Im not with you in your graduation, Mag isa lang don ang anak ko, s-she's oh No, you graduated abroad and take your diploma alone" aniya na animong siguradong sigurado.
Ako naman ang napatitig sakanya, p-pero hindi ako pwedeng magkamali, I remember!
BINABASA MO ANG
Till Your Heartache Ends
Roman d'amourKate Saviona Gutierrez.... Adopted daughter of a well-known Business Man who experience harrasment. People didn't expect that the suspect is that human.... it's unexpected. Saviona is also known as stubborn but a smart one until he met someone...
