Chapter 40
Minsan ko siyang nakita na naglalakad nang naglako ako ng paninda ko. Hindi ko naman inaasahan na nawawala pala siya, sakto naman na dumadalaw ako sa anak ko kaya tumuloy nako dito-" nahinto ang tv sa hindi ko alam na dahilan hindi muna ako lumabas at nakiramdam.
"Russel" boses iyon ng papa ni Russel
"Alam ko po, makikiusap po sana ako na ihatid niyo siya sa maynila bukas ng umaga"
"Bakit hindi ikaw ang sumama sakanya?" Tanong naman ng Mama niya.
"Madaling araw po ako babyahe" nagtaka ako sa sinabi niya.
"P-pero sa makalawa pa ang alis mo"
"Mama, kung hindi ko uunahan sa Sav sa pag alis ay baka hindi ko siya paalisin dito"
"Na alam mong mali" bihira magsalita ang papa niya, kaya ganon ang gulat ko sa mga sinasabi niya.
"Ayokong masayang lahat ng pinaghirapan natin dahil lang sa hindi kilalang babae Russel" nangilid ang luha ko. Masyado ko na silang nagugulo. Sobrang laking abala ko.
Nang makarinig ako ng yabag ay nagmadali akong pumunta sa papag at nahiga.
"Nene maghahapunan na" malamig na tawag sakin ni aling terresa, hindi ako sumagot. Nagtulog tulugan, nag bingi bingihan. Hindi ko alam kung panong haharap sakanila ngayon. Ilang minuto lang ay muli akong nakarinig ng yabag ng paa.
Langitngit ng papag ang narinig ko sa pag upo niya.
"Sav kakain na" walang pinagkaiba sa mama niya ang lamig ng boses niya.
Sorry
Wala akong ibang masasabi sa ngayon, gusto ko mang idilat ang mata ko at harapin siya ay pinangunahan pa din ako ng hiya.
"Kapag nagutom ka ay lumabas ka nalang" gusto ko siyang yakapin.
"Hindi ko alam kung makikita pa ba ulit kita, pero lagi mong tatandaan na mahalaga ka sakin" hindi ko na ulit narinig ang boses niya tanging pagsara nalang ng pinto.
Sa ilang oras na pag pikit ay hindi ako nakaramdam ng antok. Dilat na dilat pa din ang mata ko. Alam kong mahimbing na ang tulog nila, kaya't nang hindi ko natiis ay bumangon ako at lumabas.
Kumuha lang ako ng isang baso ng tubig saka uminom doon, hindi naman ako nagugutom, sa ilang sandali na pag tunganga doon ay nakita ko ang isang cellphone sa ibabaw ng study table sa sala. Dinampot ko iyon at nakitang phone ni Russel. Nagulat ako sa wallpaper na nandon. Muka ko kase iyon habang nakasimangot. Kuha ito sa aplaya nang pinasyal niya ako.
Walang Lock ang phone niya, kaya nagawa ko iyong buksan. Hindi ko alam kung bakit ko naisio iyon pero mabilis kong tinignan ang phone number niya saka iyon sinaulo. Sakto namang ibababa ko iyon nang lumabas ang papa niya. Kunot noong nakatingin sakin.
"H-hindi po ako makatulog" basag ko sa katahimikan. Tumango lang siya bago tumalikod at nagsalita
"Matulog ka na, babyahe tayo bukas pamaynila" yun lang at pumasok siya sa cr.
Wala akong nagawa kundi ang tumunganga ulit doon. Paulit ulit ko ding sinabi ang numero ni russel. Kung sakaling hindi ko na siya makita ay may number naman niya ko. Kung ano man ang mangyayari sa pag punta kong maynila at sa pag alis niya dito.
Nagising ako dahil sa sikat ng araw, hindi ko na maalala kung pano ako nakatulog kagabi. Nakangiti akong nag unat ng braso, panay pa ang paghikab ko nang maalala ko kung anong nangyari kahapon. Nagmamadali akong lumabas. Nang makita ko si aling terresa sa sala na mugto ang mata.
"M-magandang umaga po"
"Mag almusal kana at mag asikaso sasamahan ka namin pamaynila" hindi man lang siya nag abalang tumingin sakin
"S-si Russel po?"
"Bumyahe na, sana ay siya ang hinatid namin" matabang niyang usal.
"K-kanina pa po ba siya umalis"
"Tinanghali siya sa pag asang baka magising ka at makapagpaalam sayo pero hindi ka magising gising kaya umalis na din" hindi ko na nagawang sumagot. Bakit masyadong mabait sakin si Russel. Hindi ako nakaramdam ng gutom, sa kahihiyan sa pamilya nila ay hindi nako nagkaron ng lakas ng loob para kumain. Dumiretso ako sa cr nila at doon naligo.
Nagbibihis ako sa kwarto nang mahulog ang isang papel galing sa dress na susuotin ko, nagdecide ako na ang dress na una kong damit nang dumating ako dito ay siya ding susuotin ko sa pag alis, hindi naman masyadong halata ang mga butas non. Nang buklatin ko ay bumangad sakin ang isang sulat kamay.
Sav, Hindi pako umaalis pero namimiss na agad kita, sorry kung hindi mo gusto ang mga bagay na akala kong makakabuti sayo, Hope to see you again. Mahal kita.
Nanlaki ang mata ko sa huli niyang sinabi.
Mahal kita? Para san naman yun?. Hindi ako tanga para hindi isipin ang bagay na yun, pero kaibigan lang ang tingin ko sakanya. O baka nag aassume lang ako?.
Nagulat ako nang may kumatok sa kwarto.
"Matagal ka pa ba?" Tanong ni aling terresa.
"T-tapos na din po" tinupi ko ang sulat saka nagmadaling suotin ang dress, basta ko nalang din sinuklay ang buhok ko, hirap pa dahil sa haba nito.
"P-pasensya na po" salubong ko ng lumabas ako ng kwarto.
"Nag arkila lang naman kami ng sasakyan para ihatid ka, mas tipid kung kalahating araw lang maaarkila to" sumunod nadin ako sakanila sa labas. Simpleng sasakyan lang iyon, hindi mukang bago pero hindi din naman mukang luma. Sa likod sumakay ang mag asawa samantalang sa unahan naman ako katabi ng driver.
Sa simula palang ng byahe ay panay na ang tingin ko sa paligid, mga gusali na hindi ko nakita sa loob ng probinsya nila Russel. Bigla ko siyang naalala. Nasan na kaya siya? Ayos lang ba siya?.
"Nag aalala ako kay Russel" dinig kong bulong ni aling terresa.
"Malaki na ang anak natin kaya pabayaan mo na siya"
"Labag yun sa loob niya, kailangan niya lang gawin dahil napalapit na siya sa babaeng yan" mas mahina niyang bulong, akala niya siguro ay tulog ako dahil kanina pa nakasandal ang ulo ko sa may bintana. Ganon nalang ang lungkot na naramdaman ko. Ganon na ba ako kasama para masira ang masaya nilang pamilya?.
Hindi ko naiwasang kwestyunin ang pamilya ko. Masaya ba kami? Simple lang ba? May kapatid ba ako? O ako din ang dahilan kung bakit nasira sila?.
BINABASA MO ANG
Till Your Heartache Ends
RomanceKate Saviona Gutierrez.... Adopted daughter of a well-known Business Man who experience harrasment. People didn't expect that the suspect is that human.... it's unexpected. Saviona is also known as stubborn but a smart one until he met someone...
