Chapter 13
"Di makapagpigil sa ano ha!!! Hahahah" pang aasar ko. Halatang halata na sa muka niya ang pagkainis pero hindi ko mapigilang sumaya. Sobrang cute niya kaseng magalit.
"Stop it" he said huskily lalo akong natawa. Tinuturo turo ko pa ang muka niya habang patalikod na naglalakad. Hindi mawala ang ngiti ko habang patuloy na naglalakad patalikod ayokong mawala siya sa paningin ko. Kita na ang buwan na animong nakapatong sa dulo ng dagat nahinto ako. Maging siya ay nahinto din at humarap sa dagat. Hindi ko man lang namalayang gabi na pala. Sa unang pagkakataon hindi ko inisip ang sasabihin nila Mommy lalo na ni Daddy. Sa unang pagkakataon hiniling kong sana ay huminto ang oras. Dati ay gusto kong bumilis ang oras at panahon. Gusto ko nang mabuhay mag isa. Yung hindi ko kailangan piliting maging perpekto para lang makita ang halaga. Naluha ako ng wala sa oras. Muli ko siyang tinignan nakatingin na din siya sakin.
"Are you alright?" Maganda ang pagkakangiti kong tumango.
"I really love this moment even we're not talking. I love silent when im with you" ngiti ko saka mabilis na humalik sa pisngi niya. Saka nagtatakbo.
"Hey! Kid!" Tumatawa na din niyang usal. Humarap ako sakanya saka naglakad patalikod
"Kid ha?" Akma siyang tatakbo palapit sakin nang tumakbo din ako patalikod.
Bumilis ang takbo niya kaya bumilis din ang tibok ng puso ko nahihinto ako ngunit sinikap na kumilos na naging dahilan ng pagkatumba ko.
"Sav!" Napatingin ako sakanya. Yun ang unang pagkakataon na tinawag niya ko sa pangalan ko. Mabilis niya kong itinayo nang muntik nakong maabot ng tubig. Tumatawa akong humarap sakanya.
"Isa pa nga"
"Ha?" Nagtataka niyang tanong.
"Isa pa kako"
"Isang ano?"
"Tawagin mo uli ako sa pangalan ko"
"Tss" natatawa niyang singhal. Nagulat ako nang maupo siya patalikod sakin. Hinampas ko ang likod niya
"A-ahh! Ano ba"
"Hahaha ano ba kase" tumatawa kong sabi.
"Sakay" napipikon niyang usal.
"Ahh piggy ride back?" Excited kong saad.
"Yeah" bumwelo ako pasakay sa likod niya. Halos ibagsak ko ang lahat ng bigat ko ngunit parang hindi man lang siya nasaktan. Ako pa ang bahagyang nasaktan dahil masyadong matigas ang likod niya.
Naging tahimik kami habang naglalakad pabalik. Pero ang puso ko ay nagpaparty na sa saya. Hinipan ko ang batok niya. Ginalaw galaw niya naman iyon para tigilan ko. Tumatawa kong dinampi ang labi sa batok niya
"Hindi ka ba talaga titigil?" Hindi na nakatakas sa tono niya ang pagkaubos ng pasensya.
"What? Hahahah"
"Stop doing that!"
"Alright! Alright!" Pilit akong nagpigil na hindi siya pagtripan pero hindi ko kayang matagalan.
"Aiden"
"Hmm?"
"Pano matulog ang kuba?" Sinikap kong maging seryoso kahit tawang tawa nako. Damang dama kasi kung gano kalalim ang pagbuntong hininga niya.
"Uy!" Umiling iling lang siya.
"Dali na kase! Pleaseee?"
"Hindi mo ba talaga kayang tumahimik?" Napasimangot ako.
"Ayaw mo? Lahat nalang ay ayaw mo. Para simpleng tanong ko ay hindi mo masagot-"
"Nakahiga" ang kaninang tampo ay agad napalitan ng malakas na tawa. Dahilan pa para ilayo niya ang tenga sakin.
"Mali!"
"Sabihin mo nalang"
"Edi pikit! Ano ba yan!" Mayabang kong singhal.
Bagsak ang balikat ko nang ibaba na niya ko. Nasa reception na kami nakahanda na din ang gamit na iniwan namin sa hotel.
"Thank you Ma'am, Sir. Come again po" ngumiti ako dito saka bumulong
"Pagbalik namin ay jowa ko na yan" kumindat pako dito. Pilit naman itong tumawa. Plastik!
Wala pang ilang minuto na pagmamaneho ni Aiden ay namungay na ang mata ko sa antok. Sumulyap ako sakanya nakahinto ang sasakyan dahil nasa red light. Ngumiti ito sakin saka hinaplos ang buhok ko. Hinawakan ang noo ko at dahan dahang ibinaba mula mata hanggang ilong. Nanagpapikit sakin. Hindi na muli akong nagmulat.
Nagising ako nang makarinig ng pagsara ng pinto ng sasakyan. Nang nagmulat ako ay nakita ko si Aiden na umikot papunta sakin. Ako na ang nagbukas ng pinto.
"Gising ka na pala" tumango ako saka nag ayos ng sarili. Nagtataka ko siyang tinignan ng hawakan niya ang siko ko saka inakay.
"Anong ginagawa mo?"
"Ihahatid kita sa loob"
"A-ano? Wag na!" Hinala ko siya papasok sa sasakyan niya at ako mismo ang nagsara non.
"Take care!" Usal ko na kumaway kaway pa kahit nasa harap pa ang sasakyan. Umiling iling ito saka binuksan ang makina.
"Pumasok ka na" tumango ako at mabilis na pumasok. Nagmadali din akong pumunta sa bintana para silipin siya. Doon lang siya tuluyang umalis.
"How's your day honey?" Nagising ang diwa ko sa gulat nang magsalita si Mommy sa tabi ko.
"A-ahhm. Mom"
"It's alright nagsabi siya sakin" matamis ang pagkakangiti nito.
"Nagsabi siya sayo?"
"Yes, why?"
"Nothing" nawala lahat ng pagod ko. Lulukso lukso pakong umakyat. Sisipol sipol na bumagsak sa kama.
*bzzt bzzt*
~Aiden~
Goodnight pretty.
Madiin ang pagkakapikit ko sa sobrang tuwa. Kilig bato?
BINABASA MO ANG
Till Your Heartache Ends
RomanceKate Saviona Gutierrez.... Adopted daughter of a well-known Business Man who experience harrasment. People didn't expect that the suspect is that human.... it's unexpected. Saviona is also known as stubborn but a smart one until he met someone...