Chapter 37
"May maitutulong ba ako dan?" Tanong ko nang busy silang dalawa sa pagbubuhat ng mga saging.
"Maupo ka nalang don tas antayin moko" nahihirapang usal nito. Napanguso nalang ako saka dahan dahang naglakad pabalik sa pwesto namin kanina kung saan kumain.
"Nainip ka ba?" Wala pang ilang minuto ay nakabalik na agad siya.
"Hindi naman" nakangiti kong sagot sakanya.
"Tara na" inabot niya ang kamay ko saka ako pinatayo. Napatitig ako sa kamay namin na magkahawak pa din habang naglalakad, bitbit na din niya ang lalagyan ng pagkain kanina.
"Hindi ka muna ba magpapaalam kay prince?"
"Nakapagpaalam nako kanina" tumango tango ako sakanya saka muling natuon ang pansin sa kamay namin.
"Mabuti hindi ka naligaw?" Tanong niya at lingunin ako dahilan para makita niyang nakatingin ako sa mga kamay namin.
"A-ahh hindi ka ba kumportable?"
"H-hindi ayos lang na-naman haha" naiilang ko pang sagot.
"Hindi ka naligaw?" Pag ulit niya sa tanong kanina.
"H-hindi naman ako makakalimutin kaya mabilis kong nasolo yung sinabi ni Aling teresa"
"Gusto mo bang mamasyal muna?" Nagningning ang mata ko sa sinabi niya, tumango tango ako sakanya.
"Sige punta tayong dagat" pigil tawa pa niyang usal.
Pikit mata kong sinalubong ang hangin na tumama sa muka ko nang makarating kami sa sinasabi niya, malinaw ang tubig doon at sobrang relaxing.
"Ang payapa" masaya kong usal.
"Maganda ba?" Tanong pa ni russel.
"Sobra" naupo kami doon saka masayang pinanood ang pag alon ng tubig sa dagat.
Hindi ko napansin ang pagtayo ni russel kaya't nagtataka ko siyang tinignan nang iabot niya sakin ang kamay
"Uuwi na ba tayo?" Tanong ko dito
"Magbasa tayo ng paa" aniya saka kinuha ang kamay ko
Sabay naming hinubad ang suot na tsinelas saka umapak sa basa ng lupa, para kaming mga bata na tatakbo kapag malapit na ang tubig saka magtutulakan kung sino ang mababasa.
Hindi namin namalayan ang oras dahil nag eenjoy kaming dalawa sa ginagawa, bahagya na din kaming basa dahil sa pagsaboy ng tubig.
"Bakit ako di ko magawa?" Tukoy ko sa ginagawa niyang pagbato ng bato sa tubig at umaabot sa tatlo pagtalon o kung ano mang matatawag doon.
"Flat naman tong batong pinipili ko eh" reklamo ko pa, naiinis ko siyang tinignan nang tawanan lang niya ako.
"Mamaya ay ikaw na ang ihahagis ko tutal ay flat ka nama- A-aray!" Reklamo niya ng sakanya ko ibato ang napulot na bato.
"Nakakainis ka!"
"Biro lang"
"Hmmp!" Singhal ko sakanya saka patalikod na naglakad, nakaharap ako sakanya pero naglalakad ako.
"Bahala ka da-" natigil ako sa ginagawa nang makaapak ng matigas na bagay na pakiramdam ko ay bumaon sa paa ko.
Naupo ako para tignan ang paa ko at nakita ang bubog na nakatusok sa bandang sakong ng paa ko.
"A-ahh"
"Ma-masakit ba?" Nag aalalang tanong nito
"Pag ba tinusok kita nito hindi ka masasaktan?" Natatawa ko pa kunwaring tanong.
BINABASA MO ANG
Till Your Heartache Ends
RomanceKate Saviona Gutierrez.... Adopted daughter of a well-known Business Man who experience harrasment. People didn't expect that the suspect is that human.... it's unexpected. Saviona is also known as stubborn but a smart one until he met someone...
