Chapter 30
"Wag mong kakalimutan na sasamahan moko!" Pahabol pang sigaw ni Aixen. Kumaway lang ako sakanya saka sumakay na sa kotse ko. Plano kong umuwi na para makapagpahinga. Wala naman akong nakakapagod na ginawa pero pakiramdam ko ay sobrang napagod ako.
Napansin kong nakapark ang sasakyan ni daddy. Ang alam ko ay nasa opisina siya.
"Dad?" Pagtawag ko ng wala kong makitang tao sa sala maging sa dining at kitchen ay walang tao.
"Mom? Andito ba kayo?" Kinatok ko ang opisina ni daddy pero walang sumagot doon kaya't nagtuloy ako paakyat. Dahan dahan. Pero ganon nalang ang bilis ng pag akyat ko ng makarinig ng pagkabasag doon. Dali dali akong pumunta sa pinanggalingan non. Sa kwarto iyon nila mommy.
"Dad?" Tawag ko kasabay ng sunod sunod na pagkatok. Salubong ang kilay ko nang nadatnan sa loob ang natutulog na si daddy. Maayos naman ang higa sa kama nila ngunit mabilis nangamoy ang alak na nabasag. Lumapit ako doon. Katabi ng basag na bote ng alak ay isang parang bato na puti ang kulay. Yung pagkaputi niya ay transparent katabi din noon ay ilang piraso ng tablet na gamot. Iba iba ang kulay. Nanginginig man ay kamay ay nagawa ko iyon pulutin at nagtatakbo sa bathroom nila at niflash doon.
Naluluha din akong lumabas at kumuha ng gamit pang linis doon. Sinulyapan ko si daddy kahit hindi kami sobrang malapit ay napamahal na siya sakin. Nasa sala nako nang tumunog ang phone ko.
"Mom?"
"Umuwi daw ang daddy mo?" Nag aalalang tanong nito
"Opo, natutulog napo si daddy ngayon"
"Hay mabuti kung ganon. Aagahan ko nalang ang pag uwi ha?" Nangiti ako. Minsan ay maarte si mommy pero madalas ay sobrang mapagmahal niya.
"Opo wag na po kayo mag aalala"
Nang putulin ko ang tawag ay nakita ko doon ang mga missed call galing kay Aiden.
Hindi ko alam ang gagawin. Alam kong labag sa batas ang ginagawa ni daddy. Minsan na siyang nasangkot sa drugs kaya hindi imposibleng totoo ngang nagtatake na din siya. Lakas loob akong pumasok sa opisina niya. Binuksan ang mga drawer doon at naiyak sa dami ng iba't ibang uri ng mga drugs. Kung ibabase ko sa napag aralan nung high school ay mula sa pinakamahal at sa mas mababang presyo ay meron si daddy.
Mabilis akong kumuha ng plastic bag at pinasok lahat doon ang nakita ko sa drawer. Nagtatakbo ako sa kwarto ko at inisa isang iflash ang mga iyon. Minsan pang ayaw agad lumubog dahil sa batong kulay transparent.
Napansin kong alas kwatro na nang hapon. Nakatulala lang ako sa kwarto hindi ko alam kung gising na ba si daddy.
"Makukulong si daddy" bulong ko.
"Pero mahina na ang katawan niya" naiiyak ko pang dagdag sa sarili.
"Anong gagawin namin ni mommy?"
*Bzzt* *Bzzt*
"H-hello?" Hindi nakatakas ang panginginig sa boses ko.
"Sav?"
"A-aiden?" Naniniguro ko pang tawag.
"Sav? Are you alright? Answer me" aniya.
"Aiden" hikbi na ang sumunod doon.
"Shh shh tell me what happen" aligaga na niyang tanong.
"W-wala"
"Where are you?"
"Bahay"
"Lumabas ka" utos niya.
"Ayoko"
"Pag di ka lumabas ay papasukin kita. Andito ako sa labas ng bahay niyo" nanlalaki ang mata ko sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Till Your Heartache Ends
RomanceKate Saviona Gutierrez.... Adopted daughter of a well-known Business Man who experience harrasment. People didn't expect that the suspect is that human.... it's unexpected. Saviona is also known as stubborn but a smart one until he met someone...
