Chapter 2
"Oh my! Paano kami makakaalis sa Cheap na hospital nato kung sobrang daming media dan sa labas." Wika ng babaeng nagpakilala bilang Ina ko.
"Ma'am maraming nakaabang na Body Guard sa labas" usal naman ng lalaking hindi ko kilala.
"Let's go Anak" hinawakan niya ko sa siko saka ginaya palabas. Nang umabot sa pinakalabas ng hospital ay agad akong nasilaw sa bawat kuha nila ng litrato... sumakit ang ulo ko dahil parang may naalala ako...
"Mrs. Gutierrez totoo po bang nakipagtanan ang anak niyo kaya nawala siya ng ilang araw?"
"Mrs. Gutierrez may ilan lang po kaming katanungan" nagsisiksikang wika ng mga tao doon.
"Don't mind them Sav" aniya sakin. Tumango lamang ako hindi sumukong sumunod ang mga nagtatanong samin.
"Kate Saviona Gutierrez! Ano ba talagang nangyari sayo?"
"Mrs. Gutierrez totoo bang narape ang anak niyo?"
"Palaisipan pa din sa mga tao ang bigla mong pag kawala at bigla ring pagkabalik"
"Kaano ano niyo po ang mag asawang nagdala sainyo dito?"
"Mrs. Gutierrez. Totoo ba ang balitang hindi minahal ng asawa niyo ang anak niyo?"
"Totoo po bang pinerahan ni Mr. Martin ang isa ding kilalang Business Man na si Mr. Dennis Pangilinan na bali balitang ang anak nito ay kasintahan ng Anak ninyo?"
"Totoo bang buntis siya kaya nagtago?"
"Saviona Gutierrez.. sagutin niyo lang po-"
"Shut up! Walang katotohanan ang lahat ng tinatanong niyo!!! Mga tsismosa!" Sigaw nito sa mga tao. Saka lang kami tuluyang nakasakay sa sasakyan...
Nanlabo ang paningin ko... nakita ko ang sarili kong nakatali habang pilit na kumakawala at sumisigaw... mag isa ako sa sasakyan... tahimik na lumuluha.
Nailagay ko ang kamay ko sa bibig nang makasakay kami sa isang Van.
"Sav ayos ka lang ba? Wag mo silang isipin, Ang mga media talaga, basta may maisulat gumagawa nalang ng kwento"
"B-bakit may mga ganon?"
"Im sorry nakalimutan kong nakalimot ka nga pala, kilala kasi ang daddy mo, pasensya na ha?" Wala akong naging tugon sa sinabi niya. Wala naman akong ibang ginawa pero ganon nalang ang pagod ko, panay lang ang tingin ko sa labas. Kung nandon pa din kaya ako kila russel anong ginagawa ko?. Bakit pakiramdam ko kahit andito nako, hindi ko pa din maramdaman yung gusto kong maramdaman?.
Ganon ba talaga? Yung may isang bagay kang gustong gusto pero pag nasa harap mo na ay hindi mo naman magawang maging masaya.
Naalala ko si Russel, siguro nakasakay na siya ngayon sa eroplano. Pano kaya kung pinili ko talagang dun nalang tumira? Siguro ay nandon pa din si russel, siguro ay hindi galit sakin si aling terresa.
"Sav, anong iniisip mo?" Nag aalalang tanong ni Mommy.
"Naisip ko lang po ang mga taong tumulong sakin nang mapunta ako sakanila"
"Hindi ko na nga sila nakausap sa sobrang pag aalala ko sayo, siguro naman ay ayos lang sila, o baka gusto nila ng pera-"
"Hindi naman po sila ganon, kahit kasi pasasalamat ay hindi ko nasabi"
"Saviona, hayaan mo na, tapos na yon ang mahalaga ay nakabalik ka na" gusto kong umiling ng umiling pero hindi ko magawa.
"S-sino po ang lalaking pumasok kanina?"
"Ah si Aiden ba? Boyfriend mo siya bago ka mawala-"
"B-boyfriend?!"
BINABASA MO ANG
Till Your Heartache Ends
RomanceKate Saviona Gutierrez.... Adopted daughter of a well-known Business Man who experience harrasment. People didn't expect that the suspect is that human.... it's unexpected. Saviona is also known as stubborn but a smart one until he met someone...
