Chapter 11

3 0 0
                                        

Chapter 11

Lumipas ang isang linggo na ganon ang naging set up namin ni Aiden minsan ay siya ang sumusundo sakin at sinasabing may taga doon daw siyang imemeet. Hindi naman nasundan ang nangyari sa cafeteria dahil nakarating iyon sa Dean's office at humingi naman ng tawad ang babaeng yun.

"Sakit sa ulo"

"Parang dumugo ang utak ko"

"Nakakastress" iba't ibang reklamo. Kakatapos lang ng lahat ng exam sa sem nato. Ngunit masaya pako. kung nag aral ka ay hindi ka mahihirapan sa exam.

"Madali ba Sav?" Tanong ni Aixen sakin nang makasabay ko sa paglalakad sa hallway.

"Yep" inipit niya ang leeg ko sa pagitan ng braso at kili kili niya.

"Ahhh! Ahh isa! Masaket!" Tawa siya ng tawa saka nagtatakbo. Himas himas ko naman ang batok. Ansakit!.

Ngunit hindi non nabago ang mood ko. Ang sabi kase sakin ni Aiden ay mag cecelebrate kami. Sisipol sipol pakong nag aabang sa parking lot. Ngunit nagtaka ng makitang ang driver namin ang nandon.

"Si Aiden?"

"Wala naman po siyang sinabing siya na ang susundo sainyo Ma'am" kunot noo ko siyang tinignan.

"May no. Ka ba niya?" Tumango ito saka inabot sakin ang phone niya agad kong kinuba ang numero ay nagtext.

To: Aiden

Hindi ikaw mag susundo?

Mabilis akong nakareceive ng reply.

~ Aiden~

Im so sorry. Sobrang busy ko ngayon. It is okay if bukas nalang tayo mag celebrate?"

Nalungkot ako sa nabasa.

To: Aiden

Okay. Tommorrow.

Wala nakong nareceive na reply. Nagmamaneho na si kuya pauwi nang magsalita ako.

"Dun tayo sa makati" hindi na ito nagtanong tumango na lamang.

Masaya akong naglakad papunta doon. Dahan dahan din ang pag bukas ko ng pinto. Babati na sana ako ng marealize kung sinong nandon.

Si Vriene ay nakaupo sa sofa habang nagseselfie? Anong katangahan yan. Nasulyapan ko naman si Aiden na nakaeye glasses at halatang abala sa ginagawa.

"Hmm hmm!" Kunwaring samid ko. Sabay pa silang napalingon sakin.

"What are you doing here?" Tanong ni aiden na sinundan ni Vriene

"Oo nga naman Kate?" Nakangisi pa nitong usal. Tumingin ako kay Aiden saka ngumuso. Nakita ko naman siyang bahagyang natawa.

"You can go now Vriene" maayos na sabi ni Aiden. Padabog niyang kinuha ang bag niya saka ako inismiran at umalis. Binaba ko ang bag sa sofa saka lumapit sakanya. Nagsquat ako para magpantay ang paningin namin saka ako nag pangalumbaba at tumitig sakanya. Natawa ako ng mapikon agad siya.

"Wala akong matatapos kung ganyan ka" abala pa din niyang sabi. Ngunit hindi ako nagpatinag hindi din naman siya nagpaawat. Nang mangalay ay tumayo saka nagpaikot ikot sa buong opisina niya.

"Hindi ako nahirapan sa Exam" usal ko nang hindi na nakayanan ang kaboringan.

"Hmm?" Hindi pa rin naaalis ang paningin niya sa ginagawa. Kung ano ano nang nakalikot ko sa bag ko ngunit naiinip pa din ako. Muntik nang magkaroon ng bulb sa taas ng ulo ko ng may naisip gawin. Nilabas ko ang isang kit sa bag ko na may lamang mga suklay at iba pang may kinalaman sa pagpapaganda. Inilabas ko ang suklay, liptint, isang clip na ribbon saka lumapit sakanya. Habang hawak iyon. Nilapag ko iyon sa lamesa niya.

"What?" Tanong niya dahil hindi man lang maalis ang tingin niya sa laptop. Hinawakan ko ang buhok niya dahilan para lingunin niya ko at masulyapan ang mga nilapag ko. Mabilis siyang umiling.

"Ang sabi mo ay magcecelebrate tayo."

"I said bukas nalang"

"But ngayon ako nag expect. Just let me do this? Ha? Nabobored nako" nagpapacute kong tugon.

"Pwede kang umuwi kung bored ka na. Bukas ako babawi" bagsak ang balikat kong dinampot ang mga iyon saka siya tinalikuran ngunit agad ako napaharap ng hawakan niya ang kamay ko. Saka bumuntong hininga na akala mo yun na ang pinakamahaba niyang pasensya saka tumango. Abot tenga ang ngiti ko. Pumwesto ako sa likod niya saka sinuklay ang buhok niya pataas. Nagsimula na uli siyang magtrabaho. Nilagyan ko ng clip ang unahan niyang buhok. Nakataas iyon. Nang pumunta ako sa unahan niya ay sobrang cute niya.

Sumisipol ko pang dinampot ang liptint saka naupo ng bahagya sa lamesa niya at yumuko. Ilalapat ko na sana ang liptint nang hawakan niya ang kamay ko at umiling. Iniwas ang muka. Kahit anong pilit ko ay hindi lumalapat ang liptint. Nang mangawit sa pwesto ay maarte akong tumayo.

"Tsk sobrang arte!" Saad ko ngunit nagtuloy pa din siya sa pagtatrabaho. Nangiti din ako ng makaisip ng isang ideya. Tumapat ako sa isang salamin doon at nagliptint ng makapal. Nainis pako ng kumayat ito pati sa ngipin. Nang maging maayos na ay lumapit muli ako sakanya at pumwesto tulad kanina. Hinawakan ko ang baba niya. Napansin kong una siyang tumingin sa kamay ko. Tinitignan kung may hawak akong liptint kaya hindi niya napansin ang labi ko. Titingin na sana siya sakin nang dinampi ko ang labi ko sa labi niya.

Kitang kita ko ang panlalaki at pamumula ng muka niya. Ako din ang umalis sa pagkakadampi ng labi namin. At natawa nang makitang pumula ang labi niya dahil humawa ang liptint.

Ngunit sumeryoso dahil kita ko ang pagkunot ng noo niya at pagseseryoso.

Till Your Heartache EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon