Chapter 18
Lutang akong naglalakad sa hallway.
"Goodmorning Kate!" Pag akbay sakin ni Aixen.
"Morning"
"Wala ka bang napapansin?" Kunot noo ko siyang nilingon.
"Napapansing ano?"
"Wala nang mga langaw! Hahahha" dun ko nga lang napansin na walang nag uusap usap tungkol sakin.
"Bakit?"
"Anong bakit?"
"Bakit wala na?"
"Wala na kaseng basura kaya wala nang langaw. Basura ang mga taong nanghahamak ng iba." Bahagyang gumaan ang loob ko dahil wala nang masyadong nag uusap tungkol sakin. Naging maayos na ang lahat. Considered ngang naiperfect ko ang mga exam. Pero hindi ko magawang maging masaya.
"Hindi ba pumunta si aiden dito?" Tanong ko kay manong driver.
"Si Doc po?" Tumango ako dito
"Hindi po eh"
Hindi muli akong lumabas para sa hapunan. Hindi ko naman narinig na nagalit si Daddy. Tinititigan ko ang picture namin ni Aiden nang pumasok si Mommy. Agad ko iyong tinago.
"Hindi ka ba gutom anak?" Umiling ako sakanya saka umaktong matutulog.
"What do you want me to do para mapatawad moko?" Nabuhayan ako sa sinabi niya.
"Admit me again sa psychiatrist hospital para sa treatment"
"Pero ikaw na ang nagsabi sakin noon na hindi ka baliw"
"Edi magpapakabaliw ako!"
"Saviona!"
"Just let me go there nakakatulong yun sakin!"
"Ayaw na nang daddy mo dahil wala naman daw nangyayari"
"Do you want me to forgive you?" Sumusuko itong yumakap sakin.
"Okay"
Pakiramdam ko'y walang nangyari naglalakad ako ngayon papunta sa opisina ni Aiden. Maayos na din ang pagpasok ko sa lahat ng klase. Ilan ilan nalang ang pilit pa ding hinahanapan ako ng butas. Nakasuot ako ngayon ng itim na face mask. Kagabi kase ay malala ang sipon at ubo ko.
Hindi nako kumatok kusa ko nang binuksan ang pintuan. Nakita ko sa lamesa niya si Aiden. Nakasubsob ang ulo sa lamesa mukang natutulog. Dahan dahan akong pumasok at pumwesto sa tabi niya nag squat ako at tinitigan siya. Ngunit nanlaki ang mata ko ng magmulat siya. Muli siyang pumikit. Hindi ko alam ang gagawin. Naestatwa ako. Ang ganda ng mata niya. Pikit pa din ang mata ay unti unting lumalapit ang muka niya sa muka ko. Napapikit ako nang dampian ng labi niya ang mata ko.
"I miss you" bulong niya. Ramdam ko ang pag init ng pisngi at tenga ko. Nahirapan akong huminga dagdag pa ang face mask. Aalisin ko na sana iyon ng magmulat siya at hinawakan ang kamay ko. Mas lalo pa siyang lumapit saka dinampi ang labi niya sa labi ko kahit na may suot na face mask. Doon ay tuluyan nanlambot ang tuhod ko. Init na init. Kahit nakaface mask ay ramdam na ramdam ko ang labi niya. Bahagya ko siyang tinulak saka hinarang ang kamay sa bibig.
"Ma-may sipon at ubo a-ko!" Nauutal ko pang saad. He laugh. Huskily! Ang gwapo. Pumikit uli siya saka bumalik sa dating pwesto.
"Akala ko ba ay hindi ka na pupunta dito"
"Kaya ko ba namang hindi?"
"Antagal mo"
"Ha?"
"Mula nang umalis ka dito nang araw na yun ay nag hintay agad ako. Na sa pangalawang hakbang mo ay babalik ka agad" napatitig ako sa sinabi niya.
"B-bakit ako?" Nagkibit balikat lang siya.
"I miss you" muling bulong niya.
"Bakit kase magkasama kayo ng babaeng yon?" Hindi ko na mapigilan.
"What?" Ngumuso ako. Inalis ko ang suot na facemask saka nagpatuloy.
"Tumawag ako sayo-"
"Tumawag ka?"
"Oo. Si Vriene ang sumagot"
"Hindi ko alam" hindi makapaniwalang usal niya.
"Hindi ba nakasave ang no. Ko sayo? Ang sabi niya sino daw ako"
"Nakasave ang no. Mo"
"Hindi ako naniniwala" nilabas niya ang phone niya may pinindot doon saka hinarap sakin. Nag init muli ang pisngi ko nang mabasa kung anong nakaphonebook doon.
Crybaby
"Crybaby? Seriously?" Tinawanan lang ako nito.
"Bakit ba kase magkayakap kayo non" panggagaya niya sa pananalita ko kanina.
"Si Aixen?"
"Bakit meron ka pa bang ibang niyayakap?"
"Magkaibigan nga kami ni Aixen. Gabing gabi magkasama kayo?"
"May meeting lahat ng mga psychiatrist non"
Naging maayos uli kaming dalawa. Sinabi niyang nang araw na nandon siya sa School ay para sana puntahan ako dahil nag aalala daw siya dahil hindi ko sinasagot ang tawag niya. Sakto naman daw na bagong dating ang dean. Maimbitahan siyang pumasok dahil minsan daw nagdonate ang Daddy ni Aiden doon.
Narinig niya ang nangyari kaya nang sinabi niyang aalis siya nung nasa dean's office kami ay dumiretso siya kung saan minomonitor ang mga cctv at humingi ng kopya nito. Hindi siya nahirapan dahil kilala nga sila doon.
Kararating ko lang sa bahay at nagsimula agad akong mag aral. Nilalabas ko ang mga gamit ko nang makakita doon ng isang maliit na teddy bear may nakadikit na sticky note doon.
Smile and never let me jealous again.
P.s Love me... Aiden.
Nagtatawa ako doon na parang baliw. Tawa ako ng tawa. Pagkatapos ay ibabagsak ang katawan sa higaan. Tas tatayo at tatalon. Saka tatawa na naman. Ngayon ko lang nalaman na nakakabaliw pala magmahal.
BINABASA MO ANG
Till Your Heartache Ends
RomanceKate Saviona Gutierrez.... Adopted daughter of a well-known Business Man who experience harrasment. People didn't expect that the suspect is that human.... it's unexpected. Saviona is also known as stubborn but a smart one until he met someone...
