Chapter 5
Nagtataka akong sumulyap kay Aixen nang maupo ito sa tabing upuan ko. Napatitig ako sakanya bagsak ang buhok. Matangos ang ilong. Magandang labi. At matikas na katawan. Pero walang jowa. Tsk kawawa naman
"Bat ka nandito?" Tinuro niya lamang si Prof Ed. Isa sa mga palabiro at masayahing professor dito. Malapit sa mga Student. Kasalukuyan itong nagbibiro.
"Hindi mo naman klase to" kunot noo ko pa ding wika sakanya. Pairap siyang tumingin sakin.
"Wala nakong klase. Ayoko pang umuwi kaya makikiseat in muna ako. Okay na?" Saka muling sumulyap sa unahan. Wala na din akong nagawa kundi ang tumingin doon nang magtawanan sila.
"Bwhahahaha"
"Oo prof! Hhahahah"
"Wahahhahaha" malakas ding tawa ni Aixen. Tumawa din ako saka siniko si Aixen
"Bakit daw?" Habang natatawa pa din.
"Ewan ko. Nakikitawa lang din ako" kibit balikat nitong usal. Naging hilaw ang ngiti ko. Tsk!.
"Class dismmised!" Anunsyo ni Prof.
Naglalakad nako sa hallway nang umakbay si Aixen.
"Sa mental hospital ka ulit?" Mapang asar nitong usal. "Balita ko masayang masaya ka don hahahah" malakas ko siyang hinampas.
"Hindi nako babalik don"
"Oh? Di nga?"
"Tsk oo nga ayoko na don!"
"Yown! Ano kain tayo?" Ngiti nitong alok. Nangingiti din akong tumango.
"San tayo?" Tanong ko
"Mall tayo! Nood tayo sine!" Nakangisi akong tumango. Bihirang bihira lang kase siyang mag yaya ako lang lagi ang pumipilit sakanya.
Dumiretso ako sa sasakyan sa back seat at sa passenger seat siya naupo nagtatakang tumingin ang driver sakin.
"Wala akong treatment ngayon kaya sa mall nalang" nagdadalawang isip pa ang driver bago pinaandar ang sasakyan.
Nakarating kami sa mall. Masaya kaming kumakain sa isang kilalang restaurant ng mapasulyap ako sa pumasok. Nakita ko si Dr. Pangilinan kasama ang isang babae. Kunot noo akong napatitig doon. Nakangiwi ko silang sinundan ng tingin nang maupo sila sa malapit lang sa pwesto namin.
Ngiting ngiti ang babae. Hindi naman siya kagandahan mas maganda pa din ako. Sumulyap ang babae sakin. I rolled my eyes walang pakialam kung mainsulto siya sa pag irap ko sakanya. Nakita kong busy sa pagkain si Aixen. Nang ibalik ko ang tingin sakanila ay nakita kong nakatayo na ang babae sa tabi ni Dr. Pangilinan saka hinawakan sa dibdib. Marahas akong tumayo. Agad kong nakuha ang atensyon ng mga taong malapit samin maging si Aixen ay nagtatakang tumingin sakin.
"N-nood na tayo" mahina kong saad saka nanguna na sa paglabas. Nakakahiya! Sana ay hindi niya ko nakita!..
"Kumakain pako!" Napayuko ako ng ipitin niya ang leegko sa braso at kili kili niya.
"A-hhh! Aray! Isa! Nakakahiya madaming tao!.. a-ahh" nakawala lang ako ng maapakan ko ang paa niya. Mabilis akong tumakbo ng habulin niya ko. Nagtatawanan kaming pumasok sa sinehan.
Bored na bored ako sa palabas dahil isa iyong bakbakan. Gusto daw mapanood ni Aixen. Muli kong naalala ang nangyari kanina. Girlfriend niya ba yun? Ampangit naman ng type niya! Hindi ko namalayang natapos ang ang palabas. Namumungay ang mata ni Aixen nang makalabas kami. Hinatid lamang namin siya sakanila saka nako dumiretso sa pag uwi.
"Galing ka bang treatment mo anak?" Tanong ni mama nang nasa hapagkainan kami.
"Wala po akong sched kanina" tumango tango lamang ito.
"Iperfect mo ang exam mo sa lahat ng semester. Lalo na ngayon dahil sa ginawa mong katangahan" usal ni daddy na hindi man lang nag abalang sumulyap. Kita ko ang ngiti ni mommy sakin na sinasabing pagpasensyahan ko na si Daddy. Pagpasenyahan ko ulit si Daddy.
Walang kabuhay buhay akong nag aral. Walang gana.
Pumasok ako kinabukasan ng lutang. Gustong gustong pumunta sa psychiatrist hospital pero pinapigilan ng Pride. Buong maghapon kong hindi nakita si Aixen. Sa tingin ko ay busy dahil malapit na ang exam ngayong first semester.
"Ma'am diretso po ba sa bahay niyo o sa-"
"Wala akong schedule kuya" naghihinala man ay sumunod pa din sa sinabi ko.
Umuwi akong wala si Mommy. Ngunit ng paakyat na sa taas ay narinig ko ang boses ni daddy nasa opisina niya malapit sa hagdan paakyat.
"Gawan niyo ng paraan para maipasok yan dito. Babayaran ko kayo ng malaki basta siguraduhin niyong walang sabit" kunot ang noo kong inintindi ang sinabi niya. Nasa ikatlong baitang palang ako ng hagdan ng bumukas ang pintuan.
"Kanina ka pa dan?!" May diin sa tanong nito. Sunod sunod akong umiling.
"K-kadadating ko lang dad-" hindi ko na natapos ang sasabihin ng talikuran niya ako.
Nagpahinga ako sa kwarto nang biglang pumasok si Mommy.
"Why-"
"May treatment ka ngayon bat hindi ka pumunta?" Tanong nito.
"Kailangan kong mag aral malapit na po ang exam-"
"Pero kailangan mo yon. Tumawag si Dr. Pangilinan at sinabing kailangan bukas ay pumunta ka dahil hindi ka pumunta ngayon" gulat akong humarap kay Mommy.
"Tumawag siya?"
"Look, busy siyang tao. Kahit gano kakilala ang tao pag hindi niya gusto ay hindi niya tinatanggap. Kaya please don't waste Dr. Pangilinan time. Stop being so stubborn"
Hindi ko na inintindi ang sinabi niya napalitan ng excitement ang kaninang lutang kong pakiramdam. Ngunit nawala din nang maalala ang sagutan namin ng huling nagkita..
![](https://img.wattpad.com/cover/234919445-288-k828858.jpg)
BINABASA MO ANG
Till Your Heartache Ends
RomanceKate Saviona Gutierrez.... Adopted daughter of a well-known Business Man who experience harrasment. People didn't expect that the suspect is that human.... it's unexpected. Saviona is also known as stubborn but a smart one until he met someone...