Chapter 10
"Nag aasume lang ba ako o meron na talaga?" Titig na titig kong tanong sakanya. Kunot noo naman siyang tumingin sakin.
"Bat nagkaganto ka?" Ulit niya.
"Nadulas kase ako sa hagdan kahapon-"
"Be careful!" Pagputol niya sa sinabi ko nagtaka naman ako. Tumango lang ako.
"So nag aasume lang ba ako Doc?" Bumuntong hininga siya.
"You're not" iwas tingin niyang usal saka tumayo at may kinuha sa isang drawer.
Hindi ko napigilang ngumiti. Hindi daw ako nag aassume ibig sabihin ay may something nga samin. Bumalik siya na may dalang parang oitment.
"Ano yan?"
"Para mawala din yan. Masakit ba?" Nag aalala niyang tanong. Umiling ako dito saka ngumiti.
"Bat ka meron nan?"
"Minsan akong napaaway nagpasa sa muka ko" tumango tango ako.
"Marami ka palang alam sa ganan"
"Si Vriene lang ang nagbigay" nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. Vriene? Tsk.
"Magpahinga ka nalang dito." Nakangiti akong pumikit. Nagising ako ng makarinig ng usapan.
"Bakit nandito yan Aiden?. Bakit dan mo pa yan pinapatulog. Wala ka bang pasyente?"
"Kaya nga ako meron ibang Opisina ay para doon dalhin ang mga pasyente dahil ayokong laging may pumapasok dito."
"Pero itong batang to ay pwede?"
"Shut up Vriene. Kahit ikaw ay hindi ko gustong pumapasok dito. At hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo nung nakaraan kung bakit basta nalang siyang umalis"
"Seriously? Seriously Aiden? Do you like her? Do you like that immature kid?"
"Get lost" ramdam ang diin sa tugon nito. Dahan dahan akong nagmulat nang makarinig ng pagsara ng pinto.
"Kanina ka pa gising?" Hindi nakatakas ang pagkabahala sa tanong nito. Ngumiti ako sakanya .
"Kakagising ko lang. Ihahatid mo na ba ako?" Ngumiti siya sakin saka lumapit at dinampian ng halik ang noo ko.
Walang imik akong nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan.
"What are you thinking?" Tanong niya na nakakuha sa atensyon ko
"Wala naman"
"Are you mad?" Tanong niya uli na ipinagtaka ko.
"Bakit?"
"Because i kissed you" hindi ko napigilang humagalpak sa tawa. Kininakunot naman ng noo niya.
"Seryoso ka? Hahaha" natawa nalang din siya.
"Posible bang si Vriene yung taong sineryoso mo?" Wala sa sarili kong tanong. Ngunit agad ko ding binawi.
"Next week na pala ang Exam namin ngayong sem." Masaya kong kwento. Hindi ko na inisip ang kaninang isipin. Ang alam ko lang ay masaya ako na kasama siya..
BINABASA MO ANG
Till Your Heartache Ends
RomanceKate Saviona Gutierrez.... Adopted daughter of a well-known Business Man who experience harrasment. People didn't expect that the suspect is that human.... it's unexpected. Saviona is also known as stubborn but a smart one until he met someone...
