Chapter 52

1 0 0
                                        

Chapter 52

Hingal na hingal ako nang mahinto sa pagtakbo.

Where are you Saviona, I swear! I saw her...

Bagsak ang balikat ng bumalik sa restaurant, nakita ko ang nakasimangot na muka ni Detective Vergara. Halatang nainis sa pag alis ko kanina.

"Anong trip mo? Habulan?" Masungit niyang usal. Napabuntong hininga ako.

"I saw her"

"Sino?"

"Saviona"

"Eh?"

"I..I think saviona is with Savryna's family, while savryna is with saviona's family"

"Grabeng buhol buhol ng pusod ng dalawang yon ahh, tadhana nga naman"

Frustrated na frustrated nako samantalang siya ay parang katatawanan pa ang nangyayari.

"What's your plan?"

"Like i said kung hindi ka lang bastos kanina, pupunta ako sa bahay ng mga Pascua para sabihin kay Lola Eli ang tungkol sa Apo niya o mga apo niya"

"Posible bang isang Pascua rin si Saviona?" Nagkibit balikat siya.

"Aalis nako" aniya saka tumayo napatayo din ako.

Ganon nalang ang pagkataranta ko ng lumabas na siya habang nagbabayad pako. Nagmamadali akong lumabas, Nasan na?!

Tss. Mukang iniwan talaga ako dahil nakaamoy na sasama ako!.

Tinakbo ko ang parking lot at nakita ko ang pag harurot ng motor niya. Mabilis akong sumakay sa sasakyan ko ay sinubukan siyang habulin. Pero nakalayo din siya. Sa police station nila ako tumuloy. Sabi niya ay maikli lang ang break niya kaya baka bumalik dito.

"Excuse me"

"Yes sir- ohh? Ano ninakawan ka na ba ni Vergara? HAHAHA" malakas pa siyang tumawa, nagsalubong ang kilay ko

"I just want to ask if-"

"Di pa nabalik" tsk.

"Kilala ba dito ang Mansyon ng mga Pascua?" Kitang kita ko ang paninimbang sa mata niya.

"Oo bakit?"

"Magmemeet kasi kami don ni Detective Vergara"

"Oh? Eto" inabot niya sakin ang isang papel na sinulatan niya.

Matamis akong ngumiti saka tumango at umalis.

"May bayad yan ser! Number mo kapalit!" Dinig ko pang sigaw niya. Napailing nalang ako. Tinahak ko ang daan na nakasulat doon. Malaki ang bahay matatawag talagang mansyon. Sa labas non ay nakapark ang isang motor. Tsk kala mo huh. Bumaba ako sa kotse kita ko ang gulat sa mga mata niya ng nakita niya ko.

"Aba't ang tsismoso nakasunod pa" bungad niya sakin. Pasalamat ka! Tsk.

"Ohh! Amara napadalaw ka!" Masayang salubong ng isang matanda. Ang ... nakita ko sa coffee shop kahapon.

"Lola, magandang araw, pwede bang pumasok? Pakape naman" nailipat ko ang tingin sakanya ng sabihin iyon.

"Nako itong batang to, o sya tuloy tuloy, pasok hijo" usal niya ng napasulyap sakin.

"Upo kayo diyan ha" aniya pa bago pumasok sa tingin ko'y kusina.

"Tsk. Busog na busog ka siguro sa tsismis no" mayabang niyang usal. Matalim ko lang siyang tinitigan.

"Oh hija hindi masyadong matapang yan, creamy naman" nilapag niya ang dalawang baso.

"Salamat lola kakaumay yung tanghalian ko eh" bira niya pa di na nahiya.

"O inom inom" wika niya pa ng makitang nakatingin lang ako sakanila.

"Ahh o-opo" saka ko inabot iyon.

"Detective din ba ito? Bago?"

"Nako Lola hindi ho" kampanteng kampante niyang usal. Akala mo nasa bahay lang.

"Oh? Eh ano mo? Boyfriend mo ba ito Hija?" Nanlalaki ang mata ng matanda, doble naman ang panlalaki ng akin.

"Nako hindi po lola-" pare pareho kaming nahinto ng may maingay sa taas ng bahay nila, sa second floor siguro.

"Sinong andon Lola?" Normal na tanong nito.

"Ha? Ahh, ano... m-may katulong akong kinuha naglilinis" kita ko ang pagkakabalisa ng matanda samantalang ng tignan ko ang kasama ay tatango tango lang siya at sumisimsim pa ng kape.

"Ano boyfriend mo ito hija" pag babago niya sa usapan. Napasulyap muli ako dito hindi man lang siya kitaan ng pagtanggi!.

"Hindi ho Lola"

"Oh hijo bat magkasama kayo?" Lumipat ang tingin nito sa katabi ko ng walang makuhang sagot.

"Nako Lola alam ko yang ganyang tingin, tsismoso lang yan sa buhay ko kaya panay ang sama" magrereklamo pa sana ako kaso wala din akong maisip na sagot. Tumawa ang matanda.

"Napadalaw ka pala?"

"Tungkol lang kay Savryna Lola" kita ko ang gulat sa muka niya.

"A-anong meron sa apo ko?"

"Hindi pa naman patay si Savryna lola"

"B-bakit?"

"Lola alam niyo bang may kambal yang apo niyo?" Walang preno naman to! Dahan dahan muna dapat matanda na to eh!.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Kate Saviona, boyfriend niya tong kasama ko" dahan dahang lumingon sakin ang matanda, kitang kita ang gulat sa mga mata.

"W-walang saviona dito"

"Hindi ko naman tinatanong lola" bastos.

"Ang sinasabi ko ho eh baka nasa maynila lang si Savryna-"

"T-totoo ba yan?!" Nangilid ang luha ng matanda.

"Oho, Itong kate saviona kase ay nawala den at nang mahanap ay mukang mali ang nakuha dahil mukang nag kaamnesia si savryna"

"T-totoo ba yan? Ang apo ko buhay pa? Ang Savryna ko?"

"Oo lola kaya si Kate Saviona ngayon ang nawawala o kung nawawala nga ba" patay malisya niyang usal saka sumimsim ulit sa kape.

"Mauna na kami lola at nakaduty ako"

"P-papano ang apo ko"

"Hindi niyo siya makikita hanggat hindi nahahanap si Kate Saviona"

"Pero"

"Babalik ako bukas lola" pagtatapos nito saka dumiretso sa labas.

"S-sandali!" Habol ko pero nag suot lang siya ng helmet. Kumaway pa sa matanda saka umalis. Bastos talaga.

Nagmamadali naman akong sumakay ulit saka sumunod sakanya. Nang makarating sa police station ay mabilis ko siyang hinarang.

"Oh? Baka kala mo naging tatlo na muka ng girlfriend mo, makahabol ka sakin" ngisi niya.

"Bakit umalis tayo?! Baka... baka andon si Saviona!"

"Tsk kung ayaw ng matanda walang magagawa trespassing nga yun kung nagpumilit at isa pa late nako!"

"Eh pano na?!"

"Takaw naman neto! Kalma huh , bukas! Kausapin mo yung savryna! Alis na! "

Nakakabadtrip!

Till Your Heartache EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon