Chapter 16
"Hindi ko kasalanan"
"Wala akong ginawa"
"Hindi ako nangdaya"
"Pinagsikapan ko yon"
Paulit ulit kong sabi sa sarili. Napatingin ako sa salamin. Awang awa kong tinitigan ang sarili. Ang maputi kong balat ay naging maputla ang mamula mula kong labi ay lalong namula dahil sa sugat na natamo sa sampal ni Daddy. Ang matangos kong ilong ay sobrang pula na.
Napasulyap ako sa phone ko nang muli iyong mag vibrate. Kanina pa tumatawag si Aiden ngunit nisagutin iyon ay wala akong lakas.
~Aixen~
I dont believe them. Kalat na ang nangyari. Hindi ako naniniwala.
Lalo ako humagulhol ng mabasa ko iyon. Antok na antok nako pero pinipigilan ko dahil umaasa akong pupuntahan ako ni Mommy dito. Pero nakatulog nalang ako sa pag aantay.
"Sila Mommy ya?" Tanong ko sa isa sa mga kasambahay ng makitang walang tao sa Dining. Handa na sana akong pumasok magpapaalam lang sakanila.
"Maaga pong umalis kanina pang alasiete nagpunta atang school niyo ma'am" hindi ko pa naisusubo ang pagkain ay agad nakong napatayo
"Sigurado po ba kayo?"
"Opo. Ang sabi niya pa ay wag na kayong pupunta dun sa mental-"
"Yaya!"
"Ay dun sa may mga doctor po sa pag iisip ba yun" nauubos man ay pasensya ay nagtimpi pa din ako.
"Aalis nako" lakad takbo na ko nang makarating sa parking lot. Nasa hallway ako nang halos lahat ng tao doon ay nakatingin sakin. Aligaga akong naglakad papuntang faculty.
Dismayado kong nasapo ang ulo.
"Huli ka na Sav. Nag iskandalo na dito ang Mommy mo" wika ni Sam na isa sa kaibigan ni Michelle. Humahagulhol ngayon si Mich pero kahit konting awa ay wala akong naramdaman sakanya. Napuno ng galit at inis ang kalooban ko dahilan para di ko mapigilang hablutin ang buhok niya. Nakakarindi ang pagtili niya. Ramdam ko ang mga kalmot sa braso ko dahil sa pag awat. Nang mailayo ako kay mich ay halos magdiwang ako dahil maraming buhok ang sumabit sa kamay ko.
"Manang mana ka sa nanay mo. Pareho kayong iskandalosa!" Lalong nag init ang ulo ko sa sinabi niya.
"Pano pala yan magmamana sa Mommy niya eh ampon lang naman siya-"
"Pag hindi ka tumahimik ay tatahiin ko yang bibig mong puro dumi lang naman ang nilalabas"
"What's happening here!" Sigaw lamang ng dean ang nakapagpatahimik sakin.
"Ms. Gutierrez kagagaling lang ng Parent mo dito para mang gulo ay sumunod ka agad."
"Excuse me Dean" nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang boses ni Aixen. Tumabi ito sakin.
"Mr. Gutierrez is outside. He said he want to talk somewhere private" kinilabutan ako sa sinabi niya kahit kaylan ay hindi pumunta sa school si daddy. Kahit ako pa ang naging valedictorian noong pre school at secondary school.
Samut saring bulungan ang namutawi sa labas ng faculty. Naubos din ang mga studyante doon kami nalang ni Aixen ang natira.
"Hindi mo yun ginawa. Tutulungan kita" paninigurado niya. Umiiyak akong yumakap sakanya. Ngunit mabilis na kumalas ng makita si Aiden na palapit samin. Lalapitan ko na sana siya nang lagpasan niya ko nagtataka ko siyang nilingon maging si Aixen ay dinaanan lang niya saka siya tumuloy sa faculty.
Akma akong papasok ng may lumabas mula doon.
"Oh? May klase na ah bat nandito pa kayo?" Tanong ng hindi namin kilalang professor. Labag man sa loob ay nagpaakay na din ako kay Aixen.
"Hindi mo ba alam kung bat siya nandito?" Umiling ako dahil wala talaga siyang nasabi. Nanlaki ang mata ko nang maalalang nakailang tawag siya kagabi.
Tulala akong sa lahat ng klase. Huling klase na ngayon pero hindi ko man lang namalayan kanina sa cafeteria ay may mga nagsimula nang manggulo sakin. Hindi man lang ako nainis, naiyak, wala akong maramdaman. Si aiden lang ang naiisip ko bakit siya nandito?. Bakit hindi niya ko pinansin?
"Excuse me prof pinapatawag po sa dean's office si Kate Saviona Gutierrez. Thank you" tinig galing sa labas. Ang lahat ng mga mata ay sakin nakatuon. Dahan dahan akong lumabas. Nang nasa tapat na ay doon lamang ako nakaramdam ng takot. Hindi dahil guilty ako sa nangyari kundi dahil alam kong pagpumasok ako dan wala akong ibang kakampi. Wala akong ibang aasahan kundi ang aking sarili. Dahan dahan kong pinihit ang door knob.
Nandoon si Mommy at Daddy. Si dean. At nanlaki ang mata ko nang makita din doon si Aiden nakaupo sa tapat ng table sa kabilang lamesa hindi nag abalang sumulyap sakin nanginginig ang tuhod kong naupo sa tabi ni Mommy.
"Goodafternoon Mr and Mrs. Gutierrez and Saviona Gutierrez I really sorry but nakapagdesisyon na. Hindi lang saking desisyon ito maging ang admins ng paaralang ito. Iniingatan namin ang image ng paaralan kaya hanggat maaari ay iniiwasan namin ang gantong klase ng pangyayari. Ngunit hindi pwedeng hahayaan namin ang ginawa ng anak ninyo-"
"Hindi niyo po ba muna ako tatanungin kung ginawa ko ba talaga yon?" Nahinto siya nang bigla akong mag salita.
"Ms. Gutierrez may patunay na nagdidiin sayo"
"Hindi po ba pwedeng naset up lang ako? Na may gumawa nito?"
"Locker mo iyon hija pano malalaman ng iba ang no. Para mabuksan iyon?"
"Kahit sino ay kayang buksan iyon kapag gusto talaga. Hindi po ba pwedeng sinira ang padlock saka bumili ng katulad ng una?"
"Stop it Sav. Huwag mong ipagpilitan ang sarili mo sa bulok na paaralan na ito-"
"Shut up Evelyn. Let Saviona clear her name" sa unang pagkakataon ay napatitig ako kay Daddy ng walang halong hinanakit.
"Excuse me Dean but i have to go" putol ni Aiden sa usapan namin doon ko lang naalalang nandon nga pala siya.
"You may go. Thank you Mr. Pangilinan" tumango lang ito kay dean. Saglit kaming nagkatinginan.
"Napag usapan na natin to Mr. Gutierrez. Tatapusin lang ng anak niyo ang natitirang araw ng unang semester at expelled na siya dito. Ang idadahilan lang ay cheating at hindi na ipapaalam ang buong nangyari"
"Kapag nangyari ito ay hindi na magiging maayos ang kinabukasan ng anak ko. Maaaring makaapekto sa future niya ang isang misunderstanding na ito" naluha ako nang hindi na napigilan ni mommy na magsalita. Alam kong galit lang siya kagabi kaya hinayaan niya ko.
"Let's go stop wasting your time" tumayo na si daddy at naunang lumabas inakay ako ni Mommy patayo.
"Kapag napatunayan naming walang ginawang pandadaya ang anak ko ay kayo naman ang bibigyan namin ng sakit sa ulo" banta ni mommy saka kami tuluyang lumabas.
Nasa parking lot na kami ng harapin ako ni Daddy. Pagod akong ngumiti sakanya.
"Huwag kang umasa na ginawa ko iyon para sayo. Ginawa ko yon para sana kahit papano ay malinis mo ang pangalan ko na dala dala mo. Sinisira mo ang pangalan ko nanghihiram ka lang naman" sunod sunod niyang saad. Saka naunang umalis gamit ang sinakyan nila kanina.
Nasa sasakyan na kami ng magsalita si Mommy.
"Im sorry honey" umiiyak nitong wika saka humagulhol sa balikat ko.
"Im sorry"
"I believe that i can count on you but you're just there. Watching me in pain.
BINABASA MO ANG
Till Your Heartache Ends
Storie d'amoreKate Saviona Gutierrez.... Adopted daughter of a well-known Business Man who experience harrasment. People didn't expect that the suspect is that human.... it's unexpected. Saviona is also known as stubborn but a smart one until he met someone...
