Epilouge

7 0 0
                                        

Epilouge

Nagising ako na maingay na sa labas wala na din sa tabi ko si ryna. Nang lumabas naman ako ay busy si aixen sa panonood ng tv sila ryna naman busy sa kusina nag peprefer ng breakfast.

"Maligo ka na muna Sav" nakangiting wika ni ryna. Nagtataka man ay tumango nalang ako. Pero nadaanan ko na naman si aixen.

"Hoy! Chill na chill ka dan ah, tumulong ka don" naiinis niya akong tinignan.

"Kahapon ka pa ha, pasalamat ka nanahimik lang ako" pikon niyang usal.

"Eh bat nga ba nanahimik ka lang?" Kunwaring tanong ko.

"Alam mo magsipilyo ka, may naamoy akong di maganda" asar naman tong panget nato. Mukang sa kamuka ko lang din naman maiinlove.

"Ewan sayo epal ka" irap ko sakanya saka pumasok uli sa kwarto para mag ayos.

Hindi ko alam kung gano katagal ang tinagal ko sa paliligo at pag aayos ng sarili. Pero nang lumabas ako ng bathroom ay wala nakong marinig na ingay mula sa labas.

Sa curious ko minadali ko na ang pag aayos. Nag suot lang ako ng highwaisted white short at isang fit croptop, basta ko nalang din sinuklay ang buhok ko saka nakapaang lumabas ng kwarto pero wala akong naabutang tao doon.

Patay na ang TV, wala ding pagkain sa kusina samantalang halos walang space ang lamesa kanina sa dami ng laman non. Nang tawagan ko naman si mommy ay nandon lang yun sa tabi ng tv. Nagpasya nalang akong lumabas.

Nang tuluyang makalabas ay sariwang hangin agad ang nalanghap ko. Ansarap siguro tumira sa ganto, paggising mo ganto magandang view ang makikita. Kaso nga lang kumakalam na ang sikmura ko sa gutom.

Naglakad lakad pako. Ganon nalang ang gulat ng matanaw ang isang pamilyar na itsura. Mas bumilis ang lakad ko ng malinawan ang muka ni aiden. Nakalong sleeve na white siya na nakatupi hanggang braso, naka black na short at bahagyang hinahangin ang buhok.

Ano ba yan. Lakas ng dating.

Nang makalapit sakanya ay agad akong ngumiti sakanya. Sinenyas niya ang table sa tabi niya. May mga pagkain na don, may kandila. Sobrang tahimik din, tanging hampas lang ng alon ang dinig. Naupo ako sa isa sa upuan doon. Parang ayoko basagin ang katahimikan. Kahit yata walang magsalita samin, isa pa rin to sa mga memorble na araw para sakin.

"Let's have breakfast together" seryoso niyang usal.

"Bakit andito ka ah" biro ko. Di naman namansin. Taray naman parang siya babae.

Pabiro ko nalang siyang inirapan, sinimulan ko nalang kumain. Minsan sulit magutom basta masarap yung kakainin after mo magutom.

Nang matapos ako, halos wala namang nabawas sa pagkain niya.

"Diet?" Pero natigil nalang ako ng makita ko siyang seryosong nakatitig sakin. Saka tumayo at hinawakan ang kamay ko. Inakay patayo.

Hindi ko napansin ang ilang musikero, nagsimula silang tumugtog. Hawak niya ang baywang ko, sinabit ko naman ang kamay ko sa batok niya. At bahagyang sumayaw.

Hindi ko alam pero naiiyak ako. Sa dami ng nangyari sa loob ng maikling panahon. Nandito pa din siya.

Hindi pinansin yung mali sakin, tinanggap sa kung ano ako, mula sa pagiging childish hanggang sa pagiging matured.

He accept everything about me. He knows how to make me smile, he knows what to do in any kind of situation specially when im so down. I never thought i met this kind of person who make my life feel this way.

In this life there's a lot of challenges not to make you suffer but to make you stronger, when the day come when you will experience that kind of situation again, you know how to handle it without thinking about giving up. Because the past already make you strong and brave.

Today, Proud ako na nagawa kong lagpasan lahat ng mga trials ko sa buhay, hindi lahat masaya don, maraming masasakit na pagkakataon kung saan naisipan ko ding sumuko, but knowing God, hindi niya tayo ilalagay sa isang laban na hindi natin kayang ipanalo.

"Nagdasal ako... na pagtinanong kita, sumagot ka ng tama" basag niya sa katahimikan.

"Napeperfect mo ang exam noon, sana maperfect mo din ngayon" patuloy niya

"Pero parang ayaw kitang tanungin"

"Saviona, nung araw na makita kita, akala ko wala nakong taong mamahalin ulit. I even asked God, ano pang dapat kong gawin dito?"

"Aiden-"

"I stay until your heartache ends and promise that will never be a reason for another heartache. I stay only in good times because ill give you light in hard times and forever be your back up in any kind of situation. I do love you until we both get old together."

"So can you please say yes when i ask you to be my partner and wife forever?" Tanong niya. Ngumiti ako sakanya.

"Be my wife"

"Asan ang tanong?" Niyakap niya ko saka bumulong.

"Kelan mo gustong magpakasal?"

Shemss kala ko Will you marry me yung tanong.

Till Your Heartache EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon