Chapter 6
"Ma'am bat po hindi pa kayo lumalabas-"
"Ano ba! Hayaan mo nga ako!" Sigaw ko dito kanina pa kami nakadating dito ngunit hindi ako handang lumabas.
"Ma'am kapag hindi pa kayo lumabas ay tatawagan ko si Dr. Pangilinan para sabihing nandito-" hindi na niya natapos ang sinasabi ng marahas kong buksan ang pinto. Tuluyan na sana isasara nang buksan ko uli.
"May no. ka ni Doc?" Tanong ko tumango naman ito. Tuluyan ko nang sinarado ang pinto ng sasakyan. Mabagal akong naglalakad sa hallway papunta sa Opisina niya. Napansin kong nakaawang ang pinto nito.
"Saviona Gutierrez?" Dinig kong usal ng isang babae. Hindi muna ako tuluyang pumasok
"Ahh. Yung kausap mo nung nakaraan? I've heard pinagsabihan mo siya-"
"Ginawa ko iyon para mapalabas talaga ang totoong dahilan kung bakit niya kailangang dalhin dito ng Parents niya. I don't see any wrong. She's completely Okay. She's smiling whenever she enter that door. I find her smile a motivation so i don't undertand why Mrs. Gutierrez bring her here. Ginawa ko iyon para malaman kung anong nararamdaman niya na hindi nya kayang ipakita sa iba." Nangiti ako nang marinig ko iyon. Taas noo akong kumatok. Saka binuksan iyon. Itinago ang ngiti tuluyan lang nawala ng makita ang babaeng iyon. Siya rin yung babaeng nandoon sa restaurant.
Napatayo ito saka ako tinuro.
"Oh? What are you doing here? Realize that you're so immatured?" Ngisi nito.
"Doc Vriene" dinig kong saway ni Doc Pangilinan.
"What?"
"She's Kate Saviona Gutierrez. Mrs. Gutierrez daughter" pagpapakilala nito sakin tinignan ako nito taas baba. Saka tumaas ang kilay.
"I have to go. See you later" paalam nito kay Doc Pangilinan saka tumingin sakin at nginitian ako ng pagkaplastik plastik. Hanginin ka sana sa labas! See you later? Magkikita pa sila mamaya? Tsk!
"Come in" mahina nitong usal. Dahan dahan akong naupo sa sofa. Tuwid akong nakaupo ng tumayo siya at naupo din doon.
"Bakit wala ka kahapon?" Pigil ko ang ngiti ng maalala ang nadinig kanina.
"Busy ako sa school" tumango ito
"Hindi halata" nagtataka ko siyang tinignan.
"You're 19 so act like one" iwas tingin nitong usal. Binabalik na naman ba niya okay na nga. Narinig ko na hahahah
"Ano bang problema mo sa edad ko Doc?"
"Gawain ba ng isang 19 yrs old ang makipaghabulan sa mall?" Salubong ang kilay niyang tanong. Hindi ko napigilang matawa.
"Girlfriend mo ba yun Doc?" Tanong ko pagtukoy sa tinawag niyang Doc Vriene. Lalo akong natawa ng lalong kumunot ang noo nito.
"Im asking kung tama bang-"
"Walang mali don kung masaya ka Doc" seryoso kong usal.
"Ikaw masaya ka ba sa babaeng yun?" Dugtong ko. Pigil ang tawa kong tanong.
"What are talking about?" Seryoso na din nitong tanong.
"That girl"
"She's not my girlfriend-"
"So stop acting like you're a sweet boyfriend to her" naghahamon ko siyang tinignan. Nagsalubong ang makapal niyang kilay.
"I dont know what you're talking about"
"Tama bang hayaang magpahawak sa dibdib pag hindi mo naman girlfriend?"
Kita ko ang pag ngisi niya.
"So that's the reason why you left you're boyfriend in the restaurant? Because you're upset? because someone touching me? Huh?" Hindi na mawala ang ngiti sa labi nito.
"He's not my boyfriend! Tsaka bat mo ba iniiba. Tama bang magpahawak sa dibdib pag di mo girlfriend? Tutal ay hindi ko naman boyfriend si Aixen ay ayos lang na magpahawak ako sa dibdib-"
"You win" utas nito na kinatawa ko.
BINABASA MO ANG
Till Your Heartache Ends
RomansaKate Saviona Gutierrez.... Adopted daughter of a well-known Business Man who experience harrasment. People didn't expect that the suspect is that human.... it's unexpected. Saviona is also known as stubborn but a smart one until he met someone...
