Chapter 2
Nakasuot nako ng headset pero dinig ko pa din ang mga tsismisan ng mga nakakasalubong ko.
"Di ba siya yung nasa roof kahapon?"
"Baliw na yata yan! Nabaliw sa sobrang talino"
"Sayang maganda pa mandin siya"
"Matalino at maganda nga baliw naman"
Walang tigil ang mga bulungan nila tuloy maging ang mata ko ay walang tigil sa pag ikot. Mga tsismosang panget! Kainis!
"Yah!" Napalingon ako kay Aixen na kararating lang. Inalis ko ang pagkakaakbay niya.
"Ano!"
"Ano wala na bang tama yang utak mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"So you also thinking na Im crazy?" Nagtataka ko siyang tinignan ng tumingala siya.
"Bakit hindi ba? Hindi bagay sayo tawaging baliw. Hahahah masyado kang maganda. Oh! "kumindat pa ito. "Oh! Ang mata nanlalaki hahaha at ang matangos mong ilong lumalaki ang butas hahaha at tignan mo ang mapula mong labi ay kumikibot kibot hahahah" Babatukan ko na sana siya nang magtatakbo siya! Saka sumigaw.
"Nabalitaan ko sa psychiatrist ang lakad mo mamaya." Nakangisi niyang usal saka nagtatakbo. Ganon nalang ang tinginan ng mga estudyante! Abnormal!!!.
Hanggang pagpasok sa mga subject ko ay bulungan ang sumasalubong. Im taking Business Ad. 4th year college at graduating ngayong taon pero hindi ko man lang naramdamang dumaan ako sa pagkabata. Walang gana akong nakinig sa mga discussion.
"Girl tara na lunch!" Napasulyap ako sakanila. Natatawa ko silang tinignan. Isa sa mga bagay na hindi ko naranasan. Mag isa akong nagpunta sa cafeteria. As usual mas lalong dumami ang mga nagbulungan at nagtinginan. Isa isa kong tinagnan ang mga madadaanan ng paningin saka iirap. Mga epal!
Walang sabi sabi akong naupo sa bakanteng upuan walang pakialam kung sinong nakaupo doon.
"Tara na nga!"
"Baliw na bastos"
"Baka mahawa tayo. Let's go" halos madurog na ang pagkain sa tray dahil sa diin ng paghawak ko sa kutsara. Ngunit nakangisi ng tiningala sila.
"Gusto mo makakita ng baliw na nanampal ng panget?" Saka ako tumawa.
"Creepy talaga tara na!" Nagmadali silang umalis saka naupo sa ibang table at doon nagbulungan.
Natapos ang lahat ng subject ko na wala akong ginawa kundi ang tumunganga. Nabasa ko na lahat ng dinidiscuss. Sa sobrang strict nila sa pag aaral ay sobrang advance na ng nabasa ko.
Mag isa akong naglalakad ng tawagin ako ni mommy
"Sav, come here na!" Tawag nito na nasa loob ng sasakyan. Sumakay naman ako sa tabi niya sa back seat.
"I choose him kase bata pa daw siya pero magaling na!" Aniya na pinagtaka ko.
"Who?"
"The pyschiatrist that will take care of you"
"I told you im not crazy"
"Stop it Sav. Ofcourse you're not crazy i just want to make sure that you're fine"
"Im fine-"
"You're not" pairap kong inalis ang tingin sakanya. Sinagad ko ang volume sa headset na gamit ko sa sobrang badtrip.
"We're here" aniya. Masama ang loob kong lumabas ng sasakyan. Masama ang tingin sa mga bagay na madadaanan ng tingin. Pumasok kami sa isang kwarto. Nang tuluyang makapasok ay Muka itong opisina. Malawak. Purong puti. May sofa. May ilaw sa tapat non. At isang table. Malaki at malawak na lamesang salamin. Doon ko nakita ang isang pangalan.
Dr. Mike Aiden Pangilinan.
Lumipat agad ang tingin ko sa isang lalaking matangkad. Galing ito sa isa sa mga pinto ng kwarto. Nakasuot ng puting long sleeves. Nang humarap ito samin ay humanga ako sa ganda ng muka nito. Makakapal na kilay. Matatangos na ilong. Hubog na hubog na labi at mamula mula. Bagsak ang buhok na umaabot sa kilay.
"Goodafternoon Dr. Pangilinan?" Bati ni Mommy.
"Goodafternoon Mrs?" Malalim ang boses nitong tanong.
"Ah Im Mrs. Gutierrez. Im the one who call to your secretary na gusto kong ipatreat ang anak ko." Sulyap sakin ni Mommy dahilan para lingunin din ako nito. Bigay na bigay akong ngumiti dito saka itinaas ang kamay ko at kinawaykaway iyon. Pinandilatan ako ni Mommy ng tingin. Kamot ulo akong nag iwas ng tingin.
"Is she Crazy?" Tanong nito na pinanlaki ng mata ko at agarang mapalapit sakanila.
"A-anong! Hindi ako baliw!" Malakas na usal ko na ikinakunot ng noo niya. Agad akong nahiya.
"Im sorry for her attitude. I think she's into a depression. She's so stress lately-"
"Mom!" Pigil ko dito.
"I will take care of her Ma'am" saad nito saka muling sumulyap sakin.
Nakangiting ngumiti at tumango tango si mommy
"Kelan mag iistart ang treatment-"
"Pwede na ngayon" hindi pa din niya inaalis ang tingin niya.
"So. Mauna nako?" Nag aalangang tanong ni mommy. Binigyan ko siya ng nagpapaawang tingin
"The driver will wait hanggang matapos kayo okay?" Matamis ang ngiting aniya. Saka siya lumabas.
Nahihiya akong nag angat ng tingin ngunit nag iwas din nang mahuli ko ang tingin niya.
"Sitdown" para akong alipin na sumunod sa sinabi niya. May kinuha siya sa lamesa niya saka pumunta sa harap ko at inabot iyon. Nagtataka ko iyong binasa. Ngunit kahit anong paulit ulit kong pagbasa ay wala akong maintindihan.
"Ano to?" Nabadtrip agad ako. Nilapag ko iyon sa lamesa na nasa tapat ng sofa saka iyon inirapan.
"Tsk" singhal nito dahilan para mapatingin sakanya. Muli akong humanga sa gandang lalaki niya... Nahihiya akong nag iwas ng tingin.
"What's your name?" Huminga akong malalim saka sumagot.
"K-kate Saviona Gutierrez"
"Nice name" mahina nitong usal. "Kate... Saviona." Saka siya sumulyap ulit sakin. "Kate Saviona Pangilinan? What do you think?" Nanlalaki ang mata ko siyang tinignan ramdam ko ang pag init ng pisngi! Nakakahiya!

BINABASA MO ANG
Till Your Heartache Ends
RomantizmKate Saviona Gutierrez.... Adopted daughter of a well-known Business Man who experience harrasment. People didn't expect that the suspect is that human.... it's unexpected. Saviona is also known as stubborn but a smart one until he met someone...