Chapter 39
""Kate Saviona?!" Nanlalaki ang mata niyang usal. Nagtataka ko siyang tinignan saka nilingon si Russel mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko, kunot ang noo.
"Anong ginagawa mo dito Mich?" Nang mapansin niya si Russel ay lumambot ang ekspresyon niya lalo na nang madaanan ng tingin niya ang magkahawak naming kamay.
"R-russel"
"Kate bakit ka nandito?" Baling niya sakin.
"K-kate?" Nalilito ko ding usal
"Kate Saviona Guttierez! Akala ng lahat ay p-patay ka na! Ang iba naman iniisip na nakipagtanan ka sa isang Doktor!" Sigaw niya sakin. Ako naman ngayon ang nangunot ang noo at si russel naman ang nagtataka.
"Mich!" Usal ni russel.
"H-hayaan mo siya!" Sabi ko.
"Mich"
"Russel eto na para malaman ko" baling ko kay russel.
"Ang sabi mo ay ayaw mong-"
"Dont tell me russel matagal na siyang nandito? Halos mabaliw ang parents niya sa kahahanap sakanya!" Singit ni Mich.
"Michelle!"
"Michelle!"
Nangunot ang noo ko nang marinig ko rin iyon sa sarili kong isip
"Sav please pumasok ka sa loob"
"A-ayoko!"
"Michelle umalis ka na"
"Russel!" Sigaw ni mich dito
"Pupuntahan nalang kita-"
"Sandale! Ako ang pinag uusapan-" nanlaki ang mata ko nang tumalikod na ang tinatawag niyang Mich. "Russel!"
"Ako ang kakausap sakanya please pumasok ka na" frustated man ay nagawa ko pa ding pumasok sa loob. Ramdam ko ang inis! Gusto kong manakit! Parang hinahanap ko ang kamay ko na may hawak ng kung ano na makakapagpanakit sa isang tao, litong lito ako sa inaasta ko. Para akong isang bata inagawan ng candy at tinakbuhan.
Dumating na si aling terresa, dinig iyon sa loob.
"Ma, kila michelle lang ako wag niyo muna palalabasin si Sav" nangunot ang noo ko sa sinabi niya
"Russel, anak"
"Mama nagmamadali ako"
"Russel, usap usapan na si Sav dito" nanlaki ang mata ko sa nadinig.
"Ma baka madinig ka niya" naging dahilan iyon para mas lumapit ako sa pintuan ng kwarto.
"Anong plano mo?" Ramdam ang pag aalala nito sa anak niya.
"Kakausapin ko muna si Michelle"
"Ano namang kinalaman ni Michelle dito?"
"Sa Maynila nag aral si Michelle bago siya bumalik dito dahil napabalita na napaalis sa school niya dati, baka schoolmate sila"
"Sige na, umuwi ka agad" wala nakong ibang nadinig kundi katahimikan. Naupo ako doon at malalim ang iniisip. Bakit hindi niya nalang ako isama para sabay naming malaman ang totoo.
Nagising ako sa tunog ng papag. Nang bumaling ako ay nakita ko si Russel na nakatitig sakin. Pagod at malungkot ang mga mata. Nang matignan ko ang bukas pa ding bintana ay nakita kong papalubog na ang araw, nag oorange na ang langit. Ang ganda.
"Ang ganda" napatingin ako sakanya nang sabihin niya iyon. Nasa labas ng bintana din ang tingin.
"Mas maganda siguro yan kung hindi dumating si Michelle kanina" malungkot na aniya. Muling nagbalik saakin ang galit sa hindi niya pagsama sakin. Nagsalubong ang kilay ko.
"Russel-"
"Gusto mo ba talaga malaman?" Gusto ko mang maawa sa lungkot niya pero nangingibabaw pa din sakin ang kagustuhang malaman ang pinag usapan nila.
"Kate Saviona Guttierez ang pangalan ko?" Hindi ko malaman kung kanino ko ba talaga tinanong iyon, sakanya ba o sa sarili ko.
Tango lang sinagot niya
"B-bakit niya ko kilala?" Naawa ako sa sarili ko, kada tanong ay hindi ko mawari kung kanino ko ba dapat tinatanong iyon.
"Schoolmate kayo at may subject daw kayo na parehong pinapasukan" andami kong tanong pero hindi ko alam kung gusto ko ba talagang malaman, sa dami ng tanong ko kanina ay wala akong maisip ngayon.
"A-at sinasabi niyang ikaw ang dahilan kung bakit siya napaalis don" nagtataka ko siyang tinignan.
"B-bakit naging kasalanan ko?"
"Hindi na niya nabanggit"
"S-sino ang magulang ko at bakit nangyari sakin to?" Hindi ko na nagawang pigilan ang mga luha ko. Lumapit siya sakin saka ako niyakap.
"Shh, hindi mo kailangang isipin yun, pwede kitang tulungan. Pwedeng wag mo nang balikan-"
"Nababaliw ka na ba?" Kumalas ako sa yakap niya. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya, kung gusto niya talaga akong tulungan ay sasabihin niya sakin.
"Stop it Russel" usal ko.
"Kabaliwan ba sa tingin mo ang ginagawa ko?" Malamig niyang tanong. Natauhan ako sa sinabi niya pero hindi maalis sakin ang katotohanang mali ang sa tingin niya'y tama.
"Hindi yun sa ganon-"
"Bukas ihahatid ka nila mama sa maynila." Hindi ko na siya nagawang pigilan nang mabilis siyang tumayo at lumabas sa kwarto.
Hindi ba't dapat ay masaya ako? Dahil bukas ay malalaman ko na kung sino ako? Kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon.
Nang matauhan ay mabilis din akong lumabas nang hindi pa tuluyang nakakalabas ay narinig ko na ang isang balita galing sa bukas nilang Tv.
"Sa ngayon ay may nakapagsabing ang Anak ni Mr. and Mrs. Guttierez na magtatatlong araw ng nawawala ay nakita sa probinsiya ng Bicol sa Camariñas norte narito ang isang ginang na nagmula pa sa nasabing lugar"
BINABASA MO ANG
Till Your Heartache Ends
RomantikKate Saviona Gutierrez.... Adopted daughter of a well-known Business Man who experience harrasment. People didn't expect that the suspect is that human.... it's unexpected. Saviona is also known as stubborn but a smart one until he met someone...
