Chapter 54
"Come with me" i said, Im willing to do anything matapos lang to.
"Ha?"
"Pupunta ako sa pamilya mo" tumango tango siya.
"I...i want to see my lola and my Mom" natigilan ako... bakit parang kasalanan ko pag di ko sinabi agad.
"Pano dito?"
"Hindi naman siguro sasaktan ng asawa niya siya di ba?"she glance at me, her eyes is full of hopes.
Wala kaming sinayang na oras, wala akong maramdamang kahit na ano. Sinulyapan ko si savryna, kung hindi mo kilala si Saviona ay mapagkakamalan mo talaga siyang ito. Xerox copy ang muka. Nasa labas ang tingin niya, namumungay na ang mata sa kakaiyak.
Hindi ko inaasahan ito, na saloob ng isang araw ay mangyayari lahat to.
"Pano nangyari lahat ng to?" Mahinang usal niya, bahagya akong lumingon sakanya nananatili siyang nakatingin sa labas ng bintana.
Wala akong masagot sakanya, dahil ako mismo hindi ko alam.
Nakarating kami sa police station sa batangas. Kung hindi ko pa siya tinignan ay hindi pa siya lalabas.
"Anong meron dito?" Taka niyang tanong
"Andito yung nag-"
"Oh, namiss mo agad ako?" Nakangising tanong ni Detective Vergara.
"Kasama ko si-"
"Nakikita ko, may mata ako" nakangiti niyang usal sakin. Minsan ansarap kalimutang babae siya.
"Kumusta ka Savryna" nakangiti niyang tanong kay sav.. ryna.
"Huh? Ah a-ayos lang"
"Ayos ka pa sa lagay na yan, daming happenings sa buhay mo"
"Sabihin mo nalang kung anong pwedeng gawin para matapos na lahat ng to" hindi nakatakas ang iritasyon sa boses ko. Andami pa niyang kuda.
"Excited much? Miss si Sav?" She smirk.
"Hindi biro kung ano nangyayari-"
"Bakit sinabi ko bang biro?"
"A-ahh wag na kayong magtalo-"
"Hindi kami nagtatalo"
"Hindi kami nagtatalo" sabay pa naming usal. Konti nalang talaga. Psh.
"Tsk. Long time no see pala savryna." Matamis uling usal niya.
"Hmm m-magkakilala ba tayo?"
"Oo naman, magkababata tayo" napatingin ako sakanya. Kababata naman pala di sinasabi!.
"Wag moko tignan ng ganyan" kahit hindi siya tumingin sakin ay alam kong ako ang sinasabihan niya. Naiirita nalang akong nag iwas ng tingin
"Pa-pasensya na kung di ko maalala"
"Ayos lang yon. Handa na ba ang pag iinarte mo?"
"Huh?" Nagtatakang tanong ni savryna. Tsk pati ako.
"Di ba mag iiyakan kayo mamaya?" Nag iwas ng tingin si savryna. Napairap naman ako.
"Biro lang, tara na"
Naiirita pa din ako habang nag mamaneho. Parang siga kase tong si detective Amara. Basta na pumasok sa sasakyan ko at feel na feel pa.
"Sa susunod nga kotse na bibilhin ko" usal niya pa. Tahimik lang kami hanggang makarating sa tapat ng bahay nila.
Kanya kanya kaming baba nang naipark ko ng ayos ang sasakyan.
"Lola! Papasukin niyo kami!" Sigaw ni amara pareho kaming nanlalaki ang mata sa lakas ng sigaw niya.
"Napapaligiran na namin kayo!" Dagdag niya pa.
"Hoy! Nakakahiya ka!" Sigaw ko pabalik sakanya. Tinignan niya lang ako ng masama.
"B-baka walang tao" sabi naman ni Savryna.
"Matanda na yon, kaya kailangan sumigaw, bingi ganon. Tsk marunong pa kayo sakin eh kung iwan ko kayo dito."
BINABASA MO ANG
Till Your Heartache Ends
RomanceKate Saviona Gutierrez.... Adopted daughter of a well-known Business Man who experience harrasment. People didn't expect that the suspect is that human.... it's unexpected. Saviona is also known as stubborn but a smart one until he met someone...
