Chapter 4

8 0 0
                                    

Chapter 4

Ramdam na ramdam ko ang pagpula ng pisngi ko. Bakit naman parang sobrang affected ako sakanya. Wait! Dont tell me?

Crush ko siya??!!

"Tss. Muka kang tanga" usal niya na kinatawa ko.

"Nako mabuti talaga doc na kayo yung nakuha ni Mommy!" Wika ko na binalewala niya lang.

"You know what? Im busy.. so just tell me kung anong kailangan mo dahil wala ka namang treatment ngayon" kunot noo nitong usal. Napakamot ako sa kilay dahil walang masagot.

"K-kase Doc n-na naiistress ako! Oo naiistress ako Doc." Doon siya humarap sakin.

"Anong dahilan ng pagkakaistress mo?"

"Aba Doc! Ikaw ang doctor satin kaya bakit ako ang tinatanong mo!"

"Tsk.. may problema ka ba? Family problem?"

"Ano po Doc.. ahm lovelife problem Doc" kunwaring nahihiya kong usal. Malalim siyang bumuntong hininga.

"What about your lovelife?"

"Kase Doc yung Crush ko lagi akong sinusungitan"

"That's part of having a crush. Better stop crushing him. And find someone who have the same feelings with you" seryoso nitong usal. Palihim akong kinilig! Myghad Future husband! Hindi ko alam kung bakit ako natatawa!.

"Kilala mo ba kung sino yun Doc?" Umiling lang ito saka tumitig sakin. "Gusto mo bang malaman kung sino?" Lumalim ang tingin nito sakin.

"No"

"Pangilinan ang apelyido!" Sigaw ko saka tumawa... iiling iling siyang nag iwas ng tingin.

"Go home" aniya saka tumayo at kinuha ang isang coat at lumabas. Ganon ba tinatrato ang magiging asawa mo? Ay pasyente pala...

Masaya pa din akong umuwi. Wala pa ding pinagbago. Si Mommy ay nasa business Trip habang si Daddy naman ay busy sa trabaho. At ako ay nagbababad sa pag aaral.

Sa School ay ganon pa din. Expect na ang usapan tungkol saakin. Wala akong ibang ginawa kundi antayin ang maghapon para makapunta ulit Kay Doc! Hahahah Miss ko na agad siya!.. harot...

Natapos ang mga subject at nagmamadali akong sumakay sa sasakyan.

"Doon ulet!!!" Masaya kong sigaw na ipinagtaka ng driver. Ngunit piniling manahimik dahil baka masigawan ko na naman.

Lulukso lukso akong naglakad papunta sa kwartong iyon. Dahan dahan kong binuksan..at nakita ko siya doon. Sobrang gwapo sa suot na puting long sleeve. Nakasuot ng eyeglasses. Ilang taon na kaya siya.

"Goodafternoon Doc!" Masayang sambit ko. Tumango ito saka iminuwestra ang sofa saka tumayo at naunang naupo doon. Malalim ang pagkakabuntong hininga saka nagsalita.

"May improvement ba sa problema mo?"

"Ganon pa din Doc kapag nakikita niya ko ay parang isa akong sakit sa ulo" ngumuso ako saka nagkunwaring malungkot.

"How old are you?" Aniya.

"19!"

"Act like one" seryoso nitong usal na kinabigla ko. Bata pa naman ako ah! Bad ka! Nag iwas akong tingin dahil sa pagkakapahiya.

"You act like you only 16 or 14 yrs old" wala akong nasagot sakanya. Ang sama ng ugali!

"I've heard na College Graduating ka na. At isa ka sa matatalinong student ng Paaralang yon but you're acting like you're high school" wika niya saka nag iwas ng tingin.

"I think you only did those stupid things because you want some attention" nangilid ang luha ko sa sinabi niya. Hindi ko magawang itunghay ang ulo ko. Mabilis akong tumayo saka tumalikod bago ko buksan ang pinto ay nagsalita ako.

"Eversince na nag aral ako wala akong ibang inisip kundi ang mag aral. Kundi ang maging proud ang parents ko sakin. Wlaa akong ibang ginawa kundi iwasan ang mga disappointment nila. Ni hindi ako nakahawak ng laruan. Ni hindi ko nagawang mag enjoy. Ni hindi ko naranasang mag hang out kasama ang mga kaibigan dahil buong buhay ko ay isa lang ang naging kaibigan ko." Umiiyak kong usal.

"Tas sinasabi mong hindi akma ang edad ko sa kinikilos ko? Akala ko nga ay dapat akong magpasalamat sayo. Dahil nang nakita kita ay pinili kong maging masaya. Mas nakakabaliw pala pag sayo nanggaling ang ganong mga salita..." doon ay binuksan ko ang pinto at padabog yung sinarado...

Till Your Heartache EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon