Chapter 35

0 0 0
                                        

Chapter 35

Nagising akong muli nang nasa higaan tulad kanina naupo ako doon saka tinitigan ang mabeberdeng puno sa labas ng bahay. Dahan dahan akong tumayo saka lumabas ng bahay. Nakita ko doon sa labas ang nagpakilalang russel kanina. Agad siyang kumaway ng makita ako.

"Kumusta ang nararamdaman mo?" Paglapit niya sakin.

"A-ayos naman"

"Hindi ka ba nagugutom?" Umiling lang ako dito saka muling sinulyapan ang ginagawa niya kanina bago siya lumapit.

"Ahh ginagawang walis tingting ni mama yan tapos binebenta niya" pagtukoy niya sa tinitignan kong palapa ng niyog. Tumango ako sakanya saka ngumiti.

"Wala na ba talagang masakit sayo?" Napatitig ako sa mga mata niya. Parang nakita ko na...

Napaiwas ako ng tingin ng itaas baba niya ang kilay saka tumawa. Mabilis din namang nawala ang pagkailang ko ng itaas niya ang kamay niya saka may itinuro sa taas.

"Ha?"

"Gusto mo don?" Napapanganga akong napatingala saka nakita doon ang parang isang kubo. Nasa may taas ng puno.

"L-ligtas ba yan?" Pagturo ko din dito. Ngunit nanlaki ang mata ko ng mahina niyang tampalin ang kamay ko

"Eh?"

"Bawal magturo sa mga gantong lugar kagatin mo ang hintuturo mo" nahihimigan sakanya ang pagbibiro kaya't tumawa lang ako saka nagpauna sa paglalakad.

"Sigurado ka bang hindi tayo mahuhulog?" Ngumiti lang siya saka tumango.

"Kapag napapagod ako dito ako umaakyat saka nagpapahinga."

"Marunong ka ba?" Tanong niya pa sakin.

"O-oo" nauna siyang umakyat sakin. Nang tuluyan na siyang nakaayat ay sinenyas niyang umakyat nako pero ganon nalang ang pag kunot ng noo ko nang hindi ko magawa ang ginawa niya para makaakyat.

"Akala ko ba ay kaya mo?" Nakangiti siyang umiling iling saka may tinuro. Napatingin naman ako doon at nakita ang kahoy na hagdan.

"Kaya mo bang dalhin yun dito?" Tanong niya tumango naman ako saka lumapit doon. Pero agad napangiwi sa bigat non.

"Hahaha hilahin mo lang" hirap na hirap man ay nagawa kong itayo ang hagdan sa puno.

"P-paano pag nagtaob to?" Nag aalala kong tanong.

"Ang haba nito oh? Abot ko dito. Hahawakam ko dali na" mabilis naman akong sumampa saka dahan dahang umakyat.

Kakaibang ginhawa nga ang sariwang hangin sa taas. Preskong presko. Napasulyap ako sakanya. Nakapikit ang mga mata pero nakangiti ang labi. Kitang kita ang mahaba niyang pilikmata, matangos na ilong at mapink na labi. Pinagsamang muka ng papa at mama niya na hindi maitatangging may mga itsura.

"Ang tulog nagigising pag may tumititig sakanila ano pa kaya kung pikit lang?" Pikit mata niya pa ding usal.

"Ha?" Inosente kong tanong.

"Wala ka ba talagang naaalala?" Seryoso na niyang usal.

"Saan?"

"A-aiden oo tama, Aiden" namgunot ang noo ko sa sinabi niya.

Aiden

"A-aiden?"

"Naaalala mo na?" Bakas sa mga mata  niya ang pangamba.

"P-palaman ba yun?" Ang seryosong muka niya ay napalitan ng pagtawa.

"Eden na cheese yun hindi aiden" natatawang aniya nangiti na din ako.

Nagawa naming maging tahimik ng mga sandaling iyon. Walang sinasabi ang bibig namin pero nagkakaintindihan kami. Tanging huni lang ng ibon ang maririnig ngunit nasira ang moment na yun dahil sa nakakahiyang pangyayari.

"Pfft! Hindi ka nga pala nakapagtanghalian" matapos niyang marinig ang pagkulo ng tiyan ko.

"Hindi naman ako gutom no-"

"Russel!" Boses ni aling teresa.

"Mama!" Sigaw pabalik ni russel.

"Andan ka lang pala, si Nene?" Tanong niya na pinagtaka ko. Nene?

"Kasama ko po mama" nene? Ako?

"Eto ang banana cue, magmeryenda kayo" lumingon lang saglit ito sakin saka bumaba at muling umakyat. Pumasok naman sa loob ng bahay si aling teresa.

"Oh, kumakain ka ba nan?" Tumango lang ako sakanya saka kumagat sa binigay niyang isang stick. Maya maya lang ay lumabas muli si aling teresa dala na ang ilang gamit ng papa ni russel sa paglaot.

"Aalis muna ako anak ikaw nang bahala dito" sigaw ni aling teresa saka kumaway.

"Opo mama"

"Dati na ba kayo dito?" Usisa ko sakanya. Wala kasi masyadong kapitbahay.

"Oum"

"Wala ba kayong kapitbahay?" Dagdag ko pa.

"Malalayo ang kapitbahay dito malawak kase ang bawat lupa na may kanya kanya ding pag aari." Tumango tango ako sakanya.

"P-papano naman ginawa ang banana cue nato?" Tanong ko pa saka sinenyas ang hawak ng pitikin niya ang noo ko.

Agad sumakit ang ulo ko. Paulit ulit kong nakita ang pagpitik na yun.

"Lahh ayos ka lang? Sorry" nag aalala niyang usal. Umiling naman ako sakanya nang mawala din ang sakit.

"A-ayos lang"

"S-sorry nakalimutan ko" mahina niyang usal.

"Okay nga lang" ngiting ngiti kong saad

"Hindi eh hindi ko inisip-" nahinto siyang ng patampal ang pagtapik ko sa likod niya dahilan para dumiretso ang pag upo niya.

"Ayos lang hahaha" natawa nalang ako sa pag ngiwi niya.

"Ansakit non ah"

"Ikaw-"

"Bespren!" Nahinto ako ng marinig iyon

"Bespren russel yuhooo" sigaw ng isang payat na lalaki.

"Sino yun?" Tanong ko kay russel.

"Kaibigan ko"

"Baba na tayo?"

"Hayaan mo siya dan hahaha mangungulit lang yan"

"Ayos lang bang hindi mo siya puntahan?"

"Pupunta ako mamayang gabi sakanila."

"Bespren-"

"Excuse me" pare pareho kaming napasulyap sa nagsalita. Nahinto ako sa nakita ko. Isang matangkad na lalaki. Nakasuot ng light blue na long sleeve at itim na pants. Bagsak ang buhok na umaabot sa kilay. Magandang lalaki ngunit hindi ko lubusang makita ang muka niya dahil medyo malayo kami.

"Hey" tawag sakin ni russel pero napatitig lang ako sa lalaki

"May nakita ka bang isang babae dito? Mahaba ang buhok abot hanggang baywang? Maliit na babae? Eto yung picture niya" sunod sunod na usal nito.

"Ay wala boy. Wala pakong nakikitang ganto kaganda"

"Baba tayo baka makilala mo yung-" napatigil ako ng pigilan niya ko.

"Bakit?"

"Wait lang, ansakit ng tiyan ko mahihirapan akong bumaba"

"Tatawagin ko ang kaibigan mo-"

"Wag na saglit lang to" umiinda niyang usal. Hawak ang tiyan.

"Sige salamat" muli kong dinig sa lalaking dumating.

"A-ayos na ko" wika ni russel saka naunang bumaba. Inalalayan naman ako nang tuluyan siyang nakababa.

Wala na din doon ang kaibigan niya. Pumasok agad siya sa loob samantalang naiwan namn ako sa labas. Nakatayo sa kinatatayuan ng lalaki kanina.

Bakit pakiramdam ko biglang may kulang sakin.

Till Your Heartache EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon