Chapter 20

5 0 0
                                        

Chapter 20

"Anlaki naman nito. Ikaw lang talaga? Asan parents mo?"

"Sa bahay"

"Eh bahay na nga ito di ba?"

"Para sa future nga"

Doon lang kami nag dinner sakanila. Umuwi din pagkatapos. Purong magagandang bagay na ang nangyari sa buhay ko magmula nang araw na yun. Dalawang buwan ang lumipas ay wala nakong mahihiling pa. Mas naging maayos at maganda ang grades ko. Maayos ang business ni Daddy. At succesful ang panibagong business na pinagkakaabalahan ni Mommy.

Naglalakad nako papunta sa opisina ni Aiden. Hindi ko pa siya boyfriend. Kung ganon kakapal ang muka ko nung una ay siyang kinahiya ko kapag sumusubok akong magtanong. Gusto niyang sa graduation ko magsimulang manligaw. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako. Mas conservative pa siya sakin hindi man lang kami na paggraduate ang gusto niya ay manligaw muna.

Dala ko ang isang paper bag na may lamang mga korean foods. Malaki ang aking pagkakangiti nang buksan ko ang pinto. Unti unti din kumunot ang noo at lumaylay ang balikat. May pisting epal na naman.

"Oh? Hello there" nginitian niya ko na para bang sobrang close namin.

"Where's Aiden?"

"Wow. Your sounds like a girlfriend but you're not! Hahaha"

"Im just asking because you're here. Mas matanda ka sakin pero sating dalawa mas childish ka" malamig kong sabi.

"May improvement ba ang relationship niyo?"

"Kailangan ba alam mo?"

"Hindi ko alam kung anong nagustuhan sayo ni Aiden pero sobrang layo mo kay Mireille" napukaw non ang atensyon ko. Nagtataka ko siyang tinignan.

"What are you talking about?"

"Oh? Kalma! Relax hahaha wag kang masyadong kabahan. Patay na naman yon eh"

"Ganan ka ba kadesperada-"

"Ganyan ka ba kabastos?" Balik tanong niya.

"Kung nandito ka para makipagsagutan sakin ay sayang ang laway ko"

"Sayang kamo ang oras mo! Hindi ka naman totoong gusto ni Aiden!"

Nangingilid ang luha ko siyang tinignan ng masama.

"Ako ngang naging girlfriend niya ay iniwan niya para kay mireille ikaw pa kaya? Kahit wala na si Mireille wala kang pag asa!"

"E-ex ka niya?"

"Ano pang inaasahan mo? Hindi ka niya ginagawang girlfriend. Pampalipas oras ka lang! Hindi pa din siya nakakaget over kay mireille kaya mamatay ka kakaasa!"

"Tumigil ka"

"Ahh hindi mo ba tatanungin kung bakit mabait siya at tinitiis ka niya?"

"Shut up!"

"Ay dahil spoil brat ka! Ampon ka lang naman ng magulang mo pero bakit kinukunsinti ka! Nasabihan ka na ni Aiden na mahal ka niya? Alam kong hindi dahil hindi naman talaga!" Sandali akong napaisip. Wala akong naaalalang sinabi niyang mahal niya ko.

"Kapag hindi ka tumigil ay tuluyan akong magiging bastos!"

"Dati ka nang bastos. Kung hindi pinakiusapan ng nanay mo na pagtiisan ka ni Aiden ay wala ka sana ngayon! Kami na sana uli ngayon!" Hindi ko napigilang ibigay ang lahat ng lakas ko sa isang sampal. Dinig ko ang mahina niyang ungot dahil sa lakas niyon.

"Walang hiya ka!" Akma siyang susugod nang salubungin ko uli siya ng malakas na sampal. Napaiyak siya alam kong naiyak siya sa inis.

"Ganti man lang sa pagiging bida bida at epal mo!" Tinalikuran ko siya pero parang sasabog ang utak ko sa sobrang inis.

Till Your Heartache EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon