Chapter 57

4 0 0
                                        

Chapter 57

Nakahiga si Mrs. Gutierrez sa kama, maayos ang lagay. Nakasabit din ang dextrose na nakakabit sakanya. Sa sulok sa baba ng kama nakaupo si Mr. Gutierrez... at...may hawak na isang bagay. Tulala at bahagya pang ginagalaw galaw ang katawan.

"Mom" tawag ni Sav. Agad siyang lumapit doon at hinawakan sa kamay. Naglakad naman kami papasok. Dumiretso si Amara kay Mr. Gutierrez at mabilis na nilagyan ang posas iyon. Hindi man lang siya pumalag, tulala pa din at mahina pang humahagikhik.

"Hinuhuli kita sa kasong Attempted murder, kidnapping, at illegal drugs, maaari kang-" nahinto siya ng tumawa lang ito. Naiirita niya itong hinila.

"Pakicontact ang police station dito" usal niya sakin. Tinignan ko muna si Sav bago ako tumawag doon.

"Mag aantay nalang ako sa labas, balik niyo na yan sa Hospital" aniya bago kami iniwan.

"Muka namang maayos si Mrs. Gutierrez Sav. Kailangan na natin siyang ibalik"

"Natakot ako kala ko pati si Mommy mapapahamak, ibalik na natin siya-"

"S-sav?" Nagulat kami nang marinig namin iyon.

"M-mommy!"

"No, h-hindi ka nga pala ang anak ko-"

"No, Im Sav"

"Mrs. Gutierrez si saviona po ang kaharap niyo ngayon" singit ko.

"P-pero pano nangyaring inamin mo-"

"Dahil totoo po yun, pero nakabalik nako, si savryna ang tinutukoy mo"

"Mas mabuti po siguro kung babalik na kayo"

"Mom, makinig ka po, ako na to, si Sav"

"Hindi ko na kailangan bumalik, nabigla lang talaga ako, ako ang humiling sa daddy mo na gusto ko nang umuwi kanina" usal niya.

"Pero baka po hindi pa kayo Okay"

"Maayos ako, ang gusto kong malaman ay bakit at sino ang sinabi mong Savryna"

"Hindi ko din po alam, nagkamali lang kayo ng tao Mom"

"N-nasan ang daddy mo?" Natahimik si Sav sa tanong na iyon.

"Ma'am, dinala na po siya sa prisinto ngayon-"

"Aiden!" Tawag ni Sav.

"Hindi pa maayos ang mommy ko"

"Bakit nasa kulungan siya?! Anak! A-alam ko na, magbabago pa siya. Pwede pa siyang magbago!"

"Mom" umiiyak niyang pagtawag. Galit akong napatingin dito.

"May kasalanan ang asawa niyo Ma'am, alam niyong ilegal yon"

"Pero pwede siyang magbago!"

"Siya din ang dahilan kung bakit napahamak si Sav" iwas tingin kong usal.

"A-ano? Anong nangyari sayo anak? Para akong mababaliw nung nawala ka!"

"S-si dad ang nag utos na a-ano."

"Na tapusin siya Ma'am dahil nalaman ni Sav ang tungkol sa pagdudrugs niya at pag bebenta"

"Ano?" Umiiyak niyang niyakap ang anak.

Natigil ako ng mag ring ang phone ko.

"Ano? Nasan na kayo? Nasa presinto ako aba't adik talaga to kanina antino tino ngayon nagwawala"

"Ako lang muna ang pupunta"

"Aba statement ni sav ang kailangan dito"

"Tsk oo mag intay ka"

"Kapal mo" saka pinatay ang tawag.

"Sav, kailangan natin pumuntang presinto.

"Sasama ako!"

"Ma'am hindi kayo pwede masama-"

"Maayos ako Aiden wag mokong pangunahan"

"Mom, tama si aiden"

"Wala akong pakealam" nagulat kami ng basta niya hilahin ang dextrose at tumayo.

"Mom!"

"Sav!" Sabay pa kaming nakairap ni Sav dahil sa tigas ng ulo ng mommy niya.

Till Your Heartache EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon