Chapter 17
"Ma'am hapunan na daw po baka po magalit pa si Sir pag di pa kayo lumabas" nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ay agad akong pumikit at nagpanggap na natutulog.
"Tulog na pala siya Ma'am baka po napagod" bulong ni nanay Lisa. Umahon din agad ng maramdamang umalis na sila.
Panay ang type ko sa phone ko para itext si Aiden pero nauuwi lang iyon sa pagdelete. Hindi ko alam ang sasabihin. Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob para tawagan siya unang ring palang ay kinabahan nako. Sa pangalawang ring ay sinagot na iyon.
"Hello?" Nawala ang pagkasabik ko ng marinig na boses iyon ng isang babae.
"Hello?" Isa pa. Isa nalang ay makikilala ko na kung kaninong boses iyon.
"Who are you? Hello?" Right! Vriene. That girl. She's with Aiden. Gantong oras ay magkasama sila? Hindi ako nagsalita basta nalang pinatay ang tawag. Lalo akong naiyak.
Bzzt bzzt
Dali dali ko iyong tinignan bagsak ang balikat na sinagot ang tawag.
"Aixen"
"Are you okay?"
"Yeah"
"Papasok ka ba bukas?"
"Yeah"
"Kate"
"I want to rest" pinatay ko na ang tawag saka pilit na natulog. Nagising ako na mabigat ang nararamdaman. Lahat ng ginagawa kong pag aayos ay nakatulala ako.
"Sila Mommy?"
"Si sir po ay maagang pumasok sa trabaho ang Mommy niyo naman po ay sinabing maghahanap siya ng bago niyong papasukan" nalungkot ako. Sa katotohanang wala nakong magagawa kundi ang umalis sa napamahal ng paaralan.
Nakaearphone ako habang naglalakad sa hallway pero rinig pa din ang usapan ng nadadaanan. Kung noon ay nagagawa lang nilang magbulungan ngayon naman ay malakas na nilang pinag uusapan. Hindi ko alam na naglelevel up din pala ang pagiging tsismosa.
"Wala ba siyang kahihiyan?"
"Nagagawa niya pang pumasok"
"Kung ako sakanya ay hindi nako papasok"
"Baka ang dati niyang mga grades ay dahil din sa pandadaya niya"
Gusto ko man silang saktan lahat ay pinigilan ko dahil alam kong magmumuka lang ako guilty kapag pumatol ako sakanila.
Napalingon ako sa humawak sa braso ko. Nagulat ako nang makitang si Aiden iyon.
"Ang gwapo!"
"Omg ang cute niya"
"Pero bat kasama niya yang baliw?"
"Nakakaawa naman siya bat nalapit siya dan sa mandadayang baliw na yan?"
Usap usapan sa paligid. Kinuha niya ang isang earphone sa tenga ko saka kinabit sakanya. Hinila ako papasok sa building. Nakatingin lang ako sa likod niya. Dinala niya ako sa rooftop. Ako na mismo ang nag alis ng earphone saka sinilid iyon sa bag ko.
"Akala ko ba ay matalino ka?" Malamig niyang usal. Nangunot ang noo ko.
"Hindi ka naniniwala dahil nandaya ako?"
"No. I mean akala ko ba ay matalino ka pero bakit hindi mo naisip ang cctv?" Doon ako natauhan. Nanlalaki ang mata ko siyang tinitigan. Inabot niya sakin ang isang usb.
"Copy yan ng cctv sa tapat ng faculty at tapat ng locker niyo." Dahan dahan ko iyong inabot saka tinitigan.
"Lagi mo bang nararanasan ang mga ganon?" Tanong niya
BINABASA MO ANG
Till Your Heartache Ends
RomanceKate Saviona Gutierrez.... Adopted daughter of a well-known Business Man who experience harrasment. People didn't expect that the suspect is that human.... it's unexpected. Saviona is also known as stubborn but a smart one until he met someone...
