Chapter 28

1 0 0
                                    

Chapter 28

"Goodmorning po"

"Welcome po" ilan lang sa bati ng mga empleyado sa unang araw ko dito. Nahihiya akong ngumiti sakanila. Wala pa naman akong masyadong alam sa business ni Daddy. Hindi naman ako dito magtatrababo dahil kulang pa ko sa karanasan. Gusto lang ni Mommy na dumalaw ako dito. Sa business ni Mommy ako tutulong. Isang restaurant na ang naitayo niya at doon ako tutulong sa pag mamanage nun.

Malaki ang kompanya. Lalong lumago ng si tito ang naghandle.

"Kumusta?" Bungad ni daddy nang mapuntahan ko ang opisina niya.

"Okay naman po" ngiti ko. "Mukang mababait at masaya ang mga empleyado dito"

"Ofcourse"

"Mabuti naman at business ng Mommy mo ang pagtatrabahuhan mo" ayoko mag isip ng iba baka namimisunderstand ko lang pero pakiramdam ko ay ayaw niyang makialam ako dito.

"Ahh opo"

"Mauna nako may meeting pako" naiwan ako mag isa doon. Naupo akonsa swivel chair ni Daddy saka nagpaikot ikot doon. Minsan na naman akong may naalala. Tinignan ko ang mga gamit doon nang buksan ko ang drawer ay purong mga papel din iyon ang huling drawer nalang ang bubuksan. Hinalungkat ko iyon parang gustong gusto ko iyong halungkatin kinapa kapa ko pa ang dulo nang may nahawakang kakaiba. Kinuha ko iyon saka tinitigan. Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ay basta ko nalang yun pinatong doon saka sinara at tumayo.

"What are doing?" Seryosong tanong ni Daddy.

"W-wala nagtingin tingin lang po. Mauna na din po ako" usal ko saka nagmamadaling lumabas.

Kinabahan ako. Hindi ko man natukoy kung ano iyon ay kumakabog pa din ang dibdib ko. Sa paglabas ko ay nakabunggo ko ang isang lalaki na sa tingin ko ay kaedad lang ni Daddy. Ang awra ng muka ay nagsusumigaw ng pagiging marangya sa buhay parang nakita ko na siya pero hindi ko lang makuha kung saan. Matamis itong ngumiti.

"Are you alright?" Mahinahon niyang tanong hahanga ka sa lambing niyon gayong mukang normal lang sakanya iyon.

"Y-yes Im sorry po" paumanhin ko dito dahil alam kong lutang ako kanina pa.

"Pasensya na din hija" binigyan ko lang siya nang ngiti.

"Mr. Pangilinan" dinig kong tawag ni daddy. Nagdalawang tingin ako sa lalaking tinawag niyang mr. Pangilinan.

Nakangiti nitong sinalubong ang tingin ko. Kunot noo ko siyang tinitigan.

"May problema ba?" Tanong ni daddy.

"Wala naman" matamis pa din ang ngiti niya. 

"Kung gano'y tumuloy na tayo" saad pa si daddy. Nang tuluyan na silang makapasok ay wala na kong nagawa kundi ang tumalikod na ngunit pag harap ko ay nabunggo ako. Pamilyar ang amoy na iyon sakin. Nang magtaas ako ng tingin ay nanlaki at umawang ang labi ko.

Seryosong muka ni Aiden ang sumalubong sa tingin mo.

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong ko pero hindi man lang nagbago ang expresyon niya.

"Bakit ka nandito? Ano? Ha?" Nangunot na ang noo niya.

"Wala kang karapatan sakin!" Lalong nagsalubong ang kilay ko nang ngumisi ito.

"Sinong nagsabing andito ako para sayo?" Nagtataka ko siyang tinitigan.

"Kung ganon ay bakit ka nandito?" Maarte kong tanong sakanya.

"Bakit hindi mo tanungin ang daddy mo?" Salubong na salubong na ang kilay ko.

"Business partner sila ni Daddy" nagulat ako sa sinabi niya.

"I need to go" sunod niyang usal saka ako tinalikuran. Agad kong nahawakan ang braso niya.

"Wag kayong mangialam kay daddy" seryoso ko nang usal. May pangamba pa din sa mga kilos ni daddy.

"Hindi naman ibig sabihin na involve kami sa daddy mo ay involve ka na din dito"  usal niya saka tumingin sa kamay kong nakahawak sa braso niya. Napapahiya ko naman iyong inalis.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin"

"Pag alam mo na ang ibig mong sabihin ay tawagan mo nalang ako. Wag ka mag alala sasagutin ko yon di tulad ng hindi mo pag sagot" hindi ko na nagawang sumagot dahil mabilis din siyang umalis at pumasok sa opisina ni daddy.

"Mom" tawag ko sakanya. Nagbebake kami ngayon sa bahay. Nang sumagi na naman sa isip ko ang nakita

"Mm?"

"May kakaiba ka bang napapansin kay daddy?" Tuluyan na siyang tumingin sa tanong ko.

"Wala naman. Kung iniisip mo ang tungkol sa kalusugan niya naging abala lang siya sa trabaho kaya napabayaan ang sarili"

"Bukod po don"

"Wala naman, ano kaba"

Natapos ang araw na yon pero hindi natapos ang pag iisip ko. Nag research ako tungkol sa mga idea sa isip ko. Doon ay nalaman ko kung saan nahahalintulad ang itsura ng bagay na nakita ko sa drawer ni daddy.

Isa iyong Drugs.

Sa tingin ko'y wala pang isang oras ang naging tulog ko. Lutang ako nang bumangon.

"Breakfast na Sav" anyaya ni Mommy.

"Si dad?"

"Maagang umalis may meeting siya kay Mr. Pangilinan" wala pa ngang ilang minuto ang pag iisip ko ay naisip ko na namn.

"Mauna nako ha? Next week ka na magstart sa pagtulong sakin" saad ni Mommy tumango ako dito.

Paikot ikot ako sa sala. Sobrang hirap kapag may nalaman kang isang masamang bagay na ginawa ng mahal mo sa buhay.

Hindi ako sigurado pero hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko.

Dinial ko ang no. Na nagmemessages sakin noong nasa ibang bansa pa ako. Unang ring palang ay may sumagot na noon.

"Hello?" Tawag ko pero walang sumasagot sa kabilang linya.

"Hello?" Sinagot niya nga pero di naman siya nagsasalita.

"Bahala ka-"

"What?" Nangiti ako. Halatang halata ang pagkapikon.

"Busy ka ba?"

"Sobra"

"Sige papatayin-"

"Sabihin mo nalang!" Madiin niyang usal.

"Magkita tayo" deretsa kong pagkakasabi.

"Busy ako" sagot naman niya.

"Mahalaga to"

"Magdate tayo" hindi ako nakasagot sa sinabi niya.

"Ay hindi. Maging tayo pala" pahabol niya.

"A-ano bang-"

"Hindi nagbago ang opisina ko pumunta ka kahit kelan mo gusto pero gusto ko ngayon mismo"

"San-" hindi ko na natuloy dahil pinatayan na niya ko.

Hindi ko maintindihan ang pag bilis ng tibok ng puso ko. Matagal na iyon pero nakakainis!

Till Your Heartache EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon