Chapter 19

4 0 0
                                        

Chapter 19

Naging ganoon ang sitwasyon sa loob ng tatlong linggo. Hindi na tulad dati ang buhay ko sa school. Hindi man nagkaroon ng bagong kaibigan ay hindi naman nagkaroon ng kaaway. Nagtuloy tuloy pa din ang treatment ko kuno dahil pumupunta lang naman ako doon para makita si Aiden. Naalala ko nang minsan ko siyang natanong.

"Akala ko ba ay busy kang tao? Pero bakit napapadalas ang paglabas natin"

Sa loob ng tatlong linggo ay kung hindi ako sa opisina niya ay gumagala kami. Hindi naging tutol si Mommy doon maging si daddy ay walang sinabi. Hindi na din naulit ang masyadong magagalitin ni daddy.

"Happy birthday Honey!" Masayang bati sakin ni Mommy inabot niya sakin ang isang paper bag saka humalik sa pisngi ko.

"Happy birthday Ma'am!" Bati pa nang ilang kasambahay. Nagpalinga linga ako.

"Wala ang daddy mo anak. May mahalaga daw na meeting eh" binigyan ko siya nang matamis na ngiti. Kahit kaylan ay hindi pumunta si daddy sa kahit na anong birthday ko.

"Im sorry Sav kung hindi nagkaroon ng party" iniling ko ang ulo ko

"20 nako Mom. Hindi ko na kailangan ng ganon"

"Kahit na ano. Ngayon lang nangyari ito kung hindi kasi dahil sa mga inggitera mong schoolmate ay hindi sana pinagbawal ng daddy mo ang party"

"Ayos lang po talaga" nagbreakfast lang kami at umakyat nako sa taas para makapagbihis. Wala akong pasok ngayon kaya mas lalo akong naexcite. Ang sabi kase ni Aiden ay babalik kami sa beach na dati naming pinuntahan.

~Aixen~

Happy birthday baliw! Love you!.

To: Aixen

Thank youuu. Lovelots.

Nakangiti kong binaba ang phone. Binuksan ko ang binigay ni Mommy na paper bag. Umawang ang labi ko sa ganda ng dress na iyon. Sleeveless iyon na cream ang kulay. Hapit sa bewang pero bahagyang bukadkad ang baba above knee iyon. Nang isukat ko ay mas lalong gumanda bumagay sa maputi kong balat. Hinayaan kong ladlad ang alon alon kong buhok nagpowder lang ako saka naglipstick na pula. Birthday ko naman kaya ayos lang to.

"Bye Mom" paalam ko sakanya. Alam na nitong aalis ako. Sinabi kong may kaibigan akong kasama hindi ko na sinabing si Aiden iyon.

"Oh my!! You look so beautiful! You're so lovely" ngiti lang ang sinukli ko dito.

Nanlaki ang mata ko sa gulat napalitan din agad ng pag init ng pisngi ng makita si Aiden na nasa labas ng gate namin habang nakasandal sa sasakyan niya

"H-hi" utal kong bati humanga ako sa gandang lalaki niya. Nakasuot ito ng isang light blue long sleeve at pants. Kahit simpleng relo ay muka siyang nagmomodelo.

"Happy birthday" malambing niyang bati hindi ako nakapagsalita agad.

"Hey-"

"Sandale"

"Ha?"

"Sandali... kinikilig pako... 3 minutes" natawa nalang siya. Siya na ang lumapit sakin saka ako hinalikan sa noo. At inabot ang isang bungkos ng bulaklak.

"Magjowa na ba tayo?" Pabiro kong tanong sakanya.

"Magtapos ka muna ng pag aaral" nangiti ako sakanya talagang yun pa din ang iniisip niya. Parang siya pa ang babae samin.

Nasa reception na kami ng resort. Nagpaalam siyang may kakausapin lang ng lapitan ako ng isang babae.

"Hello po!" Pilit akong ngumiti.

Till Your Heartache EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon