Chapter 1

9 0 0
                                        

Chapter 1

KATE'S POV

"Kate!! Bumaba ka dan!"

"Sav! Bumaba ka dan baka mahulog ka!"

"Ms. Gutierrez!!"

"My gosh baliw ba siya" sumulyap ako sa mga taong nagkakagulo sa baba. Iniisip ba nilang tatalon ako dito. Gusto ko lang naman ng katahimikan kaya dito ako nagpahinga. Pero mas nakakarindi sila ngayon. Napasulyap ako sa pinto ng rooftop ng marinig ko iyong bumukas. Nakita ko doon ang professor namin at si Aixen ang nag iisang tao na nakipagkaibigan sakin.

"Mrs. Gutierrez kung may problema ka ay pwede nating pag usapan hindi yung-" nahinto siya ng tumawa ako. Nakakalokong tawa ngunit ngumiwi din na baka nga nababaliw nako.

"Sav, kung ayaw mo nang mabuhay ay pumunta ka dito at ako mismo papatay sayo" naiirita nitong saad na kinatawa ko.

"Iniisip niyo bang magpapakamatay ako?" Agad umiling iling si sir.

"Hindi naman sa ganon pero delikado kase diyan"

"Umuupo lang naman ako sir. Hindi naman ako nagsasayaw" pero nanlaki ang mga mata nila ng tumayo ako. Konting galaw lang ay mahuhulog na.

"Bakit hindi ko nga ba subukan" napasulyap ako sa kararating lang na sasakyan. Niluwa non si Mommy. Walang lumabas na daddy mula doon.

"Saviona honey!!! Ohmy!!! Ibaba niyo ang anak ko dan!" Matining na sigaw ni Mommy. Nakangiti ko siyang tinawag.

"Mommy!!!" Ngiting ngiti kong tawag dito saka niwagayway ang mga kamay ko. "Mommy!!! Hello!!!! Hahahahah" agad akong napangiwi ng may humila sakin dahilan para bumagsak ako. Agad kong hinampas si Aixen ng makatayo. Hawak nako ni Prof ng bumaba kami.

"Oh my honey!! Bakit ka naman pumunta don. Ano namang pumasok sa isip mo!" Naiiyak na usal nito.

"Im sorry Mom. I want to rest. I think masarap ang hangin doon kaya don ako nagpahinga"

"Im so sorry Mrs. Gutierrez-"

"Hindi kayo naging responsible para bantayan ang anak ko! Sayang ang tuition fee na binabayad namin. Itatransfer ko na ang anak ko"

"Baka po pwede pang pag usapan. At isa pa ay graduating na siya."

"No-"

"Hindi ako lilipat Mom. Kung dito ay isa lang ang naging kaibigan ko sa loob ng tatlong taon. Doon pa kaya" buntong hininga lamang ang naisagot ni Mommy saka ako inakay pasakay sa sasakyan.

"Andon ba si daddy?" Mahina kong tanong.

"Ang sabi niya ay nasa meeting siya."

"Im sure magagalit yun" hindi na siya sumagot dahil pareho naming alam na magagalit talaga si daddy. Hindi pako tuluyang nakakapasok sa pinto ng bahay namin ng isang malakas na sampal agad ang sumalubong sakin.

"Daddy!!" Sigaw ni mommy saka ako dinaluhan.

"Wala na talagang ginawang mabuti yang batang yan! Walang utang na loob! Imbes na mag aral ay kung ano anong katangahan ang pinaggagawa!! Kalat na kalat agad yang kaabnormalan ng batang yan! Nakakahiya sa mga kanesgosyo ko! Ang ilan pa'y inalis ang mga share nila dahil mas binibigyan ko ng panahon ang negosyo kaysa sa sakanya.!!." Wala akong nagawa kundi ang yumuko at tahimik na maiyak.

"Daddy baka naman naiistress lang ang anak natin-"

"Wala akong anak! Hindi ko anak yang baliw na yan! Pag aaral nalang ang gagawin hindi pa magawa ng ayos!" Hindi ko na napigilan at sumagot nako.

"Pag aaral lang!! Sa tingin niyo ba ay sobrang daling mag aral! Nasasabi niyong madali yun dahil hindi niyo naman nararanasan!" Sigaw ko din agad inawat ni mommy si daddy sa akma nitong pagsugod sakin.

"Kung hindi ka rin talaga tanga!!! Mapupunta ba ako sa sitwasyong to kung hindi ako nag aral! Ang sabihin mo isa kang malaking pagkakamali! Hindi ko alam kung bakit kinuha ka pa namin sa walang kwentang bahay ampunan na yon-"

"Dad!!!!" Malakas na sigaw ni mommy.

"Napepressure ako sa gusto niyo!!!" Mas malakas kong sigaw na halos marinig na sa buong bahay. "Ang gusto niyo ay lagi akong manguna. May mataas akong grades pero ang gusto niyo ay mas mataas pa!"

"May maganda akong nagawa pero ang gusto niyo ay mas maganda pa!! Ang taas taas ng expectation niyo to the point na hindi ko na maabot! Hirap na hirap ko yung abutin samantalang ang dissapointment hindi ko pa nga nakikita bumagsak nako don! Dahil disappointment ang tingin niyo sakin!" Umiiyak kong usal.

"Ayusin mo yang anak anakan mo Evelyn!" Sigaw ni daddy saka umalis. Lumapit sakin si Mommy saka ako inalo.

"Pagod lang ang daddy mo. Wag mong isipin ang mga sinabi niya okay?" Hindi ko siya sinagot. Sanay nako sa mga sinasabi niya.

"Sabi mo kanina ay napepressure ka. San ka ba napepressure?" Dugtong na tanong nito tiningala ko siya.

"Sa lahat Mom! I want a Break!" Mahina ngunit madiin kong usal.

"I think you're stressed honey" aniya na kinatunghay ko. Natatawa uli.

"You think im stressed? Or im crazy?" Mabilis ang pag iling nito.

"Ofcourse not! Tommorrow i will be the one who will pick up you in school okay?" Kunot noo ko siyang tinignan.

"Why?" Nagtataka kong tanong.

"You need Psychiatrist."

"Im not crazy!"

"I didn't say na your crazy honey! What im saying is you need to be check! What if you're into a depression?!". Nice! Now people really think that im stupid crazy!

Till Your Heartache EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon