Chapter 15
Tulala akong naglalakad papuntang parking lot. Nakita ko si Aiden doon kaya agad kong inayos ang sarili. Ngumiti ako sakanya. At hindi na inantay pa ang sasabihin niya sumakay nako. Naalala ko ang sinabi ni Prof.
"Im sorry Saviona pero kailangan maayos to. Kailangan mong papuntahin ang parents mo dito. Meron nang ebidensya na ginawa mo nga ang pagdadaya."
"You okay?" Halata sa muka nito ang pag aalala. Pagod akong ngumiti sakanya at tumango. Hindi ko namalayang nakahinto na pala ang sasakyan. Maging ang pag iyak ko ay hindi ko namalayan. Umalis kami sa School ng alas kwatro nang tignan ko ang phone ko ay nakitang 5:30 na. Ibig sabihin ay matagal na kaming nandito?
"Nasan tayo?" Tanong ko dito. Hindi ito sumagot. Nang tumama ang mata ko sa salamin ay nakita kong namumugto na iyon at mapula na ang ilong ko. Lumabas siya saka umikot sa passenger seat at pinagbuksan ako bumaba din naman agad ako. Nakita kong nasa isang park kami. Maraming mga bata. Mga nagtitinda ng pagkain at laruan. Sobrang fresh tignan. Nakakarelax. Naupo ako sa isa sa mga bench doon at tinitigan ang lalaking nagtitinda ng lobo. Tumabi sakin si Aiden. Saka mahinang pinitik ang noo ko.
Nang tignan ko siya ay ngumiti lang ito saka tumayo. Nang mawala siya sa paningin ko ay muli akong naluha. Pano na ang mangyayari sakin? Pagnalaman nila Mommy lalo na ni daddy. Sumasakit na ang ilong ko kakasinghot. Mabilis kong pinalis ang luha nang matanaw si Aiden.
Ngumiti ako ng abutan niya ko ng isang ice cream. Nangingilid ang luha ko iyong dinilaan. Bawat pagkain ko dito ay pagtulo ng luha ko. Paunti ng paunti ang kinakain ay palakas ng palakas ang paghikbi ko. Humihikbi akong tumingin kay Aiden ng maubos ang kinakain inabot niya sakin ang sakanya. Kaunti palang ang bawas. Saka siya tumayo at umalis.
"Bakit kase nung nagpaulan ng kapalpakan ay nasalo ko na yata lahat" umiiyak kong pagkausap sa sarili. Pinagtitinginan ako ng tao doon maging ang ilang batang napapadaan. Bagsak ang balikat ko nang maubos ang ice cream. Yumuko at saka nagbunot ng damo doon.
"Here" tumunghay ako sa nagsalita. Si Aiden. Napatitig ako sakanya ng iabot niya sakin ang isang lobo at sa kabilang kamay naman niya ay isa pa.
"Give me a piece of paper and pen" wika niya na pinagtaka ko pero sinunod ko din. Ngunit nang akma nakong kukuha ay nabitawan ko ang lobo. Naiiyak akong tumingin sakanya. Kitang kita ko naman ang paghugot niya ng hininga. Nauubusan ng pasensya. Ngumuso ako. Tumayo ito saka lumapit sa nagtitinda ng lobo.
"Red!" Sigaw ko dito.
Nakangiti nako ng bumalik siya. Nilahad ko ang kamay ko pero inilayo niya lang iyon.
"Kumuha ka muna ng pinapakuha ko" masungit niyang sabi. Nagnamadali naman akong kumuha. Inabot ko sakanya.
Kinuha niya naman iyon gamit ang isang kamay. Nilahad sakin ang dalawang lobo.
"Kapag lumipad yan ay palilipadin din kita" banta niya. Ngumuso ako. Hindi ko naman sinasadya. May sinulat siya sa isang papel saka pinunit iyon sa maliit saka pinaikot. Kinuha ang isang lobo sa kamay ko saka tinali doon.
"Magsulat ka din gayahin mo yung ginawa ko"
"Anong isusulat ko?"
"Yung gusto mong pakawalan. Kahit ano yung gusto mong sabihin pero natatakot ka" napatitig ako sakanya. Yumuko saka nagsulat.
"I wanna Reset."
Pinaikot ko din iyon saka tinali sa dulo ng lobo. Hinawakan niya ang isang kamay ko. Tumayo kaming dalawa saka naglakad sa isa sa mga poste ng park.
"Pagbilang ko ng tatlo ay bibitawan natin ang mga lobo." Nakangiti niyang saad. Tumango naman ako.
"In 3" I
"2" wanna
"3" Reset
Sabay naming binitawan iyon. Tiningala ko iyon. Sana kahit sandali ay maging malaya din ako. Makalipad din ako.
"Anong sinulat mo?" Tanong ko dito.
"Ang sasabihin lang natin ay ang dahilan kung bakit natin iyon sinulat" nangiti ako.
"Bakit hindi moko tinatanong kung bakit ako umiiyak?"
"Kung gusto mo sabihin ay hindi ko na kailangang magtanong. Kung hindi ka komportableng magsabi ay ayos lang."
"Ano palang dahilan mo dun sa sinulat mo?"
"Dahil gusto kong magpasalamat. 'bout you?"
"Kase gusto ko ng bago. Gusto kong maulit. Pero sana sa pangalawang pagkakataon ay wala nako sa masakit na sitwasyon." Nangilid ang luha ko pero nakangiti ko na iyong inalis. Hinawakan ko ang kamay ni Aiden saka nagyayang umuwi.
Nasa byahe kami pauwi ng magsalita ako.
"Hindi ko iyon ginawa" nasa labas ang paningin nang sabihin iyon.
"Hindi ko kayang gawin yon. Pinaghirapan ko iyon at hindi yon pangdadaya" umiiyak kong saad dito.
"Sinasabi nilang nagdaya ako aiden" doon nako tumingin sakanya.
"I trust you and i believe you" yun lang ang sinabi niya.
Nasa labas na kami ng bahay namin ng akma siyang mangunguna sakin.
"Anong ginagawa mo?" Tinuro niya ang bahay namin .
"Sasamahan ka" mabilis akong umiling.
"Wag na" pahirapan ko pa siyang napaalis. Natatakot akong pumasok pero kahit papano ay iniisip kong hindi ako pababayaan ni Mommy.
Pumasok ako na tahimik ang lahat nang tuluyan akong makapasok ay nakita ko si daddy na nagbabasa ng isang tabloid habang si Mommy ay walang emosyong nakatingin sakin. Lumapit ako sakanya saka bumeso lumapit din ako kay Daddy para magmano pero agad akong naluha ng isampal niya sakin ang binabasang tabloid.
Nakayuko akong umatras.
"Walang kwenta! Simpleng exam ay dinadaya pa!" Tama nga ang hinala ko na itatawag na agad ng school ang nangyari.
"Kaninang kanina pa nangangati ang kamay kong sampalin ka pero ngayon ka lang!"
"Sorry po may sched po kase ako sa psy-"
"Gastos ka lang! Imbis na tumino ka at lalo kang lumalala tigilan niyo na yang kalokohang yan! Gastos lang ang lintik na pagpapagamot sa utak na yan! Pati pag aaral mo ay gastos lng! Puro kahihiyan ang dala mo dito!" Akma ko siyang lalapitan para humingi ng tawad pero sinampal niya lamang ako. Luhaan akong tumingin kay Mommy umaasang tutulungan ako. Pero ganon nalang ang pagkaubos ng lakas ko nang makita ko si Mommy.
Walang emosyong nakatingin sakin.
BINABASA MO ANG
Till Your Heartache Ends
Roman d'amourKate Saviona Gutierrez.... Adopted daughter of a well-known Business Man who experience harrasment. People didn't expect that the suspect is that human.... it's unexpected. Saviona is also known as stubborn but a smart one until he met someone...
