Chapter 9

2 0 0
                                        

Chapter 9

Nagising ako sa sakit ng katawan. Nanlalambot man ay dumiretso ako sa pagligo. Nagbibihis ako nang makita ko sa salamin ang malaking pasa sa braso at likod ko. Masyado kaseng malakas ang pagtama ko kahapon. Ganon pa man ay hindi ko na iyon ininda.

"Bye Mom" beso ko saka mabilis na lumabas hindi nag abalang magpaalam kay daddy.

Bored na bored akong naglalakad sa Entrance ng School ng may nakita akong isang lata pinulot ko iyon at tinapat sa paanan ko saka sinipa pagkatapos ay tatapat muli kung saan ito napunta at sisipain muli kasabay ko nang pumasok. Nagdulot iyon ng ingay na naging dahilan para mas lalo akong pagtinginan at pagusapan. Umabot ang latang iyon sa Unang klase ko nang busy na ang lahat ay palihim na inilusot iyon sa bag ng nasa unahan ko.

Lunch time nang maupo si Aixen sa harap ko at kumuha sa pagkain ko.

"Meron kang sayo di ba?" Taas kilay kung usal. Binalewala niya iyon at nagtuloy lang sa pag kain meron namn siyang sariling tray.

"Hating kapatid" utas niya saka masama akong tinignan at kinain na lang ang kanya. Hindi din siya nagtagal hindi pa tapos kumain ay tumayo na at bitbit ang tray. Tinuro ang mga lalaki sa kabilang table.

"Hihingi akong ulam" puno ang bibig niyang usal. Parang hindi anak mayaman kung kumilos. Kakaiba talaga.

I just rolled my eyes then continue eating. I was about to drink water when someone get the battled water. Walang emosyon kong tiningala ang may gawa non. Hindi ko pa tuluyang naiaangat ang ulo ko nang bumuhos ang tubig sa tray ng pagkain ko. Na sa sobrang lakas ng pagbagsak ng tubig ay tumalsik pa ang mga kanin galing sa tray.

Mabilis ang naging pagtayo ko. Sampal agad ang sinalubong ko pagharap ko dito. Nang tuluyan ko nang nakita ang muka niya ay nakita kong mapula ang pisngi nito dahil sa lakas ng sampal ko. Nakakarinding tili ang ginawa niya.

"Ang sama ng ugali mo" usal ng babae sa tabi niya na patuloy ang pag alo dito. Matunog akong ngumisi.

"Manang mana ka sa Ama mo! Masasama ang ugali! Magnanakaw! Mukang pera!"

"Manahimik ka!!!" Mas malakas kong sigaw hindi nagpapapigil kahit humahagulhol na ito.

"Manloloko yang daddy mo! Niloko nan ang tito ko. Para mag invest tapos sasabihin bumagsak kaya wala na?! Muka kayong pera! Hindi kayo aasenso!" Sunod sunod nitong sigaw. Lahat na ng nasa cafeteria ay nasamin ang atensyon.

"Andaming langaw! Paypayan niyo yang mga pagkain niyo madaming langaw!" Malakas na sabi ni Aixen na bitbit pa din ang tray niya.

"Oh? Kain kain" kunwaring alok niya sa mga babae sa harap ko. Maaarte silang nag sialisan. Ako naman ay pabagsak na naupo sa dating pwesto.

"Ano yon?"seryoso na nitong tanong.

"May alam ka ba dun?" Tanong ko sakanya. Minsan kase ay sinasabi sakanya ng daddy niya ang nangyayari sa business nila at sa ibang business man. Pansin ko ang malalim niyang buntong hininga.

"Yeah you don't have idea?" Usal niya. Mabagal naman ang naging pag iling ko. Iniisip kong may kinalaman ba kung bakit lagi kong nasasaktuhang galit si Daddy ay baka dahil may problema sa trabaho niya.

Patuloy pa din ang pag iisip ko tungkol kay daddy. Hindi ko namalayang nasa parking lot nako. Nagulat ako nang makitang si Aiden ulit ang nandon.

"Bakit?"

"May pasyente ako sa malapit kaya naisipan kong isabay ka na papuntang makati."

"Si kuya?" Pagtukoy ko sa driver.

"Pinauna ko na sinabi kong ihahatid nalang kita"

"Hindi ka ba mapapagod" ngumiti lamang ito saka umiling.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako nagising nalang ako nang maramdamang kong may bumuhat sakin. Bahagya kong minulat ang mga mata ko. Bumungad sakin ang gwapong muka ni Doc. Hahaha. Buhat niya ba ako? Ang bango niya..Pilit ko pang siniksik ang sarili gising nako ngunit nagtulog tulugan ako. Naramdaman ko nalang na binaba niya ko sa sofa. Gustong gusto kong imulat ang mata ngunit nararamdaman kong nandon pa siya at nakatingin. Hindi ko na nga lang napigilan ang magmulat ng mata dahil sa gulat.

Mabilis niyang hinawakan ang braso ko saka sinipat iyon.

"B-bakit?" Nagtataka kong tanong.

"Wala naman to kahapon" wika niya na titig na titig sa pasa sa braso ko.

Till Your Heartache EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon