Chapter 56
Wala kaming sinayang na oras. Nagmamaneho ako samantalang tahimik naman si Sav. Si amara ay nakasunod gamit ang motor niya, gusto niya daw na siya ang humuli kay Mr. Gutierrez wala namang naging kibo si Sav ng sabihin niya yon. Naiwan naman si Savryna sa totoong lola niya.
"S-sorry talaga. Hindi ko sinabi sayo" tumingin siya sakin. Hinawakan niya pa ang kamay ko saka ngumiti ng lingunin ko siya.
Wala na.
Di nako galit. Hays
Wala na.
Minahal ko lang siya lalo.
Ngumiti ako sakanya. Ako ang dapat umunawa, kailangan niya yun ngayon. Hindi dagdag problema.
"Now, You will face the reality but never forget that im always by your side. I won't leave you alone. Again" usal ko ng hindi tumitingin sakanya. Kita naman sa gilid ng mata ko ang pagtango niya.
Sa hospital muna ako huminto.
"Let's go?" Tanong ko. Pilit naman siyang ngumiti. Nagulat ako sa biglang pagkatok ni Amara. Kunot ang noo.
"Ano?" Masungit kong usal ng mabuksan yon. Iikot palang sana ako kaya lang ay nakababa na din si Sav
"Ano bang echos niyo dan sa loob? Parang di nag mamadali ah" aniya. Lumingon nalang ako kay Sav. Nakatitig siya ngayon kay Amara.
Don't tell me... Nah.. nevermind.
Hinawakan ko ang kamay niya saka inakay.
"Excuse me... Im Mr. Pangilinan"
"Yung tinawagan ko kanina sir?"
"Yes" lumipat ang tingin niya kay Sav. "Ay Ms. Gutierrez si Mrs. Gutierrez po ay bigla nalang nawala nung sandali siyang iniwan ng nurse, may iba din po kasing inaasikaso dito, tumawag kami don sa contact na ginamit niyo nang dalhin dito si Ma'am kaya lang po ay walang sumasagot" paliwanag nito.
"Wala bang CCTV's dito?"
"Sorry Ma'am, Sir pero kasalukuyan po kasing hindi gumagana ang cctv sa tapat ng emergency room at ICU"
"Kami nalang ang bahala, follow up nalang yung iba. Babalik din dito si Mrs. Gutierrez" sagot ko.
Muli kaming bumalik sa sasakyan. Ganon pa din. Nakasunod lang si amara. Naalala kong gusto niya raw magpasikat sa chief niya kaya dapat makahuli uli siya.
Napasulyap ako kay Sav. Tahimik lang siya pero hindi kagaya kanina na parang lutang talaga.
"Bakit kaya kami magkamuka" aniya. Bago tumingin sakin.
"S-sabi ni Amara ay pwedeng t-twin" nagsalubong ang kilay niya.
"Kung hindi ko napakinggan ang kwento ni lola ay pwede ko din isipin dahil ampon lang naman ako nila Mommy, kaya nga nagawa yun ni Daddy."
"Choice niya yon Saviona, pinili ng daddy mo yung makakasira sa pamilya niyo"
"Si mommy lang naman ang may gusto sakin, sabi mo nga choice niya, pinili niya lang suportahan si Mommy"
"Si savryna ay totoong anak ng mga pascua, anak ni lola ang daddy ni S-savryna, mas malapit lang ang loob ng Mommy niya dahil tumira sa bahay kasama si lola samantalang puro trabaho yung daddy niya" dagdag niya pa
"Puro check up lang daw ang ginagawa nila nung nagbubuntis ang mommy niya, dahil mahilig sa surpresa, gusto nilang pag kapanganak malaman kung anong gender. Ng mga panahon naman na nanganak siya ay nasa ibang bansa si lola, tanging silang mag asawa lang ang magkasama"
"May investigator na, Im sure hindi magtatagal ay malalaman na din natin lahat.
"Minsan naiingit ako sakanya, dahil totoo siyang anak. Ramdam ko ang pagmamahal ni Mommy pero yung totoong hindi kami magkadugo yung nakakapagpababa sakin"
"Hindi lahat ganon Sav. Hindi porket hindi mo kadugo ay hindi mo na mararamdaman na tunay"
"I know, kaya nga kahit ganon naaawa pa din ako kay daddy, lalo na at huhulihin na siya pag dating natin. Pati na din kay mommy, dahil mahal na mahal niya si daddy"
"May purpose kung bakit nangyayari to, don't forget what i said kanina, We're together"
"Matagal na ba kayong magkakilala ni a-amara?" Tanong niya saka nag iwas ng tingin.
"Nope, nung nagpunta lang akong batangas, at sakto na siya pala ang humahawak sa kaso ni Savryna"
Hindi na nasundan pa iyon ng tanaw na ang bahay nila. Pinark ko yun ng ayos kasunod ng motor ni amara.
"Ganda din ah" komento niya.
Naglakad na agad si Sav patungo sa gate at nagtuloy tuloy. Nang bubuksan na niya ang pinto ay pinigilan ko siya.
"Ako muna" usal ko. Tumabi naman siya at pinauna ako.
Nang mabuksan yon at wala namang kakaiba ay sumunod na sila.
"Mom? Mommy?" Tawag ni Sav. Sumilip siya sa isang silid. Bago naglakad paakyat sa hagdan. Nakasunod kami. Si amara ay seryoso nakahawak sa bandang bewang niya.
Gusto kong pangunahan si Sav kaya lang ay alam kong gusto niya nang makita ang mommy niya.
Nang tumapat kami sa isang pintuan na sa tingin ko ay kwarto ng mag asawa. Walang alinlangan niyang binuksan yon. Doon kami nagulat.
BINABASA MO ANG
Till Your Heartache Ends
RomanceKate Saviona Gutierrez.... Adopted daughter of a well-known Business Man who experience harrasment. People didn't expect that the suspect is that human.... it's unexpected. Saviona is also known as stubborn but a smart one until he met someone...
