Chapter 12
"What are you doing?"
"What?" Natatawa ko uling usal sakanya.
"Ikaw na ang nagsabi. That psychology thing. Appreciate this simple moment. Hahaha bat ka ba nagagalit"
"Im not mad. Im just b-busy" saad niya bago inayos ang mga kaninang ginagawa. Aalisin na niya sana ang pagkakaipit sa buhok niya ng pigilan ko siya.
"Wait" mabilis akong lumapit at tinapat ang camera ng phone samin.
"Smile!!" Masayang usal ko ngunit nanatali siyang seryoso. Tinawanan ko na lamang. Kunot noo niyang inalis ang pagkakaclip sa buhok niya at saka inayos iyon. Nagpunas ng tissue sa labi saka kumuha ng bago at pinunasan ang sakin. Ngumuso ako binigay ko talaga ang best ko para humaba iyon. Napangiwi lang ng maging iyon ay pitikin niya.
Bitbit niya ang bag ko na nasa likod niya habang hawak ang kamay ko. Nangingiti ko siyang tinitigan pinagtitinginan din kami ng ilang nadadaanan.
"Muka kang daddy ko dahil bitbit mo pa ang backpack ko." Natatawa kong usal sakanya.
"I dont care" walang pakialam niyang utas. Kahit hindi kami nag uusap habang nagmamaneho siya ay sobrang saya ko pa din.
Napansin ko lamang na nagpark siya sa isang resort. Humahanga akong napatingin sa labas ng bintana. Pinagbuksan niya ko ng pinto. Excited naman akong bumaba.
"Magbebeach ba tayo?" Atat kong tanong sakanya. Abala sa pag tingin sa paligid.
"No" nadismaya ako sa sinabi niya.
"If you want to swim. Maybe next time"
"Eh anong ginagawa natin dito?" Nakanguso ko nang tanong. Pinitik niya ang noo ko kunot noo kong hinimas iyon.
"Dinner"
"Dinner lang kailangan pa dito?" Nagsalubong ang kilay niya.
"Ayaw mo ba?"
"Gu-gusto! Ano pa? Tara na!" Pinangunahan ko na agad siya dahil baka magdalawang isip pa siya.
"This way Ma'am, Sir"
"Babalik ba tayo dito?" Tanong ko habang nilalakad namin ang tabing dagat. Katatapos lang namin mag early dinner
"If you want"
"Bakit ka nagalit kanina?"
"Hindi ako nagalit" gara naman neto kausap parang tae lang.
"Eh bat sobrang seryoso mo?" Pangungulit ko sakanya.
"Dahil baka yun yung maging dahilan kung bakit hindi ako makapagpigil" seryoso niyang saad na kinatigil ko.
BINABASA MO ANG
Till Your Heartache Ends
RomanceKate Saviona Gutierrez.... Adopted daughter of a well-known Business Man who experience harrasment. People didn't expect that the suspect is that human.... it's unexpected. Saviona is also known as stubborn but a smart one until he met someone...
