Chapter 31

5 0 0
                                        

Chapter 31

"I love you aiden" bulong ko. Inaasahan kong matatahimik siya dahil hindi inaasahan ang sinabi ko pero sa halip ay may lumakas ang paghikbi nito.

Hindi ko maimagine noon na mapupunta siya sa ganitong sitwasyon. Halos pula na ang buong muka hanggang leeg dahil sa pag iyak. Hindi na masyadong maintindihan ang sinasabi dahil basag na ang boses.

"A-akala ko ay hi-hindi ko na maririnig sayo yan" umiiyak niya ding bulong.

"Iiyak mo lang Aiden pero pwede bang pagkatapos ay hindi ka na ulit ganito?" Ramdam ko ang pagtango niya.

"Nirape siya Sav" umawang ang labi ko sa mga sinabi niya. Matigas na niya iyong nasabi ramdam ang galit doon. Alam kong galit iyon dahil sa mga taong gumawa ng bagay na iyon sa minamahal niyang kapatid.

"Hindi ko man lang naramdaman na mayroon na siyang suicidal thought"

"Hindi porket psychiatrist ka ay mahuhulaan mo na kung sino ang may ganoong pag iisip. Hindi mo din malalaman kung hindi sasabihin sayo. Ang trabaho mo ay tulungan silang makaiwas doon hindi bigayan ng sisi kapag hindi mo nagawang iligtas ang mga taong ganon" paliwanag ko sakanya pakiramdam ko kase ay sa sarili niya lahat sinisisi.

"Sav oo sa iba pwedeng oo. Pero kapatid ko si  Mica responsibilidad ko siyang bantayan" agad kong nakuha ang punto niya. Nahihiya akong yumuko purong siya pala ang inisip ko hindi ko nagawang tignan ang sitwasyon ng kapatid niya.

"Im sorry" paumanhin ko sakanya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko saka ako pinaharap sakanya. Mamula mula pa ang mata niya ng ngumiti siya sakin.

"Gusto ko sabihin mo ang problema mo sakin" aniya.

Ayokong alalahanin niya ko.

"Wala lang iyon Aiden."

"Hindi ka iiyak ng ganoon kung wala lang iyon"

"Y-yung kapatid mo ba yung nasa picture na nasa drawer mo noon?" Nangunot ang noo niya pero tumango lang siya. Akala ko ay iyong Mireille iyon.

"Takot na takot ako nang hindi kita macontact" nasa paanan ang tingin niya ng sabihin niya iyon.

"Ha?"

"Basta ka nalang umalis" dagdag niya pa.

"A-ahh s-sorry"

"Hindi na naman iyon mauulit di ba?" Bumalik ang awa ko nang makita ang pagsusumamo sa mga mata niya kita din doon ang pagod. Dahan dahan akong tumango.

"Si Vriene"

"I don't want to talk about her" usal niya.

"Nasa Canada na ko eh, alam mo iyon bigla akong nahiya." umiiling akong nagpunas ng luha.

"N-nandon ka?"

"Pangalawang araw mo don" niyakap ko siya. Bakit sa loob ng ilang buwan na sama ng loob nawala lahat nang sabihin niya lang na pinuntahan niya ko.

"Im sorry" alam kong sincere siya sa sinabi.

"Hindi mo yun ginusto?" Paniniguro ko.

"Andito ba tayo ngayon kung ginusto ko?" Nangiti ako sa sinabi niya.

"Si Jaz ay naging almost girlfriend ko" pag amin niya nang matahimik kami.

"Almost lang?" Biro ko

"Ang gago ko sa part na pakiramdam ko mas minahal ko si Jaz kesa kay Vriene" nalungkot ako para kay Vriene kaya siguro hanggang ngayon ay ganon siya.

"Pano?" Kuryoso kong tanong hindi naman ako yung tipong mababaw. Kung mahal mo ang isang taong tanggap mo lahat sakanya. Mahal mo lahat sakanya. Kahit ang dati niyang minahal ay kaya kong pahalagahan maliban nalang siguro kung maninira na talaga ng samahan.

"Girlfriend ko si Vriene ng panahong iyon nang sabihin niyang makipaglapit ako kay Jaz. Magbestfriend kase sila. Ang sabi sakin ni Vriene ay may gusto si Mireille sakin kaya gusto niyang lapitan ko si Jaz-"

"Wait" putol ko sakanta

"Alam ko na yan! Nafall ka! Tas narealize mo mas bet mo si Jaz! Attitude mo sis!" Agap ko pa natawa kaming dalawa.

"Yeah" nakangiti na niyang usal.

"Yan! Ngiti!" Turo ko pa sa labi niya.

"Thank you" malambing ang pagkakasabi niya non.

"For what?"

"For being here"

"No need to say thank you"

"Pwedeng si Vriene ang first love ko, at akala kong si Jaz na true love ko ay mali pala" sinabi niya iyon na puno ng emosyon.

"Alam ko na ngayon kung bakit nabubuhay pako."

"Hahaha ano bang sinasabi mo?"

"Alam ko na ngayon kung anong role ko dito. Hindi ko man nagawang samahan si Jaz. Hindi ko man nagawang iligtas si Mica, alam kong ikaw ang dahilan kung bakit hinahayaan ako ng Diyos na mabuhay. Nagawa ko na ang mga bagay na makakapagpasaya sakin. Pero ikaw yung pinakanagpasaya" dere deretso niya iyong sinabi. Natatawa kong siyang tinignan.

"Hindi ko alam na may pag kacheesy ka pala ah hahahah"

"Pshh" natatawa niyang singhal. Nawala ang ngiti sa labi ko nang madaanan ng paningin ang bintana ng kwartong iyon. Madilim na

"Uuwi nako" tumayo na agad ako.

"Baka hinahanap nako ni Mommy aiden bukas nalang ulit tayo magkita. Tara na please" paghila ko sakanya. Napapabuntong hininga siyang tumayo. Paikot ikot nako sa tabi habang may inaasikaso pa siya sa reception.

"Why?" Tanong ni Aiden nang makasakay na kami sa sasakyan niya.

"Nawawala phone ko" nginuso niya ang gilid ng upuan ko sa passenger seat nang tignan ko naman iyon ay nandon ang phone ko. Madaming missed call doon galing lahat kay Mommy.

~Mom~

Saviona, May isa akong nakameeting na kaibigan nagmeet kami kaya baka late nako makauwi. Maybe madaling araw na. Silip silipin mo ang daddy mo okay?

To: Mom

Take care Mom.

Kinakabahan man ay nilakasan ko ang loob. Alas nuebe na ng gabi nang makarating sa bahay namin. Hinarap ko agad siya.

"Bukas?" Tumango lang siya saka muling yumakap.

"Bakit parang ayaw kitang pakawalan?"

"Ano ka ba bukas ha?" Nagmadali nako sa paglabas.

"Ano na? Lakad na!" Senyas ko pa nang nasa gate nako

"Pumasok kana" pinanlakihan ko pa siya ng mata.

"Go aiden" kita ko ang pagbuntong hininga niya bago umalis.

Huminga akong ng malalim nang pihitin ko na ang doorknob. Ganon nalang ang panlalaki ng mata ko nang sumalubong ang isang vase saakin kung hindi ko lang nagawang isara muli ang pintuan. Kinakabahan kong hinawakan ang doorknob pilit naman iyong hinihila ng tao sa loob.

"Da-daddy!" Pagtawag ko naupo ako sa sahig nang hindi makayanang makipaghilahan. Lumabas doon si daddy. Nanlilisik ang mata saakin dinakma ang suot ko saka hinila papasok.

"Dad!" Umiiyak kong tawag

"Anong ginawa mo sa mga droga!" Malakas na sigaw niya sa muka ko

"Dad hindi iyon makakabuti sayo!" Lakas loob kong sigaw pabalik pero napapikit ako sa lakas ng sampal niya sakin. Ramdam ko doon ang singsing na suot niya. Lasa ko din ang kaunting dugo galing sa labi.

"Nasan na! Ilabas mo!" Lahat ng gamit namin ay sira sira na. Lahat nang nadadaanan ng tingin ko ay basag kung hindi naman ay gulo gulo. Madiin akong napapikit nang hablutin niya ang buhok ko.

"Ti-tinapon ko na!"

"Katanga tanga mo!"

"Sasabihin ko ang ginagawa mo!"

"Kung makakapagsabi kapa!" Nanlabo ang paningin ko nang mabilis niyang naihampas sa ulo ko ang lamp na nahagip niya. Unti unting nagblurred ang nakikita ko

Till Your Heartache EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon