Chapter 34

3 0 0
                                        

Chapter 34

SAV'S POV

"Ang ganda po"  hindi masukat ang saya ng batang babae. Maputi ang kulay ng balat. Alon alon ang buhok na umaabot sa kanyang baywang. Bilugan na singkit ang mata. Maliit ngunit matangos ang ilong. Kulay pink ang maninipis na labi.

"Para sayo lahat yan Sav" matamis ang pagkakangiti nang isang ginang. Maganda siya. Maputi ang balat. Namumula ang labi. Bilugan ang kanyang mga mata, hindi din mahirap basahin ang emosyon doon. Lumapit ito sa batang tinawag niyang Sav. Saka niyakap at sinayaw sayaw.

"Hello mga baby!" Wika ng isang lalaki. Tuwang tuwa namang sumalubong ang bata sa lalaking iyon.

"Hi daddy!" Buhat siya ng lalaki saka hinalikan sa noo. Magandang lalaki iyon. Nakataas ang buhok na lalong nakapagbigay ng kagandahan sa muka niya. Mapupungay ang mata, matangos din ang ilong. Mamula mula din ang labi. Matipunong lalaki.

"Mukang masaya ang mga baby ko ah!" Walang katumbas ang kasiyahan na makikita sa kani kanilang muka.

"Hindi ka ba mapapahamak dahil dito?" Tinig iyon nang nasa malapit lang. Unti unti kong dinilat ang mga mata

"Hayaan mo na mama, kilala ko ang taong yan kaya tulungan na natin siya" boses naman iyon ng isang lalaki. Malalim at lalaking lalaki ang boses. Nilibot ko ang paningin. Nasa isa akong maliit na bahay. Gawa lang iyon sa mga kahoy pero kita ang linis nun. Nang masulyapan ko ang bintana mula sa hinihigaan ay nakita ko ang ganda ng langit doon. Maraming puno din ang tanaw ko.

"Gising ka na pala hija" lapit sakin ng isang ginang na sa tingin ko'y nasa edad 40. Pilit itong ngumiti sakin. Tinitigan ko lang siya dahil wala akong kahit na anong maalala tungkol sakanya.

"May masakit ba sayo?" Tanong nito saka sinapat ang katawan ko. Umiling iling ako dito saka napatingin sa lalaking lumapit. Bata pa ito siguro'y kasing edad ko lang o matanda sakin.

"Ayos ka lang ba?" Malalim ang boses nito, mataas siyang lalaki, sakto lang din ang katawan, hindi payat pero hindi rin maskulado, bahagyang nakataas ang buhok.

"S-sino kayo?" Mahinang bulong ko.

"Ano bang pangalan mo hija? Nakita ka kasi ng anak ko sa tabing dagat nang maiwan siya galing laot" sinikap kong isipin kung bakit nandito.

"H-hindi k-ko alam" litong lito kong usal. Sumasakit na din ang ulo ko.

"Hindi kaya't nakalimot ito?" Lapit niya sa lalaki.

"Hindi naman po siya ganyan kung naalala niya nga"

"Sus maryosep kailangan pa yan dalhin sa doctor"

"Ma, ako na po ang kakausap sakanya. Yung niluluto niyo po" matapos makaalis ng ginang ay lumapit ang lalaki saka naupo sa hinihigaan kong kahoy

"Si-sino ka?" Tanong ko sakanya, unti unting umatras dahilan para tumama ako sa dingding ng bahay. Unti unti kong naramdaman ang kirot sa braso nang lingunin ko iyon ay nakita ko doon ang mga sugat at pasa. Nangingig ko iyong hinawakan.

"A-anong ginawa niyo sakin!" Nanginging ang tanong ko.

"Niligtas kita nang makita kita sa dalampasigan kaninang umaga dinala kita dito dahil hindi iyon ang unang beses na nagkita tayo" paliwanag nito. Pero teka sino ba siya? At sino ako?

"Anong pangalan mo?" Tanong nito.

"P-pangalan?" Kumunot ang noo niya.

"Russel" bigkas nito.

"Russel?" Nalilito kong tanong

"Oum yun ang pangalan ko. Ikaw?" Maganda ang ngiti niya dahilan para mawala ang nararamdamang kaba.

"W-wala akong pangalan" nahihiya kong sagot. Nangunot ang noo ko nang tumawa siya.

"Wala? Meron ba non?" Tumatawa pa din niyang usal.

"May nakakatawa ba?"

"Pfft! Wala wala"

"Bakit ako nandito?"

"Kase nga tinulungan kita"

"San tayo nagkita?"

"Nung nasa maynila ako dahil naimbitahan ang banda namin na tumugtog" nakakaaliw na kwento niya, hindi kase nawala ang ngiti niya sa pagkukwento

"Nanonood ako ng banda mo?" Nahawa na ata ako sa ganda ng ngiti niya

"Hahaha hindi"

"Eh? Ano lang?"

"Naglalasing ka hahaha" nawala ang ngiti ko sa sinabi niya

"Naglalasing?"

"Oo nag iinom ka. Inaagaw po pa sakin ang Mic" nagtataka ko iyong inalala.

"W-wala akong maalala"

"Dapat ba kitang dalhin sa Hospital?" Seryoso niyang tanong. Umiling ako dahil naalala ko ang sinabi ng ginang kanina.

"Sino ang babaeng iyon?" Pagtukoy ko sa ginang.

"Siya ang mama ko, teresa ang pangalan niya"

"Ahh, M-mama ko din ba siya?" Seryoso kong tanong. Humagalpak siya ng tawa.

"Mama ko lang siya"

"Asan ang Mama ko?" Kunot noo kong tanong, pati siya.

"Wala akong Mama?"

"M-meron pero"

"B-baka nandon din ang mama ko? Sa pinagkitaan mo sakin?" Usal ko lumapit pa sakanya.

"T-titignan ko" ngumiti ako sakanya saka tumango.

"Anak! Kumain na kayo dito. Andito na ang papa mo"

"Anak Kakain na lumabas ka na dan"

"Anak?" Tanong ko.

"Ha?"

"Russel?" Tawag pa ulit nito

"Opo, halika na?" Anyaya ni russel sakin.

Sino yun?

"Sabi ko sayo hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom"

Sav! Kakain na!

"Mom?"

"Hey?" Tawag pansin ni Russel.

"May mama nga ako"

Lumabas kami sa silid na iyon saka tumuloy sa isang maliit na kusina. Andon ang isang matandang lalaki at ang mama ni russel.

"Maupo na kayo" matigas ang tono ang boses nito. Mabilis akong inalalayan ni russel paupo.

"Hindi ka ba mapapahamak dito anak?" Dagdag nito.

"Hindi naman papa" lumipat ang tingin nito sakin. Nakaramdam ako ng hilo

Hindi ka ba mapapahamak Anak?

Make sure, i don't want you hurt.

"Hija?"

"Okay ka lang ba?"

Akala ko ba hindi iyon makakasama Sav!

"Shut up"

"Hey?" Tawag nila sakin pero wala akong maintindihan. Unti unting nanlabo ang paningin ko saka nawalan ng malay.

Till Your Heartache EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon