Chapter 23
"Bakit ka nandito?" Malamig ang pagkakatanong ko.
"I missed you" malalim ang kanyang boses ramdam doon ang antok at pagkakalasing.
"Bawal ang lasing dito" hinawakan ko siya sa braso para ilayo pero mas humihigpit lang ang yakap niya.
"Im not drunk" napairap ako sa ere.
"Sino bang umamin na lasing sila?"
"I want to hug you" lalong humigpit ang yakap niya.
"Yah! Aiden!" Ganon nalang ang inis ko nang bahagyang bumigat ang balikat ko. Alam kong nakatulog na siya. Hirap na hirap ko siyang inakay papasok sa passenger seat saka pumasok sa driver seat.
"Bahala na nga" pinaandar ko ang sasakyan niya papunta sa bahay niya. Nang makarating din doon ay halos mapangiwi ako dahil sa bigat niya muntikan pa kaming mahulog sa hagdan dahil hindi ko mabalanse. Nang tuluyan ko siyang naihiga sa higaan ay kusa na rin akong nahiga sa pagod.
"Agang aga ay lasing" naglibot libot ako sa kwarto niya. Kinalikot lahat ng laman ng drawer. Nahinto ako nang makita ang isang album na may nakalagay sa cover na Eijaz Mireille.
Binuklat ko iyon at doon ko nakita ang sari sari nilang litrato sapalagay ko'y high school siya nito. Nangiti ako sa kakulitan nila sa picture. Sa pinakahuling page ng album ay may sulat doon.
I finally meet my own shadow. Please guide her Jaz. She's crazy little girl.
Crazy little girl ..
Ako iyon di ba? Nang ibalik ko iyon ay nakita doon ang maliit nateddy bear katulad ng binigay niya sakin. Napangiti ako. Nagsulat ako sa sticky note.
Pag bumalik ka sakin ay dapat hindi ka lasing! Lasenggero.
Saka ko iyon dinikit sa noo niya. Natampal ko ang noo nang maalalang wala akong sasakyan. Hirap man ay nakakuha pa din ako ng taxi. Hindi nawala ang usapan ng pumasok ako.
"Kate!" Tawag ni Aixen sakin.
"Oh?"
"Inaresto si tito kahapon?" Tumango ako dito.
"Alam ng halos lahat dahil mga business man din ang mga magulang nila."
"Okay na daw sabi ni Mommy"
"Okay na? Kahapon sabi ni Daddy maraming nag offer sakanya dahil sa nangyari sa company niyo at dahil na din sa pagkakainvolve ni tito sa drugs"
"Hindi totoo lahat iyon"
"Nabaon sa utang ang kompanya niyo kate" seryoso niyang usal. Inabot ko ang batok niya saka inipit sa braso at kili kili ko.
"Wag ka masyadong mag alala ha?" Ginulò gulo ko pa ang buhok niya. Nasa parking lot nako nang sulyapan ko ang kaninang pinagpark ni Aiden pero wala siya doon. Akala ko naman ay pupunta siya. Masama ang loob kong nagmaneho pauwi pero ganon nalang ang bilis ng kilos ko nang makitang nakapark ang sasakyan ni Aiden sa labas ng bahay namin. Halos madapa pako pagpasok. Nanlalaki ang mata ko nang makita sa dining area si Mommy at daddy kasama si Aiden.
"Oh? Saviona come here" utos ni Daddy. Nahihiya akong naupo at naiilang na tumingin kay Aiden.
"Nakakatuwa ang pagiging malapit ninyo" maganda ang pagkakangiti nito sakin. Nagtataka ko naman siyang tinignan saka sumulyap kay Aiden na nakatingin din sakin.
"Mas maging malapit pa kayo ha?" Ngiting ngiti nito kay aiden saka sakin. Naiilang naman na ngumiti si mommy.
"I have to go tito"
BINABASA MO ANG
Till Your Heartache Ends
RomanceKate Saviona Gutierrez.... Adopted daughter of a well-known Business Man who experience harrasment. People didn't expect that the suspect is that human.... it's unexpected. Saviona is also known as stubborn but a smart one until he met someone...
