Chapter 58
"Paalisin niyo dito!" Dinig na dinig namin ang sigaw ni Mr. Gutierrez.
"Ohmy!" Umiiyak na usal ni Mrs. Gutierrez.
"Mom, wag po kayo masyadong umiyak please" nagtuloy tuloy lang siya sa pag pasok.
"Hon!" Tawag niya.
"Mommy? A-ayoko dito. Pinagbibintangan nila ako"
"Mrs. Gutierrez, statement nalang ng anak niyo ang kailangan para tuluyan na siyang makulong, kahit iatras niyo ang kaso tungkol sa anak niyo ay makukulong pa din siya dahil sa ilegal na droga" sunod sunod na usal ng isang pulis doon.
"B-bakit mo ginawa yon?"
"Naniniwala ka sa ampon mo?! Sinungaling yon! Sinungaling siya" usal niya pa. Tahimik na umiiyak si Sav sa tabi ko. Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. Napatingin siya sakin, umiling ako sakanya, pinaparating na hindi totoo ang sinasabi ng daddy niya.
"Wag kang ganyan sa anak ko! Kung hindi mo tinuring na totoong anak si Sav, ibahin moko! Dahil anak ko siya"
"Asawa moko! At ampon mo lang ang babaeng yon! Nasan yon! Sinungaling yon!"
"Itutuloy pa din ang kaso tungkol sa anak ko" mahina niyang usal saka tumalikod at lumabas, susundan na sana siya ni Sav ng pigilan siya ni Amara.
"Kailangan ka dan, ako ang kakausap sa nanay mo" hindi na niya hinintay na magreklamo si Sav, umalis na din siya agad.
"B-bilisan natin, kailangan ako ni Mommy" ramdam ko ang pagod niya.
Nikwento niya lahat ng nangyari mula sa umpisa, nang nalaman niya yon, at sa kung ano ang ginawa sakanya. Galit lang ang naramdaman ko habang kinukwento niya yon. Humanga ako sa tatag ng loob niya.
Matamis na ngiti ang binigay ko sakanya nang magkatinginan kami.
Nang sumilip kami sa daddy niya ay tulala na naman kung minsan pa ay ngumingiti mag isa.
Paglabas namin ay nandon ang mommy niya, wala na doon si Amara.
"Anak, kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong nito.
"Ako po dapat ang magtanong Mom, kumusta ang pakiramdam niyo?"
"Ayos lang ako. Umuwi na tayo?"
"Opo" sa wakas ay nakita ko uli siyang ngumiti, yung ngiti na hindi pilit, ngiti na alam mong galing talaga sa puso, ngiti na alam mong kusa talagang lumalabas.
Hinatid ko sila sa bahay nila at nagpaalam na babalik nalang kinabukasan.
"Mauna nako Sav, Mrs. Gutierrez, mauna na po ako"
"Aiden, hijo, pasensya na sa asal ko sayo nung mga nakaraang araw, stress lang talaga ako dahil sa mga nangyayari sa anak ko-"
"A-ano po bang a-asal niyo Mom?" Nagtatakang tanong ni Sav, ngumiti naman ako sakanya
"Wala, ayos lang po iyon Ma'am-"
"Tita nalang" tumango ako saka nagpaalam ulit.
Sobrang daming nangyari, hindi ko namalayan na hapon na pala. Inaasikaso pa ang mga kaso na isasampa kay Mr. Gutierrez.
"Hindi ako magtataka kung bukas bagsak na naman ang kompanya ng mga Gutierrez" wika agad ni Dad ng makita akong pumasok.
"Wag niyo sabayan ang problema nila ngayon"
"Problema na nila tayo bago palang siya mahuli, kalat na kalat agad, maraming natuwa at nakulong na daw talaga siya"
"Bibilhin ko kahit gano kalaki ang kompanya nila kung wala nang maghahandle non"
"Hindi naman na yon nakakagulat.
BINABASA MO ANG
Till Your Heartache Ends
RomanceKate Saviona Gutierrez.... Adopted daughter of a well-known Business Man who experience harrasment. People didn't expect that the suspect is that human.... it's unexpected. Saviona is also known as stubborn but a smart one until he met someone...
