Chapter 27

4 0 0
                                        

Chapter 27

Hindi ko hinayaang kaanin muli ng pag iisip pagkabasa ko'y nag asikaso pa din. Ayoko nang umasa uli baka naman kase galing lang  iyon sa may kakilala sakin na hindi ko kilala. Hindi ko hinayaang maging malungkot ako sa araw ng graduation ko. Ako lang ang nag ayos sa sarili. Palabas nako ng bahay nang mag vc si Mommy.

"Congrats!"

"Congrats!" Sabay nilang sigaw ni Aixen nagugulat at natatawa ko silang kinawayan.

"Bat andan ka Aixen!" Tumatawa kong sigaw.

"Para sabay kami ni Tita ako ka ba"

"Oh Sav bakit hindi mo pa isuot yang toga isuot mo na dali!" Wika na mommy hirap man ay masaya kong sinuot iyon.

"Bagay na bagay !"

"Oo nga kate bagay! Hindi ka mukang butiki dan!" Pang aasar niya pa.

"Mommy oh!"

"Ikaw!" Tawa ako ng tawa ng pabirong paluin ni Mommy ang braso ni Aixen

"Tita naman!"

"Graduations ng anak ko ngayon!"

"Oo nga po alam ko" ayoko sanang putulin ang kasiyahan namin pero kailangan ko nang umalis

"Ituloy natin to kapag nasa pilipinas nako. I have to go mom, aixen see you soon bye!"

Walang tumbas ang saya na makikita sa mga magtatapos ngayon. Natapos ang programa na hindi man lang nabawasan ang ngiti ko. Hindi ko magawang malungkot nang makita ko sila nagkanya kanya sa pagyakap sa magulang. Nangiti pa ako. Kung andito si Mommy ay paniguradong agaw pansin kami. Iyakan dahil sa tuwa ang madidinig.

"Picture picture!" Sigaw ni Eli. Kanya kanya kaming pwesto.

"Solo tayo Sav!" Hila sakin ni Eli

"Ako din ah!" Wika namn ni Cora.

"Syempre kami den!" Pahabol pa nila steve.

"3.2.1 smile!" Hanggang matapos kami ay nakangiti kami. Paunti ng paunti ang tao doon. Para kaming mga tanga na nagtititigan habang nakangiti. Si Cora ang unang bumigay. Umiiyak siyang tumawa.

"Sabi ko na si Shy na naman!" Sigaw ni Eli.

"Si Saviona kase!"

"Hahaha inaano kita?" Lumapit ako dito saka niyakap

"Babalik ako kaya wag niyo kong kalilimutan!"

"Sinong makakalimot sayo?" Tumatawang saad ni Angel.

"Bakit dahil chic si sav?" Taas kilay na tanong ni Eli.

"Ikaw ba ay megusto sakin?" Maangas na tanong ni Angel.

"Tumigil nga kayo" sabat naman ni steve.

"Kadiri ka anghel!"

"Isa!"

"Tama na nga hahahah" nilahad ko ang mga kamay ko. Kanya kanya naman silang nguso at lapit sakin. Kagaya kahapon ay para kaming mga abnormal
Mas matindi nga lang ngayon ang pag iyak. Naluha nadin ang dalawang lalaki.

"Kung makaiyak kayo ay parang kamatayan na ang susundo sakin"

"Wag ka ngang ganyan"

"Opo shy" kumain lang kami ng street foods may kanya kanya din kase silang handa at bisita ako naman ay mag aasikaso sa pag uwi. Matagal nang naihanda ang kakailanganin para sa pag uwi ko. Madaling araw ang alis ko. Nang matapos maimpake ang lahat ng gamit ay nagpahinga na.

Tulala ako sa kisame ng kwarto. Uuwi nako bukas. Parang kaylan lang ay papunta palang kami dito pero ngayon ay babalik nako sa pilipinas. Makikita ko kaya siya? Makita ko pa kaya siya?. Pag ba nagkita uli kami ay gaya pa din ng dati? Totoo bang minahal nya ko? Sobrang daming tanong na tumatakbo sa isip ko. Hanggang sa nakatulugan ko iyon.

Sakto lamamg ang gising ko. Mabilis akong kumilos dahil sa excitement. Hindi ko nagawang antukin buong byahe kahit nang makalapag na ay hindi ako nakaramdam ng pagod. Binalita kong nasa pilipinas nako.

"Nasa airport po ako ngayon Mommy"

"Ganon ba pasensya na at hindi ka kita masusundo nagkaroon kasi ng Emergency" nagtaka ako sa sinabi niya kahapon lang ay excited siya samantalang ngayon ay hindi niya ko masusundo. Nag abang ako ng taxi saka sumakay.

Namiss ko ang pilipinas. Kahit ang traffic at init ay namiss ko. Masaya ko pang dinungaw ang halos dikit dikit ng sasakyan. Salubong naman ang kilay ng driver dahil siguro sa ginagawa ko.

Nasa tapat nako ng bahay namin. Tinitigam ko muna ang labas ng bahay namin. Ang bilis talaga ng panahon. Pumasok ako sa gate saka nagtuloy tuloy sa bahay. Walang tao doon. Inaasahan kong sasalubungin ako dito nila Mommy. Wala na kaming kasambahay mula nang umalis kami.

"Mom? Dad?" Binaba ko muna ang mga gamit saka sumilip sa opisina ni Daddy pero walang tao doon. "Mom?" Tumuloy ako sa dining.

"Welcome Home!!"

"Congratulations!"

"Woahhhh!" Malakas na sigaw nila kasabay pa ng pagputok ng confetti. Naluluha akong yumakap kay Mommy.

"I missed you po!"

"Ako walang yakap?" Biro ni Aixen natatawa ko siyang nilapitan saka bumwelo para akbayan siya at ipitin ang patok niya sa pagitan ng braso.

"A-ahh! Kate" reklamo niya tumatawa ko pa siyang kinutosan.

"M-masakit!"

"Tama yan " tumatawang saway ni Mommy.

"Kumain na tayo nag handa ako" saad ni Mommy saka naglapag ng mga plato.

"Bat nag abala pa kayo andami nito tayo tayo lang naman po ang kakain"

"Anong problema mo? Kaya ko lahat yang ubusin no!" Puno ang bibig na usal ni Aixen iiling iling ko siyang inirapan.

"Congrats" mahina ang pagkakasabi nun. Hindi ko man lang namalayan na nandito si Daddy nakangiti ko siyang nilingon pero agad nagsalubong ang kilay  nang tuluyan ko siyang matitigan.

Kung ikukumpara ang pangangatawan at itsura ni Daddy ngayon ay sobrang layo na niya sa dating itsura. Namayat ito maging sa muka ay kita iyon dahil bahagyang lubog ang pisngi nito. Ang katawan naman ay parang nabawasan ang laki. Ang laki ng braso niya ngayon ay doble ng braso niya noon. Pilit akong gumanti ng ngiti.

"T-thank you Dad"

"Mauna nako" paalam nito saka tuloy tuloy na umalis. Napasulyap ako kay Mommy. Pilit ang ngiti nito. Si Aixen naman ay patay malisyang kumain.

"Mom?"

"Hindi ko din alam. Naging busy ako sa business na ako ang nag aasikaso"

"Pero bakit po ganon?" Hindi ko talaga maintindihan dahil ilang buwan lang naman ng huli ko siyang makita..

"Hindi din kami masyadong nakakapag usap" malungkot niya pang dagdag.

"Wala po bang problema?"

"Wala naman"

"Hayaan niyo po at makakatulong nako kahit papano" tumango ito sakin.

"Kain na lalamig" sabat naman ni Aixen. Natawa nalang kami.

Ang isa pa sa naisip ko nang makita si Daddy ay ang mamula mula niyang mata. Hindi naman masyadong halata pero dahil mata ang lagi kong tinitignan kapag nakikipag usap ay napansin ko iyon.

Till Your Heartache EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon