Chapter 36

1 0 0
                                        

Chapter 36

""Ako na po dan" salubong ko sa mama ni Russel.

"Nako hija salamat, si russel pala nasaan?"

"Pumunta po sa kaibigan niya" magalang kong usal dito.

"Kaibigan?" Kunot noo nitong tanong.

"Opo, yung payat na lalaki po?"

"Ahh, si bugoy" tumatango tango nitong wika.

"Ah yun po pala ang pangalan niya" nagulat ako ng biglaan siyang humarap sakin at ngumuso at pinapangit ang sariling muka. Natatawa man ay pinilit kong magseryoso.

"A-ano po yan? Pfft" pigil tawa kong usal pero hindi ko din natagalan nang maging ito ay tumawa din.

"Yung Prince ang pangalan mo pero muka kang bihag hahahah" malakas na pagtawa pa nito.

"Prince po ang pangalan niya?" Natatawa ko ding usal

"Oo Hija! Pero may itsura naman yun masyado nga lang payat" kumento pa nito bago tuluyang pumasok.

Mag isa nalang akong nakangiti doon ng biglang sumagi sa isip ko ang sariling pangalan.

Wala akong pangalan? Pero sino ang taong paulit ulit kong naaalala.. Sav.

Sav? Ang pangalan ko?.

"Ohh nene bat andan ka pa? Halika't tulungan moko magluluto tayo ng hapunan"

Mabilis akong kumilos at pumasok sa loob

"Maaga po pala kayong nagluluto"

"Hindi ko kasi alam kung kelan ulit lalaot ang asawa ko, masyado kasi yung masipag, minsan nga'y tatlong beses yun lumaot sa isang araw" kwento nito habang nag huhugas ng gulay.

"Pwede po ba yun?"

"Para sakanya pwede yun, sa madaling araw, sa hapon, at sa hatinggabi"

"Mabuti po at hindi siya nagkakasakit"

"Yun nga ang sinasabi ko sakanya, nagawa niya nang mapagtapos si russel pero tuloy pa din siya sa pagtatrababo"

"Ano po bang trabaho ni russel?" Nagtataka kong tanong

"Natulong siya minsan sa papa niya, pangarap kasi niyang sa ibang bansa makapagtrabaho kaya nga nagsisipag pa din ang papa niya para makaipon"

"Mahihiwalay po siya sainyo?"

"Yun ang pangarap niya eh"

Natapos ang hapon na iyon na puno ng kwentuhan, mabait talaga si aling teresa, muka lang masungit pero mabuti ang puso.

"Bakit nandito ka pa sa labas?" Hindi ko napansing nasa harap ko na pala si Russel.

"Andan ka pala"

"Ano bang iniisip mo?" Tanong nito saka tumabi sa kahoy na inuupuan ko.

"Kung anong pangalan ko"

"Sav" mabilis akong napalingon sakanya nang banggitin niya iyon.

"Saviona base sa naaalala ko" dagdag pa nito.

"Bakit hindi ko maalala"

"Hindi mo naman kailangang pilitin"

"Mmm, pasok na tayo?" Yaya ko sakanya tumango naman ito saka hinawakan ang kamay ko papasok sa bahay nila.

"Andan ka na pala Russel ano namang ginawa niyo kila bugoy?" Tanong ni aling teresa ng hindi inaalis ang tingin sa tinitiklop na damit.

"Nagpatulong lang po si Bugoy sa pagbubuhat, may biglaang kumuha ng mga saging nila." Sagot nito saka ako pinaupo sa bakanteng upuan.

"Mauna na kayo ni nene at aantayin ko pa ang papa mo sabay na kami"

"Kumakain ka ba nan?" Mahinang tanong ni russel.

Nag aalinlangan man ay sumagot pa din ako.

"O-oo"

"Adobong kangkong yan"

"Ahh"

"Tikman mo" simple nga lang tignan ang ulam na iyon pero kakaiba din naman ang sarap, parang unang beses ko lang iyon nalasahan.

"Goodnight Sav" paalam ni russel pagkatapos ng ilang sandali pagkatapos namin maghapunan.

Nakangiti kong pinikit ang mga mata. Pakiramdam ko'y nakangiti ako sa buong magdamag. Maganda ang gising ko nang pangalawang araw ko doon.

"Goodmorning po" bati ko sakanila nang lumabas ako sa silid na tinuluyan ko.

"Sumabay ka na dito, hindi ka na ginising ni russel dahil mukang mahimbing ang tulog mo"

"Nasan po pala si Russel?" Pagtataka ko nang mag asawa lang ang nasa hapagkainan

"Maagang umalis dahil tumulong kila bugoy"

"Pwede po ba ako doon?" Nagtataka man ang tingin nito ay tumango rin.

"Mag almusal ka muna"

"Si Russel po ba nag almusal na?"

"Pakakainin naman yun doon-"

"Dadalhan ko nalang po siya" sumulyap ang papa ni russel nang banggitin ko iyon, bahagya naman akong ngumiti dito.

"Hayaan mo na ang bata at papuntahin mo na kay Russel.

Nakangiti kong tinahak ang tinurong daan ni aling teresa.

"Deretso, kakaliwa tapos deretso tapos may makikitang sirang bahay tapos kakanan, may madadaanang maliit na tindahan tapos-" nahinto ako nang may kakaibang bumagsak sa noo ko.

"Ahh!" Kakaibang sakit iyon ng may matigas na bagay ang tumama sa ulo ko dahilan ng pagtulo ng dugo doon.

"Sav?" Naidilat ko ang mga mata nang may tumawag sa pangalang iyon.

"Uy Sav! Totoo nga ang ganda mo!" Dere deretsong usal nito.

"Ayos ka lang?" Agaw pansin naman ni russel hindi ko sinagot ang tanong niya. Dahan dahan kong inangat ang kamay ko para sana hipuin kung anong meron sa kamay ko nang pigilan iyon ni russel.

"B-bakit?" Hindi siya sumagot sa halip ay tinaas niya ang tshirt dahilan para tumambad ang katawan niya sakin, nagtataka ko siyang tiningala nang gamitin niya ang dulo ng t shirt para ipunas sa noo ko.

"Okay na" usal nito

"Kadiri!" Wika naman ni prince

"Ha?"

"Ipot!" Turo niya sa noo ko. Nanlaki ang mata ko nang marealize kung anong sinabi niya.

"Hahaha" malakas na tawa ni russel.

Nakasimangot kong inabot ang bag na may lamang tupper ware na puno ng pagkain.

"Dinalhan kita ng pagkain tapos pagtatawanan moko" padabog kong inabot yun sakanya

"Inalis ko na nga eh" tumatawa nitong usal. Naagaw naman ng lalaki sa tabi niya ang atensyon ko na pigil din ang tawa.

"Anong nakakatawa Prince?" Nanlaki ang malaki na talaga niyang mata nang banggitin ko ang pangalan niya.

"Hoy! San galing yon!" Turo niya pa sakin

"Taksil ka bespren!" Dagdag pa nito.

"Wala akong sinabi" tawa ni russel, ako naman ang malakas ang pagtawa.

Nakakatuwang sa simpleng usapan namin ay nagawa naming mag saya

"Dapat pala ay pinadagdagan ko pa" usal ko nang makitang naubos ang isang tupper ware ng kanin at ulam, maging ang pandesal ay nilantakan ni prince.

"Ayos naman ah" nginuso ko si Prince na maganang kumain.

"Payat ka pero antakaw mo" biro ko dito

"Pag talaga natititigan kita parang pamilyar, parang nakita na kita" kunot noo nitong wika sakin. Maging ako ay nagtaka

"Kulit mo Bugoy bago nga lang siya dito, kalimutan mo na!" Halata man sa muka nito ang pagtataka ay sumuko din saka nagtuloy sa pagkain.

Till Your Heartache EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon