Chapter 55

4 0 0
                                        

Chapter 55

Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa sofa nila lola Martha. Lola ni savryna. Isang katulong ang nagpatuloy samin.

Ramdam ko ang kaba ni Savryna. Si amara naman ay bahagya pang nakataas ang paa habang nag aantay.

"Hay, magegera ako ni chief neto eh, katagal-"

"Pasensya na mga apo at matanda na ako kaya mabagal ang kilo-" hindi niya natapos ang sinasabi niya ng dumapo ang tingin niya kay savryna, napatayo si savryna mula sa pagkakaupo nito.

"A-apo?" Naluluhang tawag niya dito.

"Magandang umaga lola" singit ni Amara. Hindi ito sumagot sa halip ay naglakad patungo kay savryna at niyakap ito. Nag iwas ako ng tingin, ilabas mo na si Saviona.

"Apo, hindi ako makapaniwala, salamat sa Diyos ay nakita uli kita"

"L-lola"

"L-lola"

Nahinto kaming lahat ng madinig ang dalawang tinig na yon. Hindi nagkakalayo pero mag kaiba. Dahan dahan kong nilipat ang tingin sa pinagmulan ng isang boses.

Finally.

Nangingilid ang luha ni Saviona habang nakatingin saamin. Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sakanya. Natatakot na baka hindi na uli siya makita.

Namayat siya, ganon pa din ang kulay ng balat, alon alon ang mahaba niyang buhok, ang mga mata niya ay puno ng luha.

"Saviona hija" tawag ng matanda, awtomatikong humakbang ang mga paa ko patungo sakanya, mahigpit ko siyang niyakap. Narinig ko ang mumunting pag hikbi niya.

"Shh, okay lang" bulong ko.

"Sorry" hindi ko alam kung gano kami katagal sa ganong sitwasyon.

"Hays, mamaya na yan, pause muna, baka masibak ako ni chief lagi akong wala don" nang marining namin ang reklamo ni Amara ay si Saviona na ang kusang kumalas. Tinulungan ko siyang punasan ang luha niya.

"Oh naiyak din si Savryna, walang magpupunas?" Bira niya pa. Tsk tinignan ko siya ng masama.

"Saviona hija, halika" tawag ng matanda. Nang sulyapan ko uli siya ay nagtititigan sil ni Savryna. Kung pareho sila ng suot mapagkakamalan silang nananalamin.

Dahan dahan siyang naglakad patungo don.

"Saviona, ito ang aking apo, si Savryna" pakilala niya.

"P-pasensiya na, k-kung-" panimula ni savryna.

"Ako ang dapat humingi ng tawad"

"Hindi, akala ng Mommy mo na ako ay ikaw dahil magkamuka tayo" nagulat siya sa sinabi nito.

"Oo, h-hindi ko din alam pano sabi lang nila hanggang sa huli ko na nalaman ang tungkol sakin"

"Patawarin mo kami apo kung hindi namin ginawa ang lahat para makita ka" umiiyak na usal ng matanda.

"Gusto ko man pong sabihin na ayos lang, pero hindi ko pa po alam ang nangyari sakin"

"Nakita ko ang batang ito sa isang beach na pinag bakasyunan ko, iyak ako ng iyak dahil akala ko ikaw ang nakita dahil nga magkamuka kayo" utas naman ng matanda.

"Nang magising ako ay sinabi ko din agad kay lola na hindi ako ang tinutukoy niya."

"Pero bakit hindi ka umuwi sainyo?" Tanong ni Amara.

"Da-dahil, baka ituloy ni daddy ang pagpapapatay sakin" mahinang usal niya , naalarma ako sa narinig. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat.

"Bakit?" Tanongko.

"Siya naman ang nag utos na gawin yon dahil galit na galit siya sakin, nalaman ko na nag dadrugs siya, tinapon ko lahat ng nakita ko. Galit na galit siya d-dahil napakamahal ata non. Bukod don nung sinabi kong isusumbong ko siya" tuloy tuloy niya usal. Kunot noo ko siyang tinitigan.

"Bakit hindi ka humingi ng tulong sakin?" Seryoso kong tanong.

Umiling iling siya

"Nakakatakot" wika niya.

"Nangyare na eh" singit ni amara

"Kahit ako ang nasa posisyon mo matatakot din ako" dagdag ni savryna.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Pano yon babalik na ang totoong saviona?" Tanong ni amara.

"O-oo nga pala" naiiyak na wika ni savryna. "S-si Mommy mo, a-ano nasa ICU-"

"H-huh?" Nanlalaki ang mata nitong usal.

"N-nung sinabi ko yung totoo, nahirapan siyang huminga eh" pahina ng pahina niyang usal.

Iyak ni saviona ang bumalot sa buong bahay. Niyakap ko siya, wala akong ibang magagawa para maalis ang sakit na nararamdaman niya.

"Magiging maayos ang kalagayan niya"

"N-nasan pala si mommy? Si dad?" Tanong naman ni savryna.

"A-apo kasi-" nahinto ang lahat ng tumunog ang phone ko. Kinuha ko yun ng hindi binibitawan si saviona.

"Hello?"

"Eto ba si Mr. Pangilinan?"

"Yes-"

"Kasama niyo si Ms. Gutierrez di ba? Nawawala kasi ang pasyente na si Mrs. Gutierrez, kakalipat lang namin sa room ng umayos ang lagay niya kaso pagbalik ng nurse wala na don-"

"papunta nako"

"Ano yon?" Tanong ni Sav. Tinitigan ko siya.

"Nawala daw sa hospital ang mommy mo sav" nakita ko ang pangamba sa mga mata niya.

"T-tara na"

Till Your Heartache EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon