Chapter 38
A-akala ko umalis na kayo" kinuha niya ang paa ko saka pinatong sa tuhod niya. Nagbasa ng towel saka marahang dinampi sa paa kong may sugat.
"A-ayos lang naman ako"
"Sabi ko lilinisan ko to di ba?" Walang emosyon nitong usal, tango nalang ang naisagot ko sa lamig ng boses niya. Galit ba siya?
"Ah, russel g-galit ka ba? Wala naman akong ginawang mali eh" nakanguso kong usal. Nanlaki ang mata ko ng bahagya niyang pitikin ang noo ko, bat parang nangyari nato?.
"Hindi ako galit, sasama lang ako kay papa ha?" Paalam niya saka pinunasan ng tuyong towel ang paa ko.
"Lagyan mo ng band aid meron dan sa may cabinet"
"Mmm"
"Wag ka ding lalabas pag di moko kasama" huling aniya bago ako talikuran.
Bahagyang nawala ang sama ng loob ko, hindi naman pala siya galit baka wala lang sa mood.
Nang pumasok ako sa loob ng bahay nila ay nakita kong nakaupo si aling terresa sa may harap ng bintana, halatang malalim ang iniisip, kita din doon ang lungkot niya.
"Ayos lang po ba kayo?" Tanong ko sakanya nang makalapit ako. Hindi niya ko nilingon.
"Masaya na ako sa buhay namin ngayon, pero hindi ko maaaring pigilan ang gusto ng anak ko"
"Ano pong ibig niyong sabihin?" Nagtataka kong tanong
"Baka sa makalawa ay umalis na si Russel" wala nang mas lulungkot pa sa tono niya. Ganon ba ang mga Ina? Bakit wala akong maalala tungkol sa pagkatao ng Ina ko?.
"San po ba siya pupunta?"
"Sa Canada may trabaho na siyang nakuha doon" maging ako ay nalungkot sa sinabi niya. Bukod sakanya ay wala nang malapit saakin at wala nang nagpapasaya sakin.
"Nakakalungkot nga po-" nahinto ako nang marinig ko ang pag singhot niya. Mabilis ko siyang dinaluhan.
"K-kung dito ka sana titira, baka hindi siya tumuloy doon" nakatitig siya sa mga mata ko nang sabihin niya iyon.
"A-ano pong ibig niyong sabihin? Pa-paaalisin niyo na po ba ako? Pwede naman po ako dito" hindi ko na naitago ang pagkagulat, ayaw na ba nila na nandito ako.
"Pasensiya na hija pero may buhay ka sa labas ng probinsiyang ito." Usal niya saka nagpunas ng luha.
"Pero wala po akong naaalala"
"Hindi ko alam ang plano ni Russel kaya magtiwala ka nalang sakanya, hindi ka naman niya pababayaan" yun lang ang sinabi niya bago ako iwan doon.
Muling dumami ang tanong sa isip ko, pano ako napunta sa ganitong sitwasyon? Sino ang pamilya ko? At sino ako, Bakit walang naghahanap sakin? Bakit?
Hindi ko namalayan ang oras, alasingko ng hapon nang kumalam ang sikmura ko, nakaidlip pala ako.
"Oh nene kumain ka ng Palabok may nagtinda kanina dan kaya bumili ako" tumango ako sakanya saka ngumiti.
"Dito ka muna ha? Pupunta ko lang ang kuMare ko" paalam niya sakin. Nang matapos sa pagkain ay pumasok ako sa kwartong tinutuluyan ko, sa isang sampayan ang nakita ko ang nakahanger na damit pang babae, puro t shirt at short lang sinusuot ko dahil damit lang ni russel ang hindi masyadong nalalayo sa katawan ko, kaysa sa damit ni aling Terresa na para talaga akong hanger.
Tinitigan ko iyon, Dress iyon na kapag sinuot ay hapit sa baywang, may pag kayellow ang kulay non, hanggang tuhod ang haba, may ilang butas sa tagiliran at may ilang sira sa likod. Dinampot ko iyon saka pumasok sa cr at nagpalit ng damit. Nang lumabas ako ay agad akong lumapit sa malaking salamin at tinitigan ang sarili. Ganon nalang ang panlalaki ng mata ko nang napunta ako sa isang kakaibang lugar.
Madaming nakahilerang damit doon, maging sandals ay iba iba ang itsura. Naluha ako, pinikit ko ang mga mata ko at nang dumilat ay muling nakita ang sarili sa kwarto nila russel.
"A-ano yon?"
"Sav?" Dinig kong tawag ni Russel. Hindi nako nag abalang mag cr, dun na mismo akong nagbihis at nagmamadaling hinanger ang dress kanina.
"Sav?"
"B-bakit?"
"Ayos ka lang? Bat muka kang kinakabahan dan? Ambilis pa ng paghinga mo" nagtataka niyang tanong sakin saka nilibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto.
"N-nakatulog kase ako tapos na-nanaginip ako" halatang hindi siya nakumbinsi sa sinabi ko kaya't tumango nalang siya.
"Hindi ka ba lalabas?"
"Kakarating niyo lang ba?" Sa halip na sagutin ay tumayo na agad ako at nagtanong.
"Nauna lang ako sumama ang papa ko sa laot ni Kuya philip."
"G-ganon ba"
"Nagmeryenda ka na ba?"
"Oum merong palabok dan"
"Kumain ka?" Tanong nito, siguro ay inaalam niya kung kumakain ba ako non. Bago sa paningin at panlasa pero masarap naman iyon.
"Oo naman"
"Sa susunod sasabihin ko kay mama maglutong Pasta" aniya habang kumakain ng palabok.
Naupo ako sa harap niya.
"Paaalisin mo ba ako dito?" Tanong ko na naging dahilan para magtaas siya ng tingin sakin saka nangunot ang noo.
"Pag ba umalis ka na ay paalisin mo din ako?" Dugtong ko pa
"San mo naman nakuha yan?" Seryosong tanong niya. Nag iwas lang ako ng tingin.
"Si mama talaga" aniya nang mapagtanto siguro na si aling teresa lang naman ang may alam.
"Pag hinatid kita sa totoo mong pamilya ay saka lang ako aalis" malungkot niyang usal.
"P-pwede bang wag mo nalang akong ihatid?" Mas malungkot kong usal. Nagkatitigan kami.
"Kung anong gusto mo ay yun ang gagaw-" nahinto siya sa sinasabi niya nang may tumawag sakanya sa labas ng bahay.
"Hoy! Russel!"
"Russel papasukin ko yang bahay-"
"Sandale!" Sigaw pabalik nito.
Kinuha niya ang kamay ko saka kami sabay na lumabas
"Ano ba Mich?" Masungit na aniya
"Ano bang ginagawa mo dan at ang tagal-" nagtataka kong tinignan ang babaeng iyon ng nanlalaki ang mata niya ng ituro niya ako.
BINABASA MO ANG
Till Your Heartache Ends
RomanceKate Saviona Gutierrez.... Adopted daughter of a well-known Business Man who experience harrasment. People didn't expect that the suspect is that human.... it's unexpected. Saviona is also known as stubborn but a smart one until he met someone...
