80: Hanger

622 7 3
                                    

Jairus

Ano ba yan... Ang pangit nung palabas. Kinuha ko yung remote at nilipat yung channel.

Hay... Napakaboring! Na-cut kasi yung klase namin kasi may meeting daw yung mga teacher. Absent si Jay kaya hinanap ko siya sa bahay nila pero sabi nung maid nila, umalis daw siya. Umuwi na lang tuloy ako.

Wala si Jade kaya wala kong aasarin at pagtitripan. Wala din si Kuya. Wala din si Ate Amy— este, Amber.

Ang kasama ko lang tuloy, yung TV. Hay... Kumuha ko ng Clover chips sa mangkok na nasa gilid ko at pinuno nun yung bibig ko. Tama yan, Jairus. Kumain ka na lang habang nanonood ng TV. 'Wag mo nang isipin si Ate Amber.

Bigla na lang nag-ring yung cellphone ko. Kinuha ko yun sa bulsa ko. A, may tumatawag pala. Teka... Si Ate Amber 'to a! Nasa kanya yung isa ko pang cellphone e. Bakit kaya siya tumatawag?

Wait, Jairus. Di ba hindi mo siya pinapansin ngayon? 'Wag mong sagutin yung tawag niya. 'Wag mo siyang pansinin... Kumain ka na lang.

Pinilit kong 'wag pansinin yung tawag niya pero nakulitan na ko sa kanya kasi ayaw pa rin niyang tumigil. Hay, sagutin mo na nga para tumigil na.

Nilunok ko na yung kinakain ko at sinagot yung tawag. "Hello?"

"Hello? Jairus?" Teka... Boses ng lalaki 'to a. Si Kuya Jeffrey ba 'to?

"Kuya Jeffrey?" Tanong ko.

Bigla siyang sumigaw. "Naaksidente si Amy!"

"Ha?" Ano? Naaksidente si Ate?

"Naaksidente? Hindi ka naman naaksidente a." Bigla kong narinig yung bulong niya sa kabilang linya.

"Ano?" Ang weird naman nito. Sino bang kinakausap niya? "Anong nangyari sa kanya?" Tanong ko.

Hindi muna siya sumagot. Parang may binubulungan nga siya ulit e. Sino kaya yun?

"Nabanlian ng tubig." Sagot niya.

"Nabanlian ng tubig?"

"Ay hindi pala. Nasagasaan ng kotse." Sinabi niya.

Ano daw? Nasagasaan ng kotse? "Nasagasaan ng kotse? Sa loob ng cafe? Takte yan!" Pinatayan ko na siya. Halata namang nangtitrip lang e.

Pano naman siya masasagasaan sa loob ng cafe? Naku, magpa-prank call na lang, hindi pa nag-isip ng mas makatotohanang kwento.

Nag-ring ulit yung cellphone ko. Tumatawag na naman siya. Hay... Ano na naman ba?

"Hello?"

"Hello? Jairus?" Sagot niya.

"Pinagtitripan mo ba ko?" Tanong ko.

"Hindi. Hindi kita pinagtitripan. Seryoso ako."

Seryoso? E sabi nga niya nasagasaan daw ng kotse si Ate Amber. "Ano ba talagang nangyari sa kanya?" Tanong ko ulit.

After several seconds, sumagot na siya. "Nabagsakan ng mga cup at mug nung binuksan niya yung cupboard. Nabasag lahat sa kanya."

"Nabagsakan ng mga tasa?" I repeated. Hala... Okay lang kaya si Ate?

 "Ano, nadapa pala siya habang may hawak na tray. Tumama yung tuhod niya sa mga bubog." Sabi niya.

"Ha?" Bakit ba paiba-iba yung mga sinasabi niya? "Kamusta na siya?"

"Shish unconshush." Sagot ni Kuya Jeff.

"Ano?" Ano daw? Hindi ko naintindihan yung sinabi niya e.

"She's un— She's unconshush."

Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon