34: Schizophrenia? Pseudocyesis?

1.5K 12 0
                                    

Bryan

I was lying down on the couch watching t.v. Sinusubukan kong tanggalin ang utak ko kay Amber. Kakagaling ko lang sa mall kung saan balak ko dapat magrelax at dun sa mall na yon, nakita ko na naman si Amber in that freakin’ Korean hairstyle, looking like a rainbow in those colorful k-pop clothes that the sophisticated and prim Amber Conrad will never wear.

At ito pa. She was running with all her might, hugging several shopping bags and yelling like a total fool.

Sa sobrang praning ko, tumakbo ako pababa dun sa escalator na pataas kung saan ako nakasakay surrounded by my personal assistants. Muntik na kong madapa, makaladkad at maaksidente, para lang mahabol yung crazy, cutesy-cutesy Korean version ni Amber. Nang makarating naman ako sa baba, I realized na namalikmata lang ako. Pinagkaguluhan pa tuloy ako ng mga babae at wala na yung mga P.A. ko sa tabi ko.

So ayun... Umuwi na lang ako ng bahay at baka ilang Amber Conrad pa ang makita ko. Tumingin ako sa screen.

Ahh??? A!!! Yung nag-aact na girl... Bakit si Amber? I blinked at si Amber pa rin ang nasa screen. “Forget about me, please. I’m just a part of your past. Mag-move on ka na!” The actress said, using Amber’s face. Damn. This is freaking me out.

Nilipat ko yung channel. Newsbreak... Whew. Siguro naman wala si Am— Teka... si Amber yung anchor. Nilipat ko ulit yung channel...

Home-shopping. Imposibleng nandito si Amber. Please naman. Sana wala siya— Si Amber yung nag-eendorse ng vacuum cleaner at nag-eexplain nung mga special features nung product.

Nilipat ko ulit ang channel quite frantically. Classroom scene. At mukha ni Amber yung lahat ng estudyanteng babae! Crazy, crazy, I’m going crazy!

‘Okay class...’ Sabi ng teacher. She turned around and... Amber??? Siya rin si Amber.

“AAHHHH!” I yelled. “AAAAHHH!!!” My eyes are playing tricks on me. I’m crazy! I’m going crazy!

“Sir, bakit po kayo sumisigaw?” Tanong ni Diether. From the looks of it, he ran here in a panic. Nakarating siguro sa baba yung mga sigaw ko.

“Diether, tell me the truth.” Sabi ko sa kanya.

“Anong truth po yun, Sir?”

“Do I look crazy to you?”

Bago pa makasagot si Diether, bigla na lang pumasok sa loob ng kwarto ko si Samantha. Dumirediretso sya sa kabilang sofa and collapsed there.

“I’m so tired...” She mumbled.

“I thought you were on a date.” Sabi ko sa kanya.

“I thought you were at the mall.” Sagot naman niya sa ‘kin.

“Can it be... Tinakasan mo na naman yung date mo?” I said.

“E pano ba naman kasi... Ang tanga tanga... Di ba naman alam yung schizophrenia at pseudocyesis... So stupid...” Sabi niya while rolling her eyes. (Note: Samantha is a genius in the medical field and is currently working as an intern.)

Nagtinginan kami ni Diether.

Samantha stood up at pumunta sa sofa where I am sitting. She sat and hugged me which is the most annoying thing that big sisters do.

“Buti pa si baby Bryan... Sobrang smart...” She said in a cooing voice. She ruffled my hair playfullly. “For sure, alam niya ang schizophrenia and pseudocyesis.” Dagdag pa niya, kissing my cheek.

“What the hell, ate! Stop treating me like a baby!” I snapped, pushing her away. “Atsaka, malamang naman ate. Syempre alam ko yung mga yun.” Dagdag ko pa. Ano nga ba yung mga yun?

Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon