63: Pride or Casper? Casper or Pride?

926 13 13
                                    

Hi, guys! We kept our word... hahahahaha XD ENJOY!!! Pls vote and comment... :)

To Hatelife-_- thanks for waiting! :D

~~~

Amber

He’s really despicable! I really, really hate him! I walked away from the playground slowly. Grabe, ang lakas ng ulan... Pano na ko nito? San na ko pupunta?

Grabe talaga si Casper. Pati tuloy yung bata nadadamay dahil sa mga kalokohan niya e! Kawawa naman tuloy si Jai.

I looked at the slide and smiled. I’m sorry Jai... This is between him and me. Lagi na lang ikaw ang nag-aayos ng mga problema namin. Ayoko nang madamay ka na naman.

I took my phone out of my purse. Aba, sixteen missed calls from Casper. Asus... Pababalikin naman pala talaga ko nito e. Papalayasin pa ko wala namang isang salita.

Still, it made me kind of happy to know that he still cares for me. So... Ano na ngayon? Babalik ba ko? Well, I really want to but... Hayy... Anong pipiliin ko? Casper or pride? Pride or Casper? Bahala na nga.

Casper

Ano ba yan?! Bakit hindi niya sinasagot yung mga tawag ko? Pano ko siya mahahanap kung iniisnab niya lahat ng tawag ko?

Kailangan ko na talagang mahanap yung babaeng yun... Pero pano?

Kung san-san na ko naghanap. Kung san-san na ko tumakbo. Kahit saan ako pumunta, wala talaga siya e.

Napadaan ako sa public playground at nagulat na lang ako nang makita ko si Jairus don.

“Jairus! Jairus!” Sigaw ko.

“Kuya?”

“Anong ginagawa mo dyan?” Tinanong ko habang lumalapit sa kanya.

“Kasi kanina nakita ko si Ate dito. Sabi ko—”

“Ano? Nakit mo kanina dito si—”

“Oo... Nakita ko si Ate Amy. Sabi ko babalikan ko din siya pagkatapos ko kumuha ng payong e, pero pagkabalik ko wala na siya. Kung san-san ko na rin siya hinanap, hindi ko pa rin siya makita. Kaya ayun, bumalik na lang ako dito. In case na bumalik siya.”

Pagkarinig na pagkarinig ko nun, tumakbo na ko kaagad. Kung anu-ano yung mga pinagsisigaw ni Jairus. Siguro sobrang naguguluhan talaga siya sa mga nangyayari.

“Kuya! San ka pupunta? Ano bang nangyari?”

Sorry Jairus. Mamaya na lang. Kailangan ko pang hanapin si Amber e...

Amber

I walked slowly in the side of the road. Hindi talaga ko makapagdesisyon. Ano kayang gagawin ko? Babalik ba ko o hindi? Ayy!!! Ewan! Nakakabaliw naman...

Hay... Babalik na nga lang ako. That seems like the best choice e. Bahala na talaga.

Patawid na sana ko ng kalsada nang biglang may nakita akong truck na paparating. Hindi ko narealize na may truck na papalapit kasi nakikinig ako sa music. I was trying to calm myself down. Kaya ayun... Hindi ko narinig yung truck.

I stepped backward as fast as possible. Suddenly, I felt a pair of arms grab me by the shoulders into safety. Sino kaya ‘to?

Casper

“Nababaliw ka na ba?” Malakas na sigaw ko kay Amber. Ano bang balak niyang gawin? Magpapakamatay ba siya? Bakit hindi siya lumayo kaagad dun sa truck?

“Ano bang gusto mong gawin ha? Ano? Dahil lang sa away natin, magpapakamatay ka na? Hindi ka man lang ba nag-iisip?!”

Hinigpitan ko ng sobra yung yakap ko sa kanya. Baka kapag binitawan ko siya, tumakbo na naman siya palayo sa ‘kin.

“Alam mo bang sobra kong nag-alala sayo? ‘Wag na ‘wag mo nang uulitin yang ginawa mo! Halos nabaliw na ko sa kakahanap sayo! Alam mo ba yun?”

Bigla na lang siyang nagpumiglas at sinubukan lumayo pero mas hinigpitan ko yung kapit ko para hindi siya makawala.

“Sorry...” Sinabi ko sa kanya. Pagkatapos kong sabihin yun, bigla na lang siyang kumalma at huminto sa pagpupumiglas.

Sunud-sunod yung mga pinagsasabi ko sa kanya. “Sorry... Sorry dahil nagalit ako nang walang maayos na dahilan. Sorry kung lagi na lang kitang pinahihirapan. Sorry kung lagi na lang kitang nasasaktan. Sorry kasi lagi ka na lang napapahamak dahil sa ‘kin. At sorry kasi hindi ko hahayaang umalis ka! Sorry kasi kahit kelan, hindi ko mapipigilang mag-alala sayo. At sorry, sorry kasi sa tingin ko... Sa tingin ko Amber, gusto na kita.”

Amber

Sino ba ‘tong gagong ‘to? Aba, kung makayakap akala mo ka-close ko. I struggled to free myself from his firm grasp.

I think he’s saying something... But I can’t hear him at all. Di ba nga nakikinig ako sa music?

I struggled again and I managed to free my arms, just enough to open the flap cover of the phone and pause the music.

“Sorry...” A familiar voice said. Casper? Si Casper ba ‘to? Wait... What did he just say? Nagsorry ba siya?

He continued talking. “Sorry... Sorry dahil nagalit ako nang walang maayos na dahilan. Sorry kung lagi na lang kitang pinahihirapan. Sorry kung lagi na lang kitang nasasaktan. Sorry kasi lagi ka na lang napapahamak dahil sa ‘kin. At sorry kasi hindi ko hahayaang umalis ka! Sorry kasi kahit kelan, hindi ko mapipigilang mag-alala sayo. At sorry—”

I wasn’t able to hear the rest because I accidentally closed the cover again. It hit the screen and the music suddenly played again.

But it doesn’t matter. Kahit ano pang sinabi niya, wala na kong pakialam. Ang mahalaga... Nag-sorry na siya.

Casper

“Ano? Wala ka man lang bang sasabihin? Wala ka man lang reaction? Uy, Amber!”

Binitiwan ko na siya at humarap na siya sa kin. “Casper...” Sinabi niya.

O? Ano na? Ano kayang sasabihin niya?

“Casper... May sinasabi ka ba?” Hinawi niya yung ilang hibla ng buhok niya at nilagay sa likod ng tenga niya. Anak ng! Narealize kong naka-earphones pala siya... Kaya naman pala walang imik.

Tinanggal na niya yung earphone sa isang tenga niya. “Ano ulit yun? Casper?” Tanong niya.

Grabe... Hindi ko alam kung paano ko magrereact. Ano? Hindi niya narinig lahat nung sinabi ko? Pagkatapos kong magpakacorny nang sobra, wala pala siyang narinig dun kahit isang salita? Pagkatapos kong lunukin yung pride ko? Lahat yun nabalewala na lang?

Lahat-lahat ng gusto kong sabihin, binuhos ko na sa kanya! Ang ganda-ganda na nung eksena, sisirain pa niya! Grabe... Parang lalo tuloy akong nagalit.

“Wala! Ang sabi ko, umuwi na tayo sa bahay! Tsaka tigilan na natin ‘tong away na ‘to! Para na tayong tanga!”

“A ganun ba? Yun lang?” Tinanong niya ulit.

“OO! Yun lang! Ano pa bang dapat mong marinig ha? Ano? Sasama ka ba?” Sigaw ko sa kanya.

“Sige... Fine, I forgive you. Umuwi na tayo.” Sagot niya.

Kinuha ko yung payong sa gilid ng daan. Naihagis ko kasi kanina nung hinatak ko siya palayo sa truck. Hay... Dapat pala hinayaan ko na lang siyang masagasaan ng truck e! Grabe!!! Nakakaasar...

FALSE ALARM! False alarm lang yun lahat. Hindi totoong gusto ko na siya. Imposibleng magkakagusto ko sa isang taong walang konsiderasyon! Nadala lang siguro ko nung sitwasyon kanina. Tama... Yun lang yun.

“Tara na!” Sigaw ko sa kanya. Naglakad na ko palayo. Bahala siya kung susunod siya o hindi, wala na kong pakialam.

Amber

I smiled as I walk behind Casper. Finally! Nagkabati na rin kami! Oh wow! This is GREAT!

I just wanted to piss him off so I pretended that I did not hear a single word. Pero ang totoo, narinig ko naman yung mga sinabi niya. Hindi nga lang lahat, pero okay na yun.

Ang mahalaga, bati na kami! That’s all that matters! Pero... nakakacurious lang ha. Ano kaya yung huling sinabi niya? Hay... Bahala na. Masyado na kong masaya para problemahin pa yun.

Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon