Hi... We're keeping our word... Sorry at 1 chap lang... There'll be an early update next week... Wednesday, we'll be able to post new updates... :)
Pls keep on voting... :) ENJOY!!!
~~~
Bryan
I knew it! I absolutely knew it! Hindi ako nagkamali! Buhay nga si Amber! I didn’t just see her, I touched her so I’m 100% certain that it’s her, and that she’s alive!
All this time, I thought that I was going crazy. Hindi pala ko nababaliw! Totoo lahat ng nakita ko noon. Buhay si Amber!
Grabe... This is really great! “Everyone’s meal is on me!” I shouted at all the people in the restaurant and they cheered. “Waiter, lahat ng bills sa ‘kin mo ibigay.”
“Okay sir.” Sagot nung waiter.
Diether stared at me in confusion. “Sir, parang good mood na good mood kayo ngayon a...”
I smiled. Talagang good mood ako. Buhay si Amber e! What news can be better that that? Pero ang tanong, bakit pinalabas na patay si Amber? At bakit siya nagtago? Well, the answers to those questions can wait. Ang mahalaga, buhay siya. Ngayon ang kailangan ko na lang problemahin ay kung pano ko siya malalapitan. Wait... Pano nga kaya?
Casper
Nakakaasar si Amber. Halatang-halata naman na umiiwas siya e. Grabe talaga yung babaeng yun. Sobra-sobra kung magalit.
Ang hirap talaga kapag magkaaway kami. Gusto ko rin namang magkaayos kami e. Naghahanap lang ako ng tamang timing. Baka kasi galit pa siya...
Tumakbo ko para makahabol kay Amber. Tumakbo kasi siya kaagad. Halatang-hatang ayaw akong makasabay umuwi. Hay... Ewan ko sa kanya. Bahala siya.
Naglakad ako malapit sa kanya. Bigla na lang siyang naglakad palayo. Binilisan ko yung lakad ko hanggang sa nasa gilid na niya ko. Aba, binilisan niya din para makalayo sa ‘kin.
Nakakaasar na siya ha. Dapat nga, ako ‘tong lumalayo kasi siya yung may kasalanan. Ako na nga ‘tong nagpapaka-humble e.
Pinilit ko siyang abutan. Hindi biro yung takbuhang ginawa namin a... May lahing cheetah ata ‘tong babaeng ‘to e.
Hinatak ko yung kamay niya nung naabutan ko na siya.
“Ano ba? Ba’t galit ka pa rin?” Tanong ko.
Hinatak niya pabalik yung kamay niya at tumalikod nang di man lang ako tinitingnan sa mukha. Dire-diretso pa yung lakad niya na parang wala lang nangyari.
Aba. Itong babaeng ‘to talaga. Ako lang ba ang may kasalanan? Di ba siya naman ang nagsimula?
Hinabol ko siya ulit at susubukan ko sanang hatakin ulit yung kamay niya nang biglang muntik na kong matamaan nung bag niya na pinanghampas niya sa ‘kin.Whew! Buti nakailag ako... Muntik na ko dun a.
“Ano bang problema mo ha?” Tanong ko sa kanya.
“Pwede ba. ‘Wag mo muna akong kausapin. I’ll talk to you once my head is cool. Kaya ‘wag kang epal at nagpapalamig pa ko ng ulo.” Mataray niyang sabi.
“Aba! Ikaw pa ‘tong mainit ang ulo? E ako? Sa tingin mo ba hindi mainit ang ulo ko ha? Ayusin mo na lang yang paglalakad mo hindi yun parang may humahabol sa yong kabayo.” Sabi ko naman.
“What you’re doing is only adding to the heat in my head. Ang point ko, tigilan mo muna ang kakapeste sa ‘kin. Get lost!” Sigaw niya sabay talikod at tinuloy na naman yung mabilis niyang paglalakad.
“E di sige! Bahala ka sa buhay mo! Kung gusto mo, ‘wag ka na ring bumalik sa bahay. Tutal ayaw mo naman akong makita di ba? E di umalis ka na lang!” Sigaw ko.
BINABASA MO ANG
Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)
RomanceAmber Conrad is a girl with a perfect life. She's an eighteen-year-old award-winning star and an heiress. Kasikatan, kayamanan, kagandahan, katalinuhan... Lahat nasa kanya na. Almost every teenage girl looks at her with envious eyes. There are times...